Chapter 7 :)

134 0 0
                                    

Chapter 7: Breakeven

                            "I'm still alive but I'm barely breathing." 

Sa wakas! May pasok nanaman whoooooo! ( sarcasm at its finest ) Pero hinde, magkikita nanaman kaming muli ni Ma'am Liza ang chemistry teacher namin and at the same time adviser. Buong araw ata pinag-uusapan nila kung anong nangyari kay ma'am these past days. Palagi kasi kaming may substitute teacher eh, busy kasi masyado si Ma'am Liza, balita din na malapit na syang ma-promote.

Lumapit sakin si Lance at inabot yung payong na hiniram niya, pinasabay na din ni Jinelle yung sa kanila. 

Lance: Salamat tol.

Kinuha ko na lang yung payong tapos nagpatuloy na ko sa ginagawa ko.

Nakita ko yung deathnote ko sa bahay wahahaha XD buhay pa pala to, binigay nga pala sakin ng pinsan ko to bago siya umalis papuntang Brunei, naaalala ko pa nung 2nd-year, sinusulat naming magkakaklase yung mga pangalan namin sa notebook ko tapos magkukunwaring inatake sa puso XD

Dinala ko nga pala yun sa school kasi wala na akong notebook na mapaglalagyan ng kung anu-ano. XD Ang dami kasing requirements kaya dun ko na lang ilalagay yung plans ko hahaha XD sakto, para sigurado akong mawawala sila hahaha XD

At ayun nagulat na lang ako bigla kung bakit umingay bigla XD

Mga kaklase ko: Ma'am Lizaaaaa!!!!!!!

Ganun namin kamiss yung adviser namin, kung teacher nyo sya maiintindihan nyo XD Ang galing nya magpatawa, sense of humor niya nakakadala ng mood hahaha XD isa pa ang galing niya magturo and last but not the least? Bilang adviser magaling siya mag-advice. Nag-iipon kami ng 5pesos per person sa room weekly para daw kapag may gagastusin kami, tiyak na may pera kami para dun hahaha XD

At ayun nagturo na samin si ma'am. Grabe halos 2 weeks syang wala pero yung way nya ng pagtuturo parang walang nagbago. Inaantok na ko at pagtingin ko sa kaliwa ko, BOOM, natutulog na si Lance hahaha XD ang lakas ng loob nito sa harap pa ni ma'am natulog. Sa likod ko naman nagkwekwentuhan si Michelle at Vanessa, pinag-uusapan siguro si Lance medyo naririnig ko eh hahaha XD

At wala nanaman akong natandaan sa lesson ni ma'am. Alam mo? Perfect teacher na sana si ma'am kung di lang siya si jigglypuff. Nakakaantok yung boses nya buti na lang dahil sa mga jokes nya medyo nagigising kami. 

Ma'am Liza: Class, Science Fair nyo na nga pala, syempre, sa Science Fair hindi lang intelligence ang ine-enhance kundi pati ang inyong mga talent kaya sinong gustong sumali dito para sa "The Voice of Science."

Walang nagtaas ng kamay.

Ma'am Liza: Aba wala bang singer dito sa section 1?

Vesper: Ma'am si Rose Marie po ( sabay tinuro niya )

Ma'am Liza: O sino pa?

James: Si Maryann po ( tinuro din nya )

Maryann: HALA?!

Ma'am Liza: O wala na ba?

Jinelle: Mamaya na po ma'am sample po muna.

Ma'am Liza: Ay oo nga, o sige na Rose kahit anong kanta bilis XD

Rose Marie: You're hereeeeeeeeeeee, There's NOTHING I fear.. And I know that my heart will go onnnn.... XD ( BOOMPANES ANG TAAS NG BOSES XD )

Nagpalakpakan kaming lahat XD grabe idol talaga namin si Rose pagdating sa kantahan XD

So sumunod na si Maryann.

Maryann: Shoot me down but I won't fall.......I am TITANIUMMMMMM!! ( #realtalk Titanium lang narinig ko hahaha XD )

Palakpakan ulit dahil sa confidence ni Ms. President ( opo president namin si Maryann hahaha XD maniniwala ba kayo kung anong position ko? Si Seth? Wala. Vice President lang naman -_- )

Ma'am Liza: Baka meron pa dyan. XD

Criselle: Si Anne po hahaha XD ( biglang inirapan ni Anne si Criselle hahaha tapos nagtawanan yung magbestfriend XD )

Anne: If I would fall, into the sky, do you think time? would pass me by? 'Cause you know I'd walk a thousand miles if I could just see you....... tonight :)

Palakpakan ulit kami, grabe ang galing pala kumanta ng mga to, pasensya na, bago nga lang nila akong kaklase at di ko pa sila masyadong kilala hahaha XD

Susunod na pinakanta ni Ma'am si Janine, at boom mukhang willing naman hahaha XD may binulong kay Daniel tapos kinuha ni Daniel yung gitara nya.

Naggitara na si Daniel tapos ayun na hahaha XD kumanta na si Janine.

Janine: You only need the light when it's burning low, You only miss the sun when it starts to snow. You only know you love her when you let her go.

( Sa isip ni Seth )

            Wow, ang ganda nung kanta, you only know you love her when you let her go? hmmmm.

Janine: And you know you've been high when you're feeling low. You only hate the road when you're missin' home, you only know you love her when you let her go.

( Sa isip ko nanaman )

             Matanong nga kay janine kung anong title nun hahaha XD ayun yata yung pinarinig niya sakin sa cellphone nya dati eh :3 

Then lumingon ako sa bintana, parang ayoko nang makarinig ng kahit ano mang kanta maliban dun sa let her go, grabe parang ang sarap kantahin sa harap ni M..  niya hahaa XD . 

Random voice: I'm still alive but I'm barely breathing..............

                      Just praying to a God that I don't believe in...............

Nagtaka ako sino kaya yung kumakanta, then paglingon ko...

M-Mm-Mmm- Michelle?!

Michelle: 'Cause I got time while she got freedom...............

Ako: ( sa kinauupuan ko ) 'Cause when a heart breaks no it don't breakeven.</3

Buti nasa tabi lang ako ng bintana kaya nagtago ako sa mga kurtina.

( FLASHBACK )

May project kami sa AP, by three(s) at ang naging partner ko ay si Selena at Michelle, Parehas nilang naisip na sa bahay namin gawin yung project :)

Ginamit namin yung computer namin , at naiwan ko palang bukas kasi may dinadownload ako hahaha XD di ko pa pala nakoclose yung soundtrip ko at naka-pause lang.

Kinuha ko silang dalawa ng pagkain at softdrinks ng biglang narinig ko si Michelle na kumakanta.

At ang kinakanta niya ay Breakeven </3

Ako: Hala Michelle? Alam mo pala yan?

Michelle: Alin? Breakeven, nasa gm mo to palagi kaya pinakinggan ko. Ang ganda no?

Di na ko nagsalita bumalik na lang ako sa loob, bakit ikaw pa? 

.........................................................................................................

Michelle: What am I supposed to do when the best part of me was always you? and.

              What am I supposed to say when I'm all choke up that you're okay?

              I'm falling to pieces.....

              I'm falling to pieces........

At ayun narinig na yata ang pinakamalakas na palakpakan sa buong daigdig. Pati si ma'am pumalakpak na.

At nagbigay na ng comment si Ma'am, ang gaganda daw ng boses namin ngunit sayang daw at walang kumantang boys. Sa bandang huli si Rose Marie yung napili nyang lumaban at inexplain nya naman kung bakit.

Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari sakin. Kapag nagrarakrakan kaming magkakaibigan at kinakanta yung Breakeven parang normal lang, kapag ginagawa kong soundtrip nasesenti ako at ngayong siya na mismo yung kumanta, para na kong mababaliw? Hindi ko talaga alam kung bakit hahaha XD

Let her go :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon