IX- Freezing Confidence (Part Two)

70 10 0
                                    

YOSEFF ADRIAN MUÑOZ

KAMI AY dumeretso naman sa school gymnasium ng Raphaelio para sa opening program ng Press Con. Hindi ko aakalaing ilang oras na lang at magsisimula na ang giyerang dapat kong suungin sa araw na ito.

Mabuti na lang at may mga nakalaang mga upuan para sa mga contestant, pati na sa mga teacher coach at school paper adviser, kahit hindi ko aakalaing may karamihan ang mga taong nasa loob ngayon. Kaya napalunok muli ako ng laway, hindi lang sa lula, kung pati na rin sa
magiging kalalagyan ko ngayon.

"Kuya, kaya mo 'yan!" May kumalabit sa akin at napagtanto kong si Sean pala iyon--'yong isa kong kasamang makikipag-compete para sa Feature Writing--English na mula sa JHS. Kahit Grade 9 pa lang ito ay balita kong nakakakuha na rin ito ng karangalan sa mga Press Con. Kaya mukhang wala akong ibabatbat sa kaniya. Wala, eh. Isang malaking "sana all" na lang sa mga katulad nilang taga-Star section.

Ngunit, kahit papaano ay halatang pinaghandaan at pinagkagastusan ng host school ang magiging venue ng Press Con, mula sa labas ay kita na ang mga banderitas na nakasabit. Pinalamutian naman ng mga linen na kulay asul at puti ang mga upuan. Ang entablado naman ay pinalamutian din ng mga bulaklak at makukulay na lobo. Talagang pinagkagastusan at nilaanan ng panahon. Parang walang tapon ang lahat.

Napahalukipkip at nakatunganga na lamang ako pagkasimula ng opening program. Napahikab pa nga ako dahil sa antok. 

"...Amidst the swarm of false information around social media, our job as journalists is to spread the truth and nothing but the truth. You, campus journalists must stand in the name of verity." Iyon ang huling mga katagang sinambit ng coordinator sa amin sa may stage.

"So break a leg, campus journalists, do your best, at lagi ninyong tatandaan na everyone of you are already winners."

---

Pagkatapos ng napakahabang speech at opening remarks ay nagyaya munang maglibot sina Cassy sa buong school, at para na rin matingnan ang oras ng bawat competition na sinalihan namin na nakapaskil sa malaking bulletin board malapit sa gymnasium.

May kahangingang nagsalita si Joenell sa amin: "Kung ang Candaba Swamp ay kilala sa bird sighting, I'm sure na kilala rin ang Raphaelio sa chick sighting. Kaya, chance ko na ito! Lezz gaw!" Mukhang mga babae ang habol ni Joenell sa contest, kaya natuktok ang ulo nito kay Cassy, at napingot din nang wala sa oras.

Nalaman naming sa Silverwoods University sa Clark gagananapin ang Regional Schools Press Conference. At Dumaguete naman ang host province para sa National level. Kaya kung sinuman ang mapalad na makaaabot dito ay may malaking karangalang dalhin--hindi lamang ang paaralan--pati na ang lalawigan, at mas lalo na ang rehiyon ng mga lalahok nang taas-noo. Sa bawat level nga na nalalagpasan, lumalaki ang sakop nito. Kaya waring imposible ko itong maabot.

"Kagutom naman. Tara na nga, guys!" yamot na pagyayaya ni Cassy sa amin pagkatingin sa oras ng contest sa bawat category doon sa may bulletin board.

Mukhang handa na nga rin siya dahil 30 minutos na lang ang hihintayin niya para sa kanilang contest proper.

"Ako rin nga, eh," sagot ko naman habang naglalakad sa may corridor. Hinahanap kasi namin ang canteen para makabili ng makakain, at kanina pa nga ako nagugutom. Kinalabit ko naman si Klayton na inaayos ang kaniyang buhok. "Teka, 'di ba, mamaya pang 11 AM 'yong sa Science Writing?"

The Graphophiles' Joint | Volume OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon