If this was five years ago, siguro enjoy na enjoy ko ang araw na ito. This could just be as normal as it is but with the most important people of my life.
"Oy ate!" siko sa akin ni Gillian. "Bakit di mo pa ginagalaw ang pagkain mo?"
Napatingin ako sa kanya at sa taong kaharap namin. Magkatabi kami ni Gillian sa isang bahagi ng hapag at kaharap naman namin ang kuya niya.
Oo, kasama namin ngayon si Geremy naglunch. Si Gillian lang iyong kausap kong lunch buddy ngayon pero maysabit eh.
I have no choice kaya sumama na ako. Naalala ko pa kung gaano kapikon si Gillian dahil napilit lang din siya.
"Uh, sorry. May iniisip lang ako." pilit akong ngumiti sa kanya pero inismiran lang niya ako.
"Ano na naman niyang iniisip mo? Kung awkward sayo to, mas lalo naman akong pikon ngayon dahil sa ibang tao diyan!" sinamaan niya ng tingin ang kuya niya na parang walang narinig sa mga sinabi niya.
"Wag na sis. Kalma lang, okay?" sabi ko sa kanya.
Tinaasan lang niya ako ng kilay saka ngumiti na rin. Nag thumbs up pa siya saka pinagpatuloy na namin ang pagkain.
Walang kibo si Geremy simula nung dumating kami sa restaurant. Hinayaan lang niya na si Gillian ang mag-order ng lahat ng pagkain at wala naman siyang reklamo dito.
Sinusulyapan ko siya paminsan-minsan at iniisip kung ano ang tumatakbo sa isipan niya ngayon. Biktima rin ako sa set-up na ito. Let's say na ambush ito sa akin.
Flashback:
"Ate! Papunta na akong Caren46. Kakalabas ko lang ng classroom, mga 10 minutes nandoon na ako.""Sige, sige. Liligpitin ko lang mga gamit ko. Mga .."
"Why are you here?!" rinig kong sabi ni Gillian sa kabilang linya.
"May problema ba sis?" nag-aalala kong tanong. Nakalabas na akong classroom at tinatahak ang hagdan papuntang ground floor.
"Ate!" inis siyang umungol sa kabilang linya.
"Bakit? Anong problema?" tinakbo ko na ang natitirang baitang ng hagdan saka tumakbo na rin palabas ng campus.
"Ate may asungot na gustong manira sa araw natin." inis na inis niyang sabi. "Maka asungot ka, baka nakakalimitan mong kuya mo ako." singit ng isang tinig.
Napahinto ako sa pagtakbo. Alam ko kung sino ang ibig sabihin ni Gillian.
"Ate? Ate? Sa ibang araw nalang ... What are you doing?!" napalayo ko ang telepono sandali sa aking taenga ng sumigaw siya sa kabilang linya.
"Gillian?"
"Ate wag ka nang tumuloy. Just go back to school. Sa susunod .. Shut up sis. Nandito na tayo. Stay here." rinig ko ang ma-awtoridad na boses niya.
Malapit na ako sa Caren46. Gusto kong bumalik sa dinaraanan ko ngunit parang na estatwa ako sa kinalalagyan ko.
Di ko napansin kung saan banda siya nanggaling. Maraming naka park na sasakyan sa kalye siguro isa sa mga iyon siya galing.
"Ate, I can't get off from this damn car. I'm sorry ate. Kuya wants to eat with us. He's .." rinig ko ang buntong hininga niya. "He's so mean today."
Sasagot sana ako na 'okay lang' kay Gillian nang nawala sa akin ang telepono ko. Naka 'o' lang yung bibig ko habang sinusundan ng tingin ang bagay.
"A-anong ginagawa mo?"
Tiningnan lang niya ang paligid. Tiningala rin niya ang kainan na may malaking Caren46 ang nakalagay.
BINABASA MO ANG
Love At First Beat
RomanceHEARTBEAT: the action or sound of the heart as it pumps blood. -Meriam Websters Ano nga ang tunog ng heartbeat mo kung normal na araw? Kung malungkot ka? Kung inlove? Kung masaya? Papaano ba tumibok ang puso mo kung alam mong siya na iyon? Na siya...