Chapter 3 : Inspirasyon
Anu bayan!? Start nanaman ng klase? Pero infairness first day ng school nase-sense ko na magiging masaya tong school year na to. BOOMPANES! Puro kami boys sa classroom! whooo! anim lang yung babae namin XD Dumating na yung teacher namin sa Filipino.
Teacher: Good morning class.
Class: Good morning Ma'am. Mabuhay!
Teacher: Ako nga pala si Gng, Regina Aquino ang magiging guro nyo sa Filipino para sa taong ito. Para simulan ang klase ko magpakilala kayo bawat isa :) Simulan natin sa kanya. ( sabay turo dun sa pinakadulong right XD anodaw? :3 )
At nagpakilala na nga ang lahat. Grabe nakakahiya yung pagpapakilala ko pero bakit kaya di ako pinapansin ni Alets? Nung nagpapakilala ako sa kanya lang ako nakatingin pero bakit parang sinasadya nya atang wag ako pansinin. Nung Recess kinausap ko sya, pero umiwas sya. Ano bang nangyayari? Yun ba yung solusyon nya sa mga nangyari? Sa bagay hindi ko naman sya masisisi. ( awwwww....... :( ) Gusto ko sabihin yung totoo, pero sa tingin ko hindi nya maiintindihan.....
Ang lungkot naman nitong araw na to pero sa 3rd floor ...........................................
Michelle: Seth!
Ako: Michelle? ( sabay lingon )
Michelle: ( nakangiti ) Pauwi ka na ba?
Ako: Oo, ikaw?
Michelle: Pauwi na rin. San ka ba umuuwi?
Ako: Di na mahalaga yun. May kasabay ka ba? Ihahatid kita.
Michelle: Wala eh. Baka may pupuntahan ka pa?
Ako: Sawang sawa na ko magdota hahaha XD okay lang pramis :)
Ngumiti lang siya at yun naglakad na kami pauwi. Grabe ang saya nya pala kasama, ang daming napapansin XD mali daw yung term na "footspa" kasi daw alanganamang isang paa lang yung ipa-spa mo XD dapat daw feetspa (-_-) Haysss..... Ano mang pilit kong bagalan maglakad parang ang bilis ng oras. Nakapunta na kami sa kanila. (O________O) ang laki ng bahay nilaaaa!!!! My God. Nagtext ako ng bye pagkapasok nya, baka makita ako ng mga magulang nya mahirap na XD
Pagkauwi ko. Nagtext lang kami ni Michelle. Tungkol sa pag-aaral, lovelife pero nagtataka talaga ko bakit pag nababanggit ko yung..........
Ako: Michelle, kailan ba talaga yung right time?
Michelle: Bye na Seth, kailangan ko na matulog may pasok pa bukas. :)
Ako: Ah sige, Goodnight and God bless :)
Michelle: Same. :)
Siguro naman kailangan nya talagang matulog. Inintindi ko na lang lahat lahat. Naisip ko lang, siguro kung magiging magkaklase kami mas lalapit pa yung right time. Okay na rin yun. Mababawasan yung malisya kung sabay man kami umuwi. Magiging proud pa sakin mga magulang ko, atleast makakabawi na din ako sa kanila. Wala namang imposible kung ang lahat ng bagay ay gagawin mong simple.
BOOMPANES!!!! Top1 ako ng 1st Grading. Whooooooooooooo! Matutuwa si mama nito. Pano ba naman kasi buong buhay ko ngayon lang ako nagkatop, TOP1 pa agad. San ka pa? ( kampihan na joke XD PBA daw eh XD ) 1 down. 3 more to go. Intense yun ah, kaya ko naman pala eh. Pero malungkot pa rin ako nung araw ng kuhaan ng card. Pano ba naman kasi 1 linggo na atang di nagpaparamdam sakin si Michelle. Pati sa fb hindi sya nag-oonline. Di ko alam gagawin ko. Siguro nagpalit lang siya ng number itetext nya ko kaagad. Hiniram ko yung cellphone ni Jaffar.
Ako: Tol pahiram nga ako ng cellphone mo.
Jaffar: Bakit tol?
Ako: May titignan lang ako tol.
Jaffar: Wala kang makikita dyan. Puro gm lang ng mga kaklase natin.
Ako: Mga kaklase lang talaga natin.
Jaffar: Oo tol. ( parang nanlumo ) ( biglang umalis )
Jemuel : Seth, ano ka ba? alam mo bang hindi pinapadaanan ni Michelle ng gm si Jaffar.
Ako: Di nga? Hayaan mo na magsosorry na lang ako mamaya.
Jemuel: Sige tol.
Ako: Pa unblock-me nga ako tol.
Jemuel: Sige lang tol eto oh ( sabay abot ng cellphone ) 5 expert mode tapusin mo ha
Ako: Sige tol ako pa.
BOOM! Tingin agad sa messages. Kinuha ko na rin yung cellphone ko para icheck. :( :( :( :( :( :( :( nagpalit na siya ng number at araw araw pa ata syang may gm. Bakit hindi niya ko pinapadaanan? Bakit hindi niya sinabi sakin? Paano ko sya kakausapin? Ano bang gagawin ko?
Foundation day:
Grabe ang saya ng araw na to. Ang saya mangtrip. Kumuha ng ice tubig si Hanzel tapos binato kay Jaffar. Tawa ko ng tawa. Hanggang sa maisipan nung section 1 na makisali samin. Boom Basaan dito, Pahiran ng slime sa mukha, Batuhan ng bote/sapatos/tsinelas/can/diaper/napkin joke XD Paglingon ko </3
Nagpahiran ng slime si Jaffar at Michelle ng slime sa mukha. Di ko alam kung magiging masaya ba ko o hindi. Umuwi ako agad. Hindi na ko sumama magdota sa kanila. Wala akong ganang maglaro eh. Natapos na yung 2nd grading hindi pa rin kami nagkakausap dalawa.
Ayan. 2 top1 na. Konting push na lang section 1 na bwahahahhaa XD. Unti-unti akong pinapatay ng katahimikan nya pero ginagawa kong inspirasyon yung "right time" na sinabi niya. Makapag-facebook nga muna at magbasa ng mga posts at status.Inantok na ko kaya natulog na lang ako, total hindi naman siya online sakin eh. Malay ko ba kung nakablock o nakaturn-off chat sya sakin. Natapos na rin yung 3rd at 4th Grading na top1 ako pero hindi pa rin kami nagkakausap. Ano na kayang nangyari? May problema ba sakin? May masama ba kong nagawa? Sa kuhaan ng card, tatanungin ko sya, kaso mga magulang ata pinapakuha eh. Ano ba naman kasing nakain ng mga teachers at binaligtad, dapat kami yung kukuha eh. Buti na lang kami nga yung kukuha. Pero hindi ko nakita si Michelle buong araw. Nagtanong-tanong ako may ilan na nagsabing hindi daw nila nakita. Yung iba naman nakita daw nila kanina sa tindahan mukhang pauwi na daw. Kailan kaya pwede? Sa enrollment? ay oo nga pala! Shocks..... wala akong kakilala sa section 1 bukod sa mga dati kong kaklase?! Halaaaa pano kaya magiging buhay ko dun? May makakausap ba ko? siguro magiging loner ako? Si Vesper? Sobrang talino naman nun di ko kalevel yun. Si Lawrence? yung calculator? Tinanong ko dati ng 37 times 38 nasabi agad sakin yung sagot. Chineck ko sa calculator, Wow! ang galing nga naman oh, TAMA! XD Halulu pano na ko? Pero hindi yun ang ginawa kong problema ngunit kung paano ako mapapalapit kay Michelle ngayong magkaklase na kami :)
