YOSEFF ADRIAN MUÑOZ
"I believe that a journalist should write only what he holds in his heart to be true."
HALOS HINGALIN na ako sa karipas ng paghakbang ko papalabas ng classroom. Para tuloy akong si Sonic the Hedgehog sa bilis kong lumabas pagka-anunsiyo ng "class dismissed" para makapunta sa sinasabing lugar ni Sir Lysandre upang kitain siya. Parang naubusan ako ng hininga pagbaba ng first floor anupa't nasa fourth floor pa ang aming silid-aralan. Kulang na lang talaga at tumalon na lang ako sa may grills para makababa lang ng building na 'to.
Kung puwede lang na hindi na pumunta, pero siyempre, nakakahiya naman kay Sir Lysandre na nagsaayos pa ng ganito.
Kahit hinahabol ang bawat paghinga ay nagpadala pa rin ako ng text message kay Sir Lysandre na nagsasabing papunta na ako sa aming tagpuan (na malapit lang naman sa school) pagkababa sa may hagdan. Lalo na at alas-kwatro ang usapan namin, pero lumabas kami nang mga quarter-to-four.
Sa main gate ng USF na lang ako lumabas, dahil dito malapit ang café na meeting place namin ni Sir Lysandre. Bibihira lang kaming magawi rito, lalo na at medyo malaki ang distansiya ng mga building ng SHS sa college. Pero kahit nasa campus pa rin ako, pakiramdam ko ay nasa iba akong mundo, dahil puro college students ang labas-pasok sa gate at mabibilang na lamang sa daliri ang mga katulad kong SHS students na nakakasalubong ko. Iba kasi ang atmospera na nararamdaman ko sa lugar na ito.
Pagtingin ko sa wristwatch ay mukhang male-late talaga na ako--ang lawak kasi ng campus ng buong USF--na para talagang maze, kung titingnan; sa kabutihang palad naman ay nakalabas pa rin naman ako nang buhay.
Habang naglalakad sa may sidewalk sa labas ng campus, halos maligaw na ako sa dami ng mga establisiyementong nakatayo at nadaraanan ko. Mula sa mga café, mga kainan, at mini-mart. Napakapalad nga ng mga college student, at ang mga tambayang ito ang mismong kusang lumalapit sa kanila (hindi rin naman kasi kami basta-basta makalalabas kapag school hours).
"Lumiko ka lang sa kaliwa, sa may banda ng mga hostel at boarding house, tapos diretsuhin mo na lang." Halos umikot ang ulo ko sa sinabi ni Kuya na napagtanungan ko sa may 7-Eleven; napakamot pa tuloy ako ng ulo habang naglalakad. Naku! Hindi pa naman ako matandain sa lugar, at baka maligaw pa ako. Hindi talaga ako laging nagagawi sa lugar na ito dati pa.
Sana pala ay nagpatulong na ako kay Wilbur. Pero, sa kabutihang palad naman (pagkatapos ng ilang taong pagkaligaw at paghahanap), ay natagpuan ko na rin ang café na nakatayo sa pagitan ng mga boarding house at hostel.
Hindi naman pala ako dadaan sa sampung bundok makarating lang sa aking pupuntahan. Bumungad sa akin ang maliit na establisiyemetong may pastel-colored signage na may nakasulat na Bean There, Done That Cafe.
Kung ikukumpara sa mga katabing kainan at café sa paligid, hindi hamak na mas malawak ang sakop na lugar nito. At mukhang rustic ang vibes ng café lalo na at maganda ang pagkaka-design dito.
Pagkabukas ng glass door ay binulaga na ako ng nakahahalinang amoy ng mga tostadong butil ng kape na para bang tinutukso ako ng amoy na iyon na ako'y bumili na sa kanila. Sa counter pa lang ay mapagmamasdan na ang sari-saring cakes at pastries na nakapaloob sa glass chiller.
"Good afternoon po, Sir!" pagbati ng isa sa mga barista na abala sa pagbibigay ng orders sa mga customer.
Isa rin sa mga nagbibigay ng rustic vibes ay iyong board na nakatayo sa tabi ng counter, na kung saan ay nakasulat ang Specialty of the Week. Isama pa ang mga makukulay na painting na nakasabit. Nakakakalma ang vibes ng buong café, lalo na at jazz music ang pinatutugtog sa speakers.
BINABASA MO ANG
The Graphophiles' Joint | Volume One
AdventureIsang pagsubok ngang maituturing para sa isang mula sa lower section na si Yoseff Adrian Muñoz na makapasok sa The Graphophiles' Joint--ang literary school organization ng kanilang paaralan na ang membership ay binibigyang priyoridad lamang sa mga e...