Chapter 5: Luminosity
Di ko alam kung anong nararamdaman ko. Pati yata maglaro ng League of Legends kinatatamaran ko na. Nakangiti akong
pumasok kinabukasan. Lahat sila pinupuri ako sa ginawa kong "pagliligtas" (lol XD) sa fb nya kahit deep inside ayokong maalala yun. Oo nga no? dapat pala di na lang ako nagpakabayani. Bat ko ba kasi ginawa yun? Oo tol. Tama lang kasi bakit ko naman papabayaan na masira yung imahe nya lalo pa naman social networking site yun. Dahil sa ginawa ko nalaman ko yung totoo, tanggap ko na yun pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit niya kailangan ilihim yun. :(
Buong araw akong walang gana. Di nagrerecite sa klase, di nagsosolve sa math ( palagi naman eh XD ) #BOOMPANES! naisip ko bigla, sino ba yung Patrick the starfish na yun?
(ansamaaaaaaaaa! XD ) bwahahaha pero wag kayo, kilala pala ni Lawrence kung sino yun. :P ka-fellowship daw nila dati ( daming alam eh no? XD )
Ako: Lawrence turo mo agad sakin pag nakasalubong natin yun ha XD alam na this.
Lawrence: Ayun sya oh ( sabay turo dun sa lalaki na mejj pogi nga kaso mukhang ewan XD ) (bitter ba? ganun talaga XD )
Ako: Wag mo ko lokohin pre.
Lawrence: Kuya Patrick! ( lumingon yung pangit ) ( joke ahhaha ansama XD )
Kunwari akong lumapit sa kanya. Then tinitigan ko mula paa hanggang ulo. Shocks ang gwapo niyaaa. joke di ako bakla :P
( Seth's mind):
So ikaw pala si Patrick? Nice to meet you. Kung may deathnote lang ako ngayon surname na lang ang kulang. Ikaw pala siya, pero wala akong gagawin masama sayo wala ka namang kasalanan, well, masaya lang ako at nagkita tayo kahit hindi mo ko kilala. AKO SI SETH! Yung pogi na macho pa! Medyo payat man, astig pa rinnnn... :P Pakitaan ko kaya ng abs to? O kaya ng biceps at triceps? Pero wala ako nun. Ah alam ko na, 1on1 kami sa League of Legends? Nako. Surrender at 20 to. Pero wag na. Bat ko ba naiiisip maghiganti. Masama daw yun. Kung maghihiganti man ako bakit hindi na lang kay Michelle? total naman siya may kasalanan ng lahat ng to?!
At ayun. naisipan na naming umuwi. Sa bahay, pagkatapos mag-review ( kahit walang test? ay GC to XD ) ginawa ko lang nagfacebook. XD Shocks. online si Janine, chinat ko.
Ako: Janine? :)
Janine: Uy Seth bakit?
Ako: tungkol kay Michelle....
Janine: Ay alam ko na mga sasabihin mo.
Ako: ( pero Janine nagtatype lang tayo at hindi nagsasalita. joke XD) Pano mo nalaman?
Janine: Di ako tanga para di malaman at mapansin yun.
Ako: Grabe pano nya nagawa yun?
Janine: Dapat kasi matagal mo nang tinigilan. Seth sa totoo lang ang TANGA mo!
( taeng to, maka-tanga wagas.CHE! FYI mas maganda ko sayo no? Chos. XD joke lang hahaha XD)
Ako: Ako Tanga?
Janine: Oo, ang tanga mo. Bat mo pa kasi pinagpapatuloy eh alam mong wala na, walang pag-asa!
Ako: O sige tanga na ko. Pero masisi mo ba ko?
Janine: Para sisihin ka?
Ako: Ewan ko Janine ha? Pero sa tuwing inaasar ka nila sakin na prince charming mo daw ako nung second year,
wala akong nagawa kundi mag-assume na totoo yun.
Janine: oo totoo yun anong problema ngayon?
( totoo?! Shocks nung 2nd year yata lahat kaming mga lalaki may crush kay Janine pero para maging ako? sabi nga nila Jaffar ....
" kung sino man magustuhan nun sya na pinakamaswerteng lalaki sa mundo" at naging pinakaswerte pala ko?! )
Ako: Isa ka sa mga dahilan ni Michelle kung bakit hindi niya sakin sinabi yung totoo.
Janine: Wala akong kinalaman dyan Seth, tigilan mo ko ha.
Ako: Na-link ka daw sakin last year kaya akala nya M.U. tayo...
Janine: Ha? Halaaa..... sorry Seth. :(
Ako: Wag ka magsorry wala kang kasalanan. :)
Janine: Pero Seth....
Ako: Sorry kung naistorbo kita.
Janine: Hindi naman.
Ako: Sige bye na atleast na confirm ko na totoo nga. Saka salamat sa pagsabi sakin ng Tanga.
Janine: Walang anuman, bye :)
( ABA LOKO TO AH! Di mo alam kung nanadya o ano eh )
Pero oo nga no. Naging tanga pala ko.... Pero masisisi nyo ba ko? Wala akong alam sa mga dahilan nya. Wala, wala talaga. Ang kulet sabing wala nga eh.
Hahahahahaha :(
