III- Struggles to Write

1K 70 15
                                    

YOSEFF ADRIAN MUÑOZ

MALALIM NA ang gabi at tanging liwanag lang na nagmumula sa aking laptop ang nagsisilbing ilaw sa kwarto. Natutulog na ang mga kasama ko, pero nananatili pa rin akong gising at patuloy sa pag-iisip at pagtitipa ng mga ideyang yaon sa Microsoft Word.

Kumusta ang nagsabing hindi na itutuloy ang pagsali sa Joint? Ano ang ang nangyari sa atin? Sa katunayan, sina Wilbur naman kasi ang pumilit, at may mga ideya na rin ang pasulpot-sulpot buhat pa kanina pag-uwi, kaya siguro pinanindigan ko na dahil sayang nga naman.

"Kanina ka pa riyan, ah?" Correction: Gising pa pala si Wil.

"Bukas mo na lang ituloy iyan," dagdag pa niya kahit medyo groggy na ang boses niya sabay kusot ng mga mata. Mukhang hindi siya makatulog dahil distracted sa liwanag na nanggagaling sa laptop ko.

Suwerte na lang din namin na malapit sa school nakatira sina Ninang Berna na kaibigan ni Mama at tiyahin ni Lewis. Siya na ang nag-insist na rito mamalagi para hindi na kami mamroblema sa paghahanap ng boarding house. May dormitory din naman sa loob ng USF, pero panibagong gastusin na naman siguro iyon. At isa pa, wala rin naman kasi silang kasama nina Wilbur at Ate Winona dahil nasa abroad si Tito William.

"Sandali na lang ito. Matatapos na 'ko sa rough draft ko. Bukas ng umaga ko na lang ipo-polish ang article ko," pahayag ko habang patuloy sa pagmamaniobra ng article ko sa MS Word.

Speaking of, tungkol sa mga bagay na kinapa-fascinate namin ang naging topic para sa Features. At words ang siyang nagbigay sa akin nakapagbigay sa akin ng pakahulugan niyaon. Naging interesado siguro ako, lalo na at nai-discuss sa amin sa aming World Literature class ang kapangyarihan ng mga salita.

Pero ang nagpapa-stress talaga sa akin ay bukas na ang deadline at ngayong gabi lang ako nagka-cram sa paggawa ng article dahil masyado pa akong naging busy noong mga nakaraang araw dahil sa sunod-sunod na bugso ng examination week.

Sabaw na talaga ako sa pagka-cram ng ideas para sa 1,000-1,500 target word count. Bura, revise, edit at alis ng filler words at sentences ang sistema ko. Bukas ko na lang ie-edit ang sa grammar at spelling ko.

Night owl. Iyan ang puwedeng ilarawan sa akin. Mas aktibo ang utak ko tuwing gabi at mas malakas ang paglabas ng creative juices ko sa mga oras na ito. Kaya sinusulit ko ang oras kahit umabot pa ng hatinggabi ang pagtitipa ko. Ayos lang magka-eyebags, at least pinagpuyatan. "Sleep is for the weak," ika nga.

Dahil gising pa si Wilbur ay akin ko siyang tinanong.

"Para sa iyo, Wil," panimula ko." Paano mo ba mailalarawan ang words?"

"Words, as in salita?" tanong naman nitong si Wil.

"Oo, alangan namang letters," pamimilosopo ko. Nangasim ang mukha ni Wil sa aking sarcastic remark sa kaniya. Pero mga ilang segundo lang ay bigla siyang nanahimik at nagseryoso.

"Words, sadyang makapangyarihan ito at puwede itong makaapekto sa buhay ng isang indibiduwal; depende na rin kung gaano kasama o kabuti ang itinanim mong salita sa iyong kapwa."

"Nice! May maidadagdag na ako sa article ko. Salamat," nakangiti kong saad kahit medyo bangag na saka itinipa na ang ideyang iyon sa aking laptop.

THE WORDS OF UNFATHOMABLE: AN EXCERPT
BY: YOSEFF ADRIAN MUÑOZ

"Words can turn into a terrible weapon that can stab your heart into half.
Words can heal a sighing heart, but it can also bring tremendous pain.
A single chant of word can cause terrible sorrow and agony to the one who was inflicted. It is up to mankind's responsibility on how to conserve its omnipotence."

The Graphophiles' Joint | Volume OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon