IX- Freezing Confidence (Part One)

372 31 2
                                    

YOSEFF ADRIAN MUÑOZ

KASIMBIGAT NA marahil ng pakiramdam ko ang atmosperang bumabalot nitong Huwebes ng umaga. Patuloy kasi ang pagbuhos ng ulan, kaya minabuti ko na lamang na magsuot ng jacket papunta sa may entrance ng USF.

Sa sobrang dami na nga ng mga dala ko: baong pagkain, extra-ng damit, tubig, ay para tuloy akong magha-hiking sa bigat ng bag ko (pati na ata 'yong buong sala ng Ninang Berna ay nabitbit ko na rin).

Isa pa sa mga bitbitin ko ay 'yong eyebags na nangingilid sa ilalim ng aking mga mata; medyo ngarag ako sa tulog buhat pa noong kagabi. Nagbabad pa kasi ako sa pagri-research ng mga anumang impormasyong maaari kong magamit mamaya. Ngunit ang tanging hindi ko na lang nadala ay ang self-confidence, dahil out-of-stock ito kahit sa 7-Eleven.

Nabanggit na nga sa amin kahapon na dalawang araw ang magiging takbo ng Press Con: ngayong araw ay para sa individual categories, at kinabukasan ay 'yong para sa group categories at ang awarding na mismo.

Ang mapipili palang top seven mula sa bawat kategorya ay ang ipanlalaban para sa RSPC o ang Regional level na mula sa qualified schools sa buong Central Luzon. dahil nasa ilalim nga kami agad ng Division level. Hindi ito katulad ng mga ibang paaralan sa ibang lugar na nasa ilalim ng cluster.

"Ang tagal mo namang dumating, Yoseff! Naunahan na tayo ng bus," pambungad ni Solenn sa akin pagdating ko sa waiting shed. Ang kasama rin niya roon ay si Reina na mukhang abala sa pagtitipa sa kaniyang laptop.

"6:45 pa lang, oh," pangangatuwiran ko sa kanila sabay pakita ng oras sa aking cellphone. Eh, wala pa nga 'yong iba naming kasamahan.

"Nariyan na ba sina Sir Yuzon?" tanong naman ni Joenell na mukhang kadarating lang din.

"Sina Sir Lysandre, nasa 7/Eleven lang sa malapit, nag-breakfast kasama nina Sir Yuzon," tugon naman ni Reina habang abala pa rin sa pagkakalikot sa kaniyang laptop at nakaupo sa shed.

"For sure, nag-solo flight na naman si Miss Kendra at dumeretso na sa Raphaelio." Inayos pa ni Solenn ang buhok niyang naka-pigtails at nakaayos na pa-tirintas.

At hindi na rin mapigilan ang pagdami pa ng mga dumarating, hindi lang mula sa Joint, kung hindi pati na 'yong mga nanggaling sa iba pang school paper organization.

"Ate Cassy, paayos nga po ng camera ko." Nilapitan ko naman si Cassy na abala sa pagbutingting ng camera ng isa niyang kasamang mula sa Junior High. Hinuha kong nasa Grade Seven pa lamang ito.

"Yoseff, ikaw pala!" nagitlang bulalas ni Cassy pagkakita sa akin na wari bang nakakita ng multo.

"By the way, boyfriend ko pala, si Felix," pagpapakilala ni Cassy sa bata. Kahit inosente ang kaniyang mukha ay waring nakikisabay ito sa kalokohan ng kaniyang Ate Cassy.

"Child abuse ka, girl!" Naubo naman si Klayton na bigla bang sumingit, kaya sinamaan na lang nito ang tingin sa kaniya.

"Joke lang. Na-meet ko siya kahapon noong orientation."

"Felix, meet Yoseff. Huwag kang magku-'kuya' riyan, ha. Ka-age mo lang kasi siya." Ilang segundong loading ang nangyari bago ko makuha ang nais iparating ni Cassy... Aba't naungkat na naman ang patungkol sa height? Kay-aga-aga!

At biglang nanlaki ang mata noong bata at para bang nakakita ng multo nang makilala niya ako. Oo na, ako nang mukhang kalansay!

"Kayo po pala si Kuya Yoseff! It's an honor to meet you po!" Nabigla naman ako nang bigla akong kamayan, at nakaramdam ng ngiwi dulot ng awkwardness. Hindi pa talaga ako sanay sa papuri.

The Graphophiles' Joint | Volume OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon