3

1 0 0
                                    

"Here."

Sabi ni Marcus sabay abot ng gulp. Rinig ko pa rin ang ingay sa loob ng school kung saan nagkakantiwan ang mga tao dahil may kumanta ng 'Too much love will kill you' galing batch 87.

Akala nyo umuwi ako? Pwes hindi. Nandito lang ako sa loob ng sasakyan ni Marcus. I decided to stay. Nagpapalamig lang muna ako ng damdamin.

"Thank you. Iwan mo na ako dito I am fine already. Sige na. Nagiging kj na ako sa iyo."

"Suuus! Mag sesenti kana naman dito. Wag na baka maging swimming pool pa itong sasakyan ko." pang-aasar niya sa akin.

"Sumusobra kana ha." sabi ko sabay batok sa kanya.

"Aray! Hoy! Alalahanin mo na ako ang tumulong sayo. Aba! Kung di dahil sa akin nasa lansangan kana ngayon."

"At pano naman ako mapupunta sa lansangan may kotse naman ako." tinaasan ko pa siya ng kilay.

"Aba di mo iyon magagawa kasi puno ang luha ang mga mata mo. Di mo makikita kung saan ka patungo at crowded ang utak mo kung ano ang tamang gagawin kaya ang makakaya mo lang ay umupo sa gilid ng kalsada at doon manglilimos .. Hahahaha!" ang haba ng salaysay ng mokong wala namang kwenta.

"Dami mong satsat boy! Pumasok kana nga doon!" sabi ko sabay tulak sa kanya para maisarado ko ang pintuan ng passenger seat. Kinakatok nya pa ang bintana at pilit buksan ang pintuan pero ni-lock ko iyon. He attempted to go to the driver's seat ngunit madali kong na lock lahat ng pintuan kaya di talaga siya makakapasok lalo na at nandito sa loob ang susi.

I was laughing for what I did and because of his facial expression na inis na inis. Panay ang salita niya ngunit di ko naman marinig. He can't see me as well kasi aside na tinted to ay madilim rin sa labas. He keeps on knocking at my side at dinikit pa niya ang mukha niya sa bintana. May mga schoolmates pang pumunta sa kanya upang magtanong siguro kung ano ang nangyari.

Sa bandang likod niya ay kita kong dadaan si Kuya Evan kasi naman naka park siya malapit lang sa gate. Nang malapit na siya ay binaba ko ang salamin kaya napalingon na si Marcus sa akin pati na rin si Jimboy na kausap niya.

"Hi Kuya Evan!" maligayang bati ko sa kanya. Walang kupas pa rin ang alindog kahit gabi niya. I can see na medyo nakainom siya kasi pulang-pula na iyong mukha pati leeg at taenga niya.

"Oh! Hi baby girl. Ba't ka ba nandito? Naboringan kaba sa loob?" sagot naman niya at di ako nagkamali na nakainom nga siya.

Kita kong nakakunot ang noo ni Marcus sa akin habang tatawa-tawa naman si Jimboy. Di ko nalang siya pinansin dahil mas importante ang crush ko.

"Masama kasi ang pakiramdam ko kuya kaya nagpapalamig muna ako dito. Baka mamaya ay papasok na ako." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Ganoon ba. Sige, magpagaling kana ha. Papasok lang ako dahil susunduin ko pa ang ibang ka batch ko." ginulo na naman niya yung buhok ko bago siya umalis at pumasok na sa loob.

Dahil wala na si crush ay isasarado ko na sana ang bibtana ng kotse ngunit napigilan ito ni Marcus. Sinamaan ko siya ng tingin pero sinamaan rin niya ako ng tingin.

Kinunot ko pa ang noo ko para ma emphasize ang masamang tingin ngunit naging staring contest yata ang nangyari.

"Bitiw Marcus." pagbabanta ko.

"Ayoko." tinaasan pa niya ako ng kilay. Gago to.

"Iipitin ko itong kamay mo. Isa!"

"Try me." di pa rin niya nilulubayan ang titig niya. "This is my car lady. In case you forgot."

"Halikan mo na yan para matapos!"

Rinig kong sigaw ng kung sinuman galing sa labas. Doon ko lang napagtanto na sobra lapit na ng mga mukha namin. Konting-konti nalang ay may mangyayari na.

Love At First BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon