Chapter 6 :) ( 2nd )

182 2 0
                                    

                                Oo nga no? Bakit di ko siya yayain maging Iglesia ni Cristo? Kapag ganun, wala ng rason para paghiwalayin kami. Pero pano? Papayag kaya siya? relihiyoso din yung pamilya nila, ang alam ko hindi na rin siya pinapayagan sa Crossroads eh. Kung pumayag naman mag-iiglesia kaya siya? Malabo. Pero wala naman sigurong masama kung susubukan. 

Argh. Sumasakit nanaman yung dibdib ko. Tinakpan ko yung bibig ko kasi baka magsuka nanaman ako ng dugo. Bata pa yata ako nung nagsimula tong sakit ko, dati nahihirapan lang akong huminga hanggang sa lumala na. Na-ospital na ko dati pero para sa akin wala namang nangyari. Hindi naman madalas pero nararamdaman ko pa rin yung sakit ko. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong sakit ko, pag nag-uusap kasi si mama saka yung doktor pinapaalalayan ako nung doktor sa nurse palabas. Pag tinatanong ko naman si mama sinasabi niya na may pumutok daw na ugat sa may bandang balikat ko, pinagbawalan niya na ko magbuhat ng mabibigat simula nun, pero nagbuhat pa rin ako, yung bag ko pa lang mabigat na eh, pero wala naman yatang kinalaman yung pagbubuhat ko ng mabigat.

Isang araw, dinala ako sa clinic kasama yung adviser namin. Nahilo nanaman ako at pagdura ko may kasamang dugo.Pinatawag nung school nurse at ni Ma'am Aliza yung mama ko. Pero nasa trabaho si mama kaya si kuya Sain na lang yung pinatawag. Di ko alam kung pinag-usapan nila pero pinapauwi na kaming dalawa ni kuya. Kaso may quiz pala kami sa english, hindi ako pwedeng mawala, bumalik ako sa classroom, pinaliwanag ko kay kuya kung bakit mahalaga yun, pinayagan niya ko basta daw umuwi ako kaagad pagkatapos. Uwian na pero may isa pa kong problema, yung dramatic monologue namin bukas.

Pag-uwi ko, kinausap ako ni Papa't Mama, ipapagamot daw nila ko kahit anong mangyari. Salamat sa Diyos may mga magulang ako na ganun. Kinabisado ko na yung piece ko para bukas.

Kinabukasan:

Ang astig ng role ko :) Italian priest, tapos yung costume ko pa, yung piece ko nga pala about sa religion at nagpapangaral daw ako sa mga makasalanan. Pero san ako kukuha ng galit? Di ko naman kayang magalit ng walang dahilan. Pero alam ko na kung san ako kukuha ng sama ng loob. Ayan, turn ko na, buong part ko yata kay Michelle lang ako nakatingin, di ko alam kung bakit pero paluha na siya, pero di ako nagpadistract kahit sa loob loob ko gusto ko nang punasan yung mga luha nya. Wrong move, dapat pala hindi ako sa kanya kumuha ng galit. Nagsorry ako sa kanya ngunit di nya ko pinansin. Ang sama ko bilang lalaki, nakapag-paiyak nanaman ako ng babae -_-

Uwian nag-LoL lang kaming magkakaibigan tapos naglakad na kami pauwi, habang naglalakad......................

Vesper: Mga tol di nyo ba naiisipan magka-girlfriend?

Lawrence: Naiisip syempre.

Lance: ( walang kibo )

Ako: ( kunwari walang narinig )

Vesper: Saka na natin isipin yun hahaha, pero chix talaga yung ate na nakasalubong natin kanina eh.

Lawrence: Oo pre, walang agawan, ganyan ka naman ee.

Lance: Oy, kailan ba iprepresent yung sa English natin?

Lawrence: Sa Friday yata pre, si ma'am naman kasi eh, kakatapos lang ng DM biglang play agad.

Vesper: Oo nga naman.

Lance: Ah sige sige.

Malapit na kami sa 7-eleven tapos nakasalubong namin sila Janine, Hannah, Alice at Jinelle.

Janine: Hi friends..

Silang 3: Hello.

Lawrence: San kayo galing?

Hannah: Sinamahan namin si Janine sa NBS.

Vesper: Para san?

Janine: Props para sa Friday.

Alice: Oy Lance yung pinapaprint ko sayo ha.

Lance: oo.

Jinelle: Tara sabay-sabay na tayo umuwi.

At yun dumami na nga kami. Gabi na at alam kong may mga naglipana na mga masasamang tao sa paligid.

Sinadya kong magpahuli para kapag may mandurukot man, kaya kong habulin agad.

Maya-maya may lalaki na parang papalapit kay Jinelle.

Bigla akong tumabi kay Jinelle habang nakatingin ako sa baba, para makita ko yung anino nung lalaki.

Napansin yata nung lalaki na napansin ko siya kaya umalis na rin.

Nakarating na kami sa sakayan, at doon na kami naghiwa-hiwalay.

Di muna ko natulog pag-uwi. May portfolio pa pala sa Filipino -_-

Habang hinahanap ko yung mga outputs ko, naalala ko nga lang pala, bakit di ko siya nasabihan tungkol sa pagiging Iglesia? Nako. OO NGA PALA! UMIYAK SIYA DAHIL SAKIN KANINA! halulu. nako pano to? mukhang malabo ah. pero walang masama kung susubukan XD

Ano yung mga outputs ko? Wala puro tungkol sa kanya lang naman. Yung tulang ginawa ko para sa right time na aking pinakaaasam-asam. Yung liham para sa mahal sa buhay, yung essay namin na tungkol sa "ang aking 'di malilimutang karanasan". Lahat ata siya yung laman hahaha XD :(

Matatapos din tong suliranin na to. XD brokenhearted ba kamo? di yan. Marami pang babae dyan hahahaha -________- 

Let her go :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon