VIII- Let's Make a Good Start! (Part One)

741 49 7
                                    

YOSEFF ADRIAN MUÑOZ

AT NATAPOS din ang isang nakakalugaw na araw na para bang wala itong katapusan; ito na lang marahil ang constant sa mundong ito--ang pagiging sabaw at lutang ng isang Yoseff Adrian Muñoz.

Mag-isa lang ako sa kwarto habang nagpapaturo naman itong si Wil kay Lew sa may sala. Medyo inaantok na rin naman ako habang nakahiga sa itaas ng double-decker na kama. Nakakapagod din kasi ang buong araw na ito, kaya pakiramdam ko tuloy ay para akong na-lowbatt.

Kanina, pagkatapos ng klase ay dumiretso kami sa SM dahil nagyayang kumain itong sina Wil at Lew. Nagtungo na rin ako sa bookstore para bumili ng libro mula sa compensation fee ko, pang-reward sa sarili ba.

Natanggap na kasi namin ang bayad sa pagsusulat namin sa Joint, na ibinibigay ilang linggo matapos ang release ng bawat issue. At siyempre, nakadepende sa posisyon kung magkano ang fee na ibabayad. Pero, dahil isa ako sa mga writer, sabihin na nating... Hindi naman ganoon kataas, pero ayos na rin; hindi naman dapat ako nagsusulat para lang sa pera.

Sa gitna ng pagkabagot sa palibot ng dilim ay nag-udyok ito na buksan ang aking phone, at siyempre, tiningnan ko ang GC ng section namin na pinutakti ng announcements mula sa iba't iba kong mga kaklase, lalo na sa aming class president. Siyempre, nandoon pa rin ang mga kaklase kong maya't maya ang tanong.

Ngunit napansin ko rin ang panibagong adisyon sa mga group chat na aking imu-mute na naman (madalas talaga akong mag-mute ng mga GC): The Graphophiles' Joint Official GC.

Mukhang wala nang urungan ito. Totoo nga, hindi na ito dry-run o temporary membership. Legit na nga! Kasama na talaga ako sa Joint.

Alam ko, hindi isang biro na basta-basta lang ang pagsali rito lalo na sa mga tulad kong mula sa lower section. Mga ilang beses na akong nakipaglaro sa apoy para dito. May oras na pinanghinaan ako ng loob. Pero nagpapasalamat ako sa mga taong nagbigay ng malakas na tapik sa akin. Lalo na kay Sir Lysandre.

Kung hindi siguro dahil sa kanila, mananatili akong tahimik; mananatiling tikom ang aking bibig sa paglalahad ng nais sabihin at iparating.

Pagkabukas ko sa group chat, nag-message ako ng simpleng "hello" para batiin ang mga online sa oras na ito.

May ilang members din ang nag-add sa akin sa FB. Nang dahil sa Joint, marami akong mga nakilala; hindi pala lahat ng mga taga-Star section ay may attitude problems tulad ng mga sinasabi nila. Hindi pala lahat ay parang mga bathalang gusto nilang sila ang sundin, at nang-aalipin na lang ng kung sino. May mga taong itinuring na akong parang kasama sa equation nila-pakiramdam ko ay hindi ako nag-iisa.

Waring nasa estado pa ako ng pananaginip, at hindi ko pa rin lubos malaman kung totoo na ba o ilusyon lamang ang mga nangyayari sa ngayon.

Hindi ko rin inakalang makaaapekto ang simpleng naisulat ko para sa Joint. Maraming nagpapabatid ng mga mensahe kung paano ko raw 'di umano'y naapektuhan ang buhay nila. May mga taga-lower section ding hindi lang mga mag-aaral sa Grade 11, kung hindi pati na rin ang mga mula sa Grade 12 nagsasabi na masaya sila sa kung ano ang mga narating ko ngayon.

Na kahit sa sarili ko ay hindi ko alam kung kaya ko bang gawin ito--kahit ba ang sarili ko mismo'y nanghihina at nangangailangan din ng lakas.

Kung tutuusin naman, dito pa lang nagsisimula ang buhay manunulat-kuno ko. Marami pa akong dapat matutunan at marami pa akong pagdaraanan.Bago ko namnamin ang lahat ng ito, kailangan ko nang harapin ang bagong kabanata sa aking buhay estudyante. Bagong buhay bilang estudyante--mga bagong pagsubok. Hindi pa nga sapat ang lahat ng karanasang ito.

The Graphophiles' Joint | Volume OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon