II- The Graphophile's Membership

1.2K 75 25
                                    

YOSEFF ADRIAN MUÑOZ

GOOD THING at hindi gano'n kahirap pakiusapan ang subject teacher namin na si Ma'am Rico para magpa-excuse upang tumungo sa Audio-Visual Room para sa orientation ng The Graphophiles' Joint. Isa na rin siguro sa advantage nito ay nasa kaparehong building naman ang classroom namin at ang lokasyon ng AVR na nasa ikatlong palapag ng gusali.

Iyon nga lang, may dalawang kaklase akong dapat ay sasama rin sa akin sa orientation. Pero sa isang kisapmata ay nag-iba ang ihip ng hangin at tila nagbago ang isip nila at dali-daling nag-back-out.

"Mukhang hindi ko ata kakayanin ang pumasok sa Joint," ang sabi ng isa kong kaklase kanina sa akin na talagang kinakabahan pa.

"Kung ako sa iyo, Yoseff, mag-back-out ka na rin. Ano ang panangga natin sa mga taga-Star section na iyon? Eh, parang alikabok lang tayo sa kanila," sambit pa ng isa.

Nag-alangan tuloy ako. Hindi ko na noon alam kung itutuloy ko pa ba ang pagpunta sa orientation, o baka ituloy ko na lang ang paghahanap sa bang club na sasalihan? Hay, buhay!

Sa kabila noon, kung ano man ang mangyayari o kung ano man ang kahihinatnan ko roon, itinuloy ko pa rin ang pagpunta sa orientation. Wala naman sigurong mawawala sa 'kin kung iyon ang gagawin ko.

Isang malaking buntong-hininga ang pinakawalan ko bago pumasok sa AVR. Nawa'y bigyan ako ng lakas at katatagan sa giyerang susuungin ko ngayon.

Pagkapasok sa loob may mga ilan nang nakaupo sa mga desk nila. Naghanap na ako ng puwesto, at umupo ako roon sa may bandang dulo--sa tabi ng bintana.

Wala namang lumalapit para makipag-usap sa akin, kaya medyo ayos lang. At gusto ko naman talaga 'yong tahimik.

Pero sa paglipas ng ilang minuto, habang pinagmamasdan ko ang mga taong nasa loob ay nakararamdam na ako ng urge na gusto ko nang lumabas ng AVR. Masiyadong sopistikado ang galaw ng iba, pati ang paraan ng pagsasalita nila. Naipakikita nga ng mga ito kung saang pedestal ang kinalalagyan nila ngayon, at kung saan ako dapat lulugar.

Ewan ko lang, o talagang nanliliit ako sa sarili ko sa mga oras na ito. Para bang masiyado akong nai-intimidate sa mga taong kasama ko ngayon. Ako lang ata ang taga-lower section sa loob ng AVR; nakaka-out-of-place, sa totoo lang. Feeling ko talaga ay maling room ang napasukan ko. Gah! Parang ang sarap mag-back-out. Gusto ko nang umu--este, bumalik sa classroom namin.

Akmang tatayo na sana ako sa desk na aking inuupuan nang may lumapit na isang babae, kaya napabalik ako tuloy sa aking kinauupuan.

"Hello. Excuse me, puwede bang makiupo sa tabi mo?" tanong ng babae na hinuha ko ay isang STEM student base sa lace ng kaniyang I.D. Naka-ponytail ang dark-brown niyang buhok, may pagka-fair ang skin complexion, at medyo balingkinitan ang pangangatawan nito.

Kahit medyo nahihiya ay sumagot pa rin ako, "O-O... Sige, b-ba?" At napakamot pa ako ng aking ulo sabay yuko. Geez! Hindi talaga ako komportable sa mga ganitong sitwasyon. Hindi ko mapigilang tumiklop at magpalamon na lamang sa lupa.

Pagkaupo ay inilabas niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang bag at mukhang may ka-chat sa kaniyang Messenger.

Habang ako naman ay nakahalumbaba lang at tuloy ang pagdungaw sa may katabing bintana, at umaasang makahagilap ng Legendary Pokémon na lumilipad sa kalangitan katulad nina Ho-Oh or ni Rayquaza. Pero mga sanga-sanga lang ng puno ang mga nakita kong nakaharang sa asul na langit.

"Cassiopeia Gaile Mendoza." Napatingin ako sa kanya at napakunot ang noo. Bahagya lamang siyang natawa bilang tugon at saka nagwika. "Iyon ang pangalan ko. Pero Cassy na lang, masyadong mouthful kasi kung full name ko."

The Graphophiles' Joint | Volume OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon