"Good evening ladies and gentlemen. To start our celebration may I request everyone to please stand for the opening prayer and please remain standing for the Philippine National Anthem and the school hymn."
"May problema ba? Kanina ka pa parang wala sa sarili." concern na tanong ni Katrina sa akin.
"Mamaya na yang interrogation mo Kat. Tumayo kana diyan Koreen." sita naman ni Kiara sa amin.
Both Kiara and Katrina ay mga bff ko plus Primrose. Since highschool pa itong friendship namin kaya nga binansagan kaming 4 sisters noon kasi palaging kaming magkasama. Kami na nga lang tatlo kasi after highschool ay sa Japan na si Primrose nag-aaral for college dahil nandoon ang mama.
Hiwalay ang parents niya at may kanya-kanyang pamilya na ito. Hanggang highschool lang ang kasunduan na mananatili siya sa papa niya kaya nang mag college ay sa mama niya naman siya.
Parang wala akong narinig sa paligid dahil sa nangyari kanina. I never expected him to be here. I'm happy at the same time so frustrated and mad. I see him personally and physically now. I can touch him and talk to him. I am so happy about that. On the otherhand, galit ako kasi na kuha pa niyang ngumiti and act so comfortably as if nothing happened.
"Grabe talaga! Ang gwapo-gwapo ng ex mo. Oh my god as in talaga!" rinig ko galing sa likod.
"Oo nga Anne. Pang model. Bagay na bagay na kayo. Ay no, you are perfect together again. Yaah! Kinikilig ako." rinig ko ulit sa ibang boses naman.
I have a hint kung sino ang pinag-uusapan nila lalo na at narinig ko pa ang pangalan ng babae.
"Ano ba kayo. Hinaan niyo nga ang mga boses ninyo. Nakakahiya ha." malambing na sabi.
"Ano ka ba? Be proud nga kasi nandito siya diba. Alam ko kinikilig ka ngayon kaya it's okay to show it."
"Tumahimik ka nga ano ba." diin niyang sabi. "Tama na okay? Wag niyo masyado gawing issue ang presence niya"
"Sus! Sige na nga. But last na to. Kakausapin mo ba siya? Magiging ka-"
Tinakpan ng kung sino man ang tenga ko kaya di ko narinig ang karugtong na sasabihin nung babae.
"Stop it. Sinasaktan mo lang ang sarili mo."
Bumuntong hininga nalang ako at kinalma ang sarili. I didn't know how long I became idle kung di lang ako nasita. Kita ko rin na nagsisimula na ang presentations nga mga batches.
Kiara always has her way to catch me during these moments. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin galing sa gilid at pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. I feel comforted.
"Thank you." I whispered to her. Pinatong ko na rin ang ulo ko sa ulo niya.
"Kanina pa nagva-vibrate ang phone mo. As in kanina pa talaga like some couple of minutes ago." mahina niyang sabi na nakayakap pa rin sa akin.
Kinuha ko ang phone ko at kita kong may 8 missed calls doon. Bubuksan ko sana para malaman kung kanino galing yon ng magvibrate ulit iyon at mukha ni sir ang nakalagay.
"Hello sir."
"O iha mabuti at sinagot mo na." sarcastic niyang sabi. "Nasaan ka ba? Kanina pa kita tinatawagan. Anyway pumunta ka dito sa likod ng stage. Assistant kita pero kung saan-saan ka nagpupunta."
"I'm sorry sir. Sige po pupunta na ako diyan."
"Pupuntahan ko lang si sir." baling ko kay Kiara.
Tinanguan lang niya ako. Nagpaalam na rin ako kay Kat saka nilisan na ang table namin.
"O Koreen saan ka pupunta?" tanong ni Kevin.
BINABASA MO ANG
Love At First Beat
RomanceHEARTBEAT: the action or sound of the heart as it pumps blood. -Meriam Websters Ano nga ang tunog ng heartbeat mo kung normal na araw? Kung malungkot ka? Kung inlove? Kung masaya? Papaano ba tumibok ang puso mo kung alam mong siya na iyon? Na siya...