Sa kabila ng mga pangyayari, yan ang gusto ko sayo Seth eh lumalaban.... XD hahaha bwiset na kapatid to, talong-talo na ko sa kanya. Magaling talaga to sa League of Legends, in fact siya nagturo sakin maglaro hahahaha. Masaya talaga maging gamer, kapag may problema ka imbis na maglasing o manigarilyo ka, maglaro ka na lang XD May benefits ang videogames ano ba kayo XD Na-eenhance nito ang hand-eye coordination ng isang gamer hahahaha XD kaya kapag may tatama sakin na bola ang dali saluhin XD ( joke lang XD ) Madami ding nagsasabi na adik daw ako, mukha ba talaga akong adik? :3
Siguro hindi lang nila naiintindihan hahaha XD Sunday ngayon at syempre kailangan maglaan ng oras para kay God :) pagtapos ko sumamba diretso computer shop na ko XD nandun na yung mga kaibigan ko at ako na lang yung kulang. Practice practice din, minsan lang makakasali ng tournament kaya tara na't mag-ensayo. XD
Wala akong ginawa buong araw kundi magpakasaya hahaha XD alam mo kung bakit? BOOMPANES! may crush nanaman siya hahaha :( bwiset, wag mo na pag-aksayahan ng panahon yan Seth, may project pa kayo sa TLE oh, kailangan mong mag-interview. Ehhhhhh, bahala na si Cassandra dun, hahaha XD so natulog na ko hahaha XD pero di ko talaga maiwasang maisip kung sino yun.
( sa ferris wheel )
Ako: Hays tae nakababa din, grabe halos masuka na ko dun ah.
Lawrence: Ayoko na sumakay ulit dun putcha kasi tong si Lance eh.
Lance: Ako nanaman?! ( sinabi niya to habang nakangiti, minsan mo lang siya makikita na ganito yung itsura hahaha XD )
Daniel: Bwiset ka iniikot mo pa eh.
Lance: Para may thrill ang boring kaya.
James: Bahala kayo di na ko sasakay dun hahaha.
Ang saya naming nag-uusap nang bigla akong napalingon sa taas.
B-B-Biglang may nalaglag na babae..
Ang layo ko pero hinabol ko, tinabig ko yung bantay nung ride tapos sinubukan kong sagipin yung babae.
Nagawa ko pero may naramdaman akong kirot sa kaliwang dibdib ko....
Tinignan ko kung sino. !!!!! J-J-Ji...
Jinelle: Seth?
Ako: Jinelle? ayos ka lang?
Jinelle: S-S-S
BLAG!!!! boom nahulog yung alarm clock ko na kanina pa pala nagva-vibrate, so panaginip lang pala ang lahat hahaha XD
Boom Monday nanaman, sinong may gusto sa monday taas kamay? kahit di kita nakikita pag nagtaas ka ng kamay ewan ko na lang hahaha XD joke lang syempre, ang saya saya ng monday eh XD yung favorite subject ko na Values nakaschedule ngayon hahaha. XD
Wala naman masyadong importante na nangyari ngayong araw XD maliban lang sa magaganap na 1 week break namin kasi may outing daw lahat ng teachers. XD Ang bait pala talaga ni God XD yung 1 araw na wala yung teacher masaya na, yung buong linggo pa tapos lahat pa sila wala hahaha XD Mag-isa akong umuwi, may review kasi yung 5 boys samin sa mathematics kami lang ni James yung hindi nakasali sa contest hahaha XD At ayun habang naglalakad sa patutunguhan nakita ko sila Lyka, Ella, Selena at Michelle na may kausap na parang Team na panlaban ng school namin XD
Pero di ko sila pinansin maliban lang dun sa lalaking kausap ni Michelle. Wow, ang pogi nito ha. Hahaha siguro ayun yung panibago niyang crush hahahah bagong iimbestigahan, masaya to! Karapat dapat kaya to kay Michelle? ( lakas makahusga eh no? XD) Sa tingin ko talaga hindi eh, tignan na lang natin sa facebook, mukha namang marami akong malalaman dun hahahaha XD
Nakauwi na nga ako at di pa ko nagbibihis nakabukas na agad yung fb ko sa laptop, boom mukhang ang sweet nilang dalawa ni Michelle sa mga posts nila, pero wag ka mag-paapekto Seth! Past is past, pano ka makakamove-on kung lagi.....mo....na....lang.............. BWISET?! Patrick nanaman yung pangalan ng crush niya? ha? ang hilig naman nito sa mga starfish ( Si Seth bitter talaga hahhaa XD ) pero wag ka, meron nanaman siya, samantalang ako di pa nakakamove-on. Bwiset na buhay to? Tumawag si Lawrence.
Ako: Hello?
Lawrence: Seth? Kailan yung tournament?
Ako: Sakto dun sa 1 week vacation pre.
Lawrence: Ah ganun ba edi walang problema sige bye! ( sabay baba XD )
At sinimulan ko na ulit mag-stalk sa dalawa. Ang saya oh, may picture silang magkakasama sa isang mall. Wow, buti pa siya nakasama na si Michelle sa mall samantalang ako...................... hahaha swerte ko pa rin ata, atleast may sayaw kami ni Michelle XD
Mukhang imposible na talaga sakin ang magmove-on hahaha XD pero teka........... Ano yung gm ni Jinelle? Rebound? Psh. Wag mo gagawin yan Seth hahaha XD.
Pero mukhang yun na lang yung paraan... Paraan para makalimot hahaha :(