Tinext ko nga si Michelle :)
Ako: Michelle, sorry :(
Michelle: Galit ka ba sakin Seth?
Ako: Hindi.
Michelle: Sabihin mo na yung totoo Seth, alam kong galit ka.
Ako: Oo pero lumipas na yun, kung may kinagagalitan man ako, sarili ko yun.
Michelle: Sarili mo? Bakit naman?
Ako: Dahil nakapagpaiyak nanaman ako ng babae -_-
Michelle: Ganun talaga kaming mga babae :) Sa totoo lang, parang ang tagal na nung huli tayong nag-usap.
Ako: Oo nga eh, Michelle, ikaw ba? galit ka ba sakin?
Michelle: Dati, pero lumipas na yun ^_^
( mukhang magaan na yung loob niya, this is my chance )
Ako: Michelle, alam kong medyo nakakahiya pero may gusto sana kong hilingin sayo.
Michelle: Sige ano yun?
Ako: May pamamahayag kasi samin sa Sabado, kailangan bawat isa samin may dalhin na guest.
Michelle: Tapos?
Ako: Pwede bang ikaw na lang yung guest ko?
Michelle: Oo naman :) kaso.
( SHOCKS! OMG! OO AGAD?! #BOOMPANES! )
Ako: kaso ano?
Michelle: Baka di ako payagan ni mama.
Ako: Edi ipagpapaalam kita ^_^
Michelle: Sigurado ka?
( Ako sigurado? Syempre. Pero teka muna wait. ANO MAMA NYA?! HALULU. may naalala ako bigla )
(Flashback)
Ako: Rence, mabait kaya mama ni Michelle?
Lawrence: Nako Seth, masungit yun pramis, ewan ko pero sabi nila mabait daw eh.
Ako: Ano ba talaga?
Lawrence: Ewan ko Seth, pero kung may balak kang kausapin yun kung ako sayo itext mo na lang.
( Balik sa kasalukuyan )
Ako: Oo akong bahala :) sige bye mukhang marami ka pang ginagawa :)
Michelle: O sige. ^_^
( So , isa na lang pala yung hadlang. Hadlang eh no? ganda nung term XD )
(Kinabukasan)
Wala namang big deal ngayon araw maliban lang dun sa play namin sa English this coming Friday. Kailangan ko palang sumamba kaya umuwi agad ako kahit hindi kasabay sila Lawrence. Sa pagsamba ko ipinalangin lahat ng gusto kong sabihin kay God, madami na tayong ginawang prayers sa buhay at sa sobrang dami hindi natin sila maaalala lahat pero sa prayer na yun, hindi ako nagkakamaling hiniling ko kay God na sana mag-Iglesia si Michelle at payagan siya ng mga magulang niya ^_^
So play na namin mamaya? Di ko alam kung kakabahan ako o maeexcite eh XD yung play namin? ah by group nga pala yun XD yung group namin about sa beach yung theme hahaha XD Ang macho ng costume ko ba with matching shades pa bwahahaha XD biglang lumapit sakin si Jinelle at Hannah.
Hannah: Seth, pwedeng ikaw pumalit kay Vesper?
Ako: Saan?
Jinelle: Sa play namin, absent kasi sya eh.
