CASSIOPEIA GAILE MENDOZA
BILANG NA lang pala sa daliri ang araw bago dumating ang Press Con. Excited man, pero sa totoo lang, nakaka-pressure din. Lalo na at isang big jump ang ginawa ko.
Paano, from Editorial Writing ay biglang shift sa Photojournalism. Alam kong mahirap, lalo na't nakakakuha ako ng awards at recognitions sa dati kong category noon. And I know that joining The Graphophiles' Joint team is a big shoes to fill in, mahirap makisabay lalo na at mas magagaling din ang iba kong kasamahan. So I should expect the unexpected at huwag maging kampante.
Ang bilis nga lang dumaan ng Sabadong ito at never ko man lang naramdaman. Paano, kahit weekend ay nag-train pa kami sa school. Kaya ngayon, parang gusto ko na lang matulog sa sobrang pagod.
Alas-otso y media na't dalawa lang kaming nasa kuwarto ng kasama kong si Arianna. Katatapos ko lang na maligo, kaya hinayaan kong naka-lugay ang buhok kong usually ay naka-ponytail. Apat lang kaming natira sa apartment na nirerentahan namin malapit sa school dahil nagsiuwian ang iba naming kasamahan, kaya parang silent night ngayon. Busy namang nanonood ng K-drama series ang dalawa pa sa may sala.
"So, bakit ka ba nag-shift ng category?" ang tanong sa akin ni Arianna na naka-Indian sit at wala man lang permission ay kinalikot si Mac.
"Wow! Pang-Miss U lang ang question mo, ha," sagot ko naman sa kaniya habang inilalagay sa cabinet ang bag ko.
"Ito naman," pagmamaktol naman ni Arianna habang hawak pa ang aking digital camera. "Magaling ka ngang magsulat, tapos, ang galing mo pang kumuha ng shots," pagpuri niya pa habang pinakita pa ang kinuhanan ko kaninang umaga--'yong isa sa scenic views ng city proper ng San Fernando.
"Sus, nambola ka pa."
Nagwika pa ako ulit, "Believe me, mahirap na decision ang ginawa ko... Gusto ko lang na ano... Mag-try ng bago, hindi 'yong ano, for the rest of my campus journalist life, nasa iisang category lang ako.
"Gusto ko ang pagsusulat, and at the same time, nag-e-enjoy ako sa pag-capture ng moments ng bawat tao sa mundong ito, tapos ilalagay pa sa diyaryo. Kaya namang pagsabayin ang dalawa, pero kailangan ko lang na mamili ng isa. I need to set my priorities. At least, sa Photojournalism, mas matututo pa ako."
Since Grade Six ay nahilig na ako sa photography. Palagi kasi akong sinasama noon ni Daddy sa exhibit ng kaibigan niyang photographer, at doon nag-spark ang interest ko. But yes, first love ko ang pagsusulat.
"Hindi naman masama ang pag-step palabas ng comfort zone. Makabubuti nga iyon, eh. Mas marami tayong nadi-discover sa sarili natin. Mas nakikita natin kung papaano tayo nag-i-improve."
Magkaiba man ang dynamics ng Photojourn at ng iba pang writing categories ng Campus Journalism, alam kong may pagkakatulad sila. Pareho silang gustong may mai-share na kuwento. Through seeing photographs, marami kang puwedeng mabuong kuwento-- "A picture paints a thousand words", as they say.
Alam kong isa ang Photojournalism sa mga binabale-wala lang--hindi binibigyan ng importansiya sa lahat ng categories. How ironic that by the picture, parang tinitingnan lang siya bilang isang small speck, pero through Photojourn, mga naglalakihang picture para sa main headline sa title page ang bumubungad; ito rin ang nagbibigay ng buhay sa isang pahayagan.
"Sana all, improving at inspired. Kita namang may pinaghuhugutan, 'no?" ang sabi pa ni Arianna, at pansin kong may nakakalokong ngisi na naman ang bruha.
BINABASA MO ANG
The Graphophiles' Joint | Volume One
AdventureIsang pagsubok ngang maituturing para sa isang mula sa lower section na si Yoseff Adrian Muñoz na makapasok sa The Graphophiles' Joint--ang literary school organization ng kanilang paaralan na ang membership ay binibigyang priyoridad lamang sa mga e...