YOSEFF ADRIAN MUÑOZ
PAPAANO NGA ba maging productive ngayong araw na ito?
Magmukmok sa may upuan ng classroom--sa may fourth row, at sa halip na makinig sa discussion ng teacher, pasimpleng tina-tally sa notebook ang bawat mannerisms ng guro; mula sa pagpunas ng pawis gamit ang tuwalya. Hanggang sa pagbibilang ng kada sinasabi niyang okay. At higit sa lahat-ang paghihintay ng pagsambit ng "Class dismissed."
In three...two...one... "Okay, class dismissed."
Ang tatlong salita ng aming guro ang nagpabago sa disposisyon ng aking mga kaklase. Mula sa pagiging zombie at mga parang lantang gulay na mga nanlulupaypay, heto at biglang nabuhayan sila ng loob sa isang iglap na para bang na-resurrect sila mula sa kamatayan, at dali-dali nang kinuha ang mga gamit at saka na sila nagsilabasan ng classroom.
Wala na talagang mas gaganda pa sa ganitong araw. Ganito ka-boring ang araw ng isang Yoseff Adrian Muñoz sa bawat pagpasok sa paaralan...
Ngunit ang araw na ito ay magkakaroon pala ng panibangong takbo na hindi tulad ng kaniyang inaasahan. Hindi niya aakalain na maaaring magbago na ang ikot ng mundong kinatatayuan niya ngayon.
"Papunta ka na ba? Malapit na tayong magsimula." Iyon ang nakalagay sa text message ni Sir Lysandre na kase-send lang sa akin. Ni hindi nga ma-contain ang magkahalong kaba at excitement na nararamdaman ko sa aking bawat hakbang papalakad sa may pasilyo.
July 24, 3:00 pm, Isang maaraw na Biyernes. Pagka-dismiss sa klase namin, dali-dali na akong dumiretso sa may Joint room upang dumalo sa aming contract signing rites. Naks, contract signing. Hindi ko sukat-akalaing aabot pa ako sa ganito. Parang masiyadong napakabilis ng mga pangyayari at bigla na lang akong humantong dito.
Hanggang sa mga oras na ito, hindi pa rin mabilang ang mga taong nag-congratulate sa akin sa pagpasok ko sa Joint. Proud daw ang mga kaklase ko na napasama ako rito, pero kung ako ang tatanungin-ayaw ko pa muna silang pangunahan pa dahil anumang oras ay babawiin din naman sa akin ang pagkakataong ito.
Habang naglalakad papuntang Joint room ay dumiretso muna ako sa drinking fountain para kumuha ng maiinom sa tumbler ko. Pero habang kumukuha ng tubig ay may napansin ako sa isa sa mga dumaan. Napalingon ako nang makita ko ang hitsura ng lalaking iyon na naglalakad sa may 'di-kalayuan.
"Sir Lysandre?" tanong ko sa sarili ko sabay kusot ng aking mata. Hindi! Namamalik-mata lang siguro ako sa hitsura ng College student na iyon. Napakamot tuloy ako ng ulo. Eh, kasi, baka kahawig lang niya 'yon, Yoseff.
---
"We hereby welcome the new roster of writers of The Graphophiles' Joint!" masayang pag-aanunsiyo ni Sir Lysandre sa amin sa harap ng iba pang staff at ni Si Yuzon sa office area ng Joint. Sa totoo lang, ang sarap pala sa pakiramdam na masali sa ganitong grupo. Halos mangatog pa sa kaba ang aking mga paa habang nakatayo sa harapan nila.
"Congratulations!" nakangiting segunda ni Kendra at nagsipalakpakan ang mga iba pang mga kasapi.
"Sa hinaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy." Ito sigurong gasgas na linyang ito ang makapaglalarawan sa sitwasyon ko sa ngayon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na sa wakas, kasama na ako sa Joint.
Hindi pa rin ako naniniwalang totoo na pala ang nangyayaring ito sa akin. Parang kakaiba-para bang isang panaginip, na darating din ang oras na ako rin naman ay magigising sa reyalidad.
Isa-isa kaming pinapirma ng aming mga kontrata bilang katibayan na sumasang-ayon kami sa simulain ng Joint. Kahit medyo nanginginig at parang talon na ang aking kamay sa sobrang pagkakapasma, taimtim ko pa ring pinirmahan ang ang nasa bandang ilalim ng piraso ng papel.
BINABASA MO ANG
The Graphophiles' Joint | Volume One
AdventureIsang pagsubok ngang maituturing para sa isang mula sa lower section na si Yoseff Adrian Muñoz na makapasok sa The Graphophiles' Joint--ang literary school organization ng kanilang paaralan na ang membership ay binibigyang priyoridad lamang sa mga e...