Hello! Good day sa iyo :) Ako nga pala si Reimond/Mondrei isang student ng Rizal High School :) First time ko gagawa ng story kaya mag sana kayo mag-expect XD
Hmm...... Yung iba dito based from my real life experience :) Enjoy :)
NOTE: KUNG MAY MASAMA MAN KAYONG MABASA, HUWAG PO SANA MANGHUSGA, WAY OF SENSE OF HUMOR LANG PO. SALAMAT XD
Chapter 1 ( naks XD ) : Confession
1st year ako nun. XD section 2 at aaminin ko tarantado ako at walang pakialam sa pag-aaral. Wala akong plano sa buhay, ang gusto ko lang ay magpakasaya habang nabubuhay pa. Madalas akong makipag-away at isang beses napatawag ang magulang ko dahil nakipagsaksakan ako ng ballpen. Wahahaha pero kahit unang taon pa lang ako sa Rizal High loverboy na ko XD sinulat ko pa nga yung pangalan ng crush ko sa table namin at dahil dun nakasuhan ako sa guidance ng vandalism.
\(-_________________-)/
Bwiset, nakalimutan ko ata magpakilala XD ako nga pala si Seth, isang normal na tao, may kamay, buhok, paa, wahahaha XD sa dinami dami ng babae sa mundo. Si Alets ang naging girlfriend ko. Ang kulet ng pangalan nya no? parang napagtripan ng magulang pero wag kayo. Maganda siya pero ang pangit lang ay mas matangkad siya sakin XD Ang saya saya namin palagi. Gabi-gabi lagi kaming magkachat, sa fb nga pala kami nagkakilala dahil may gumawa ng group na members lahat ng students ng 1st year pilot sections. Meron nga pala akong bestfriend, si Jaffar, grabe yung pangalan no? astig parang assassin lang XD pero wag kayo maganda girlfriend nya parehas pa silang maliit. Si Michelle :) Ang liit ni Michelle promise, hanggang balikat ko lang yun eh XD parehas kami ni Jaffar na masaya sa mga lovelife namin.
Hanggang sa isang araw, nalaman ng mga magulang ko yung tungkol samin ni Alets. Pinaghihiwalay kami ng mama ko ...........
Mama: Anak! Makipagbreak ka dyan sa girlfriend mo! Hindi mo ba alam na bawal kang makipagrelasyon sa hindi natin kapanampalataya
Ako: Mama, hindi ko po naiintindihan mga sinasabi nyo.
Mama: Malalaman mo din, malapit ka ng bautismuhan sa Iglesia Ni Cristo. Basta anak sundin mo muna ko.
Ako: Mama, alam mong hindi ako kailanman lumaban sa mga gusto niyo pero.
Mama: Makinig ka anak anong pipiliin mo? Ang Diyos o yang babae na yan?
Ako: Sige Ma, naiintindihan ko na po.
So ayun na nga. Kinabukasan hindi ako nagreply sa lahat ng messages ni Alets. Kahit sa school hindi ako nagpapakita sa kanya. Nung recess at nagkasalubong kami pinilit kong hindi siya pansinin. Pag-uwi naman hindi ko pa rin siya nirereplyan pati sa facebook. Hanggang tinanong nya ko kung ano daw bang gusto ko....
Alets: Seth anong bang problema?
Ako: Magbreak na tayo Alets.
Alets: Bakit naman? Walang dahilan.
Ako: Hindi na kita gusto. Sana maintindihan mo.
Alets: Ano bang nagawa ko?
Ako: Basta. Sorry at Salamat sa lahat.
pagkatapos ng nangyari, hindi na kami muling nagkausap. ( siguro hanggang sa kasalukuyan hindi niya pa rin alam ang tunay na dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay sa kanya, pero malinis ang konsensya ko na tama yung ginawa ko. :) hahahaha drama much #boompanes!