LYSANDRE GREYSON BELTRAN
AND IT seems that my efforts were been finally paid off.
Habang abala sa pag-aayos ng files sa Joint Room habang umiinom ng Hokkaido Milk Tea sa bote, naging sariwa sa aking isipan ang lahat ng mga pangyayari noong mga nagdaang buwan.
Masaya ako sa naging takbo ng buhay ni Yoseff sa pagiging writer ng Joint. Hindi ako nagkamali sa aking desisyon na i-push ang membership sa Joint ang mga tulad niyang hindi kabilang sa mga cremé of the crop. Alam kong marami pang hidden gems ang hindi pa nahuhukay at kay Yoseff ko sinimulan ang paghahanap ng mga taong may potensiyal na kakayahan at may future sa journalism na puwede pang hasain.
"Subsob ka na naman? Why would you not try to rest for a while?" Nagambala ang pagre-reminisce ko habang nakaupo sa may swivel chair nang dumating ang aking co-EIC at inabutan akong nagko-compile. "Katatapos lang ng Press Con, and hey, it's Saturday."
Napangiti na lang ako at saka itinabi ang mga papeles sa may desk.
"No, inaayos ko lang ang ilang documents," pagpapaliwanag ko at saka itinabi ang importanteng mga papel. Mga memorandum lang, usually.
"Good job, by the way. " Tumikhim muna siya at saka nagsalita muli. Base sa kaniyang tonalidad ay parang masaya siya. My forehead then creased.
"Para saan?"
"Para kay Yoseff," sabi niya, she tried to lighten her snarky way of talking. At dahil doon ay sumilay ang ngiti sa aking mukha nang marinig ang mga katagang iyon.
"Oh." Akala ko pa naman ay para kung kanino. Pero iyon nga, masaya ako sa naging by product ng ginawa namin.
Saka ako nagwika muli: "See? I told you na kaya niya."
"Masiyado ko atang na-underestimate ang kaniyang ability noon, my bad." Nagitla ako ngayon sa sinasabi niya. Ito ba ang kilala kong Kendra? Please enlighten me!
But, that vibrant aura just becomes gloomy again just in a jiffy. Matindi talaga ang moodswings nito. Oh, Kendra Marie.
"Pero, sa tingin ko ay hindi pa sapat iyon," said she, while staring at the trophy displays na nakalagay sa shelves.
"You think so?"
"Lysandre..." Nanibago ako nang gamitin niya ang buo kong pangalan. "He is still in the grace period of the path he have chosen. What if maraming pagsubok ang dumating sa kaniya along the way? Journalism can be way more treacherous." Her bossy attitude prevailed on the way she talked. Kung sino namang makaririnig ng kaniyang boses ay mananahimik na lang.
"Maaaring hindi ito magiging madali para sa kaniya kapag nangyari iyon."
"Kailangan niya pang maranasan ang ibang side ng Journalism. Hindi 'yong ite-take-for-granted na lang niya ang lahat ng ito. At baka naman kasi mapaghalataan kang bias kay Yoseff." Biglaang nagkaroon ng short pause si Kendra sa kaniyang pagsasalita at uminom ng tubig.
"Iyon lang naman, Lys. Advice ko lang ito as your fellow EIC."
"Nakikinig ka ba, Lys?" Sa gitna ng page-explain ay biglang lumabas ang pagiging dragonesa nito.
BINABASA MO ANG
The Graphophiles' Joint | Volume One
AdventureIsang pagsubok ngang maituturing para sa isang mula sa lower section na si Yoseff Adrian Muñoz na makapasok sa The Graphophiles' Joint--ang literary school organization ng kanilang paaralan na ang membership ay binibigyang priyoridad lamang sa mga e...