Pagbabago. Ito agad ang naisip ko nang makapasok ako sa dati kong paaralan noong high school. Stand out in bold letters ang pangalan ng school which is hindi siya present noon. Bagong-bago ang main school building dahil nasira ito noong bagong Yolanda. May mga bleachers na noon ay benches lang sa quadrangle. Napalibutan narin ng net bilang pangsangga ng bola ang pader na naghihiwalay sa school at simbahan.
May malalaking salamin na sa may canteen. Nakakatawa lang isipin kasi noong kapanahunan namin, binasag pa iyong salamin sa CR kasi nadatnan kami ng isang madre na panay paganda kaya sa galit nya ay binasag nya ito.
"Hoy Koreen!"
Nagulat ako ng may biglang sumuntok sa aking balikat at bumasag sa pag-iisip ko. Nakita ko ang kabatchmate kong si Marie.
"Ano? Nanggulat ka naman." Sabi ko sabay hawak sa dibdib ko.
"Duh! Kanina pa kita tinatawag noh di mo man lang ako pinansin. Ano ba kasing iniisip mo?" Tanong niya at pinagmasdan ang paligid.
Tiningnan ko rin ang paligid. "Napaisip lang ako sa mga pagbabago dito. Ano nga pala ang kailangan mo sa akin?"
"Pinatawag ka ni Sir Rams. May ipapatulong yata sa iyo. Nasa computer lab siya."
"Ganoon ba? Thank you nga pala. Sabay ba tayong pupunta doon?"
"Ay 'di na. May pupuntahan pa ako eh. Sige, kita nalang tayo mamaya."
Nagpaalam na kami sa isa't isa. Dumeretso na ako sa computer lab assuming na it's the same 3rd room from the left sa second floor at di naman ako nagkamali kasi may nakalagay naman na label sa pinto.
Kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang pinto. Nasa ere pa 'yung kamay kong pangkatok sana and I was frozen on the spot. Sa pagkabigla ko ay di ko na maisip magsalita because standing in front of me is none other than my long time highschool crush - Louiss Evan Santos.
"Hello there!" masigla niyang sabi sa akin sabay pakita ng killer smile.
"Ah...hehe...hi kuya!" galing sa pagkabitin ng kamay ko sa pagkatok ay winagayway ko ito ng makarecover ako sa pagkagulat.
Crush na crush ko siya noon pa mang high school ako. I was a freshman then at siya naman ay 4th year graduating student na. Siya lang yata ang pinaka gwapo sa batch nila eh. Matalino na, gwapo pa. Beauty and brains package lang. Crush ko pa rin til now. Walang kupas. Kaya I'm so much overwhelmed ng makita ko siya ngayon face to face.
"May kailangan ka ba?" tanong niya.
"Yeah. Pinatawag raw ako ni sir eh." sagot ko.
"Ganon ba? Sige pasok kana. Lalabas na rin ako kasi nandiyan na iyong mga ka batchmates ko. Nice seeing you again baby girl." sabi niya sabay gulo ng buhok ko.
"Eeeeh! Not my hair!" sabi ko sabay waglit sa kamay niya. Tumawa lang naman siya at umalis na ng tuluyan.
Alam niya na crush ko siya. Pano ba naman kung ikaw ay may mga bungangerang kaibigan edi buking na buking talaga. Accepted naman niya ako at baby girl ang tawag niya sa akin noon pa dahil parang kapatid daw niya ako.
Pumasok na ako sa silid at pinag-aayos pa ang nagulo kong buhok. Pinalibot ko ang tingin ko at kita kong busy ang loob. Busyng-busy sa mga naglalaro ng counter strike. Complete attendance yata ang mga ka-batch ko and as usual, in all cases like this, they are contained in their own world kaya pinuntahan ko nalang sir.
Si Sir Rams iyong computer teacher all throughout highschool. Siya rin ang naging adviser rin nung 4th year kami. All around salsa to kaya I admire him. He never fails to be everyone's brother, father or friend. Pero, wag na wag mo siyang gagalitin. Makakakita ka nang monster nang wala sa oras.
"Sir pinatawag niyo ako?" tanong ko sa kanya sabay akbay.
"O Koreen ... Yeah. Magpapatulong sana ako sa iyo dito sa ppt para mamaya. Okay lang ba?"
"Sure sir. Ano po ba ang gagawin ko?"
"I-set up mo lang muna ang projector. Tatapusin ko lang itong pinag sasubmit na mga presentation ng ibang batches saka tayo na ang mag ooperate nito mamaya."
"Oooh, yun lang pala. Sige sir. Saang banda ba nakalagay ang screen?"
"Nasa likod. Walisin mo lang ang kurtina doon at may cabinet na nakatago."
In all classrooms, front always ang may board kaya ang opposite noon ay likod. Naka whiteboard na ang dating green board na computer lab. Sa likod ay may mga nakapatong-patong na monoblock chairs at computer set boxes. May isang mahabang mesa rin at sa likod non ay kung saan may berdeng kurtina na hanggang baywang ko lang and enough to hide a messy cabinet area. Kinuha ko agad ang projector screen ng makita ko ito.
"Ako na!"
Napatingala ako sa nagsalita. Padabong niyang kinuha sa akin iyong projector screen at di man lang ako tiningnan. Napakunot ang noo ko.
"Anong problema mo Lurenz?"
Tanong ko sa kanya dahil nainis ako sa inasal niya. Ka batchmate ko si Lurenz noong highschool and up till college we go to the same university. We were ('were' ha) an item noon pero di rin kami nagtagal. Ganyan naman ang puppy love.
Hinarap niya ako saka ginulo ang buhok kong ka aayos ko lang.
"Wala akong problema." tumawa tawa pa siya. "Sarap mo talagang inisin. Favorite doing ko talaga."
"Ewan ko sayo. Maglaro ka na nga lang doon. Ang pangit ng pagmumukha mo."
"Ay nako mas pangit ang mukha mo trust me. Pasalamat ka nga at pinapansin kita."
"Aba't -"
"Sir o si Koreen sasapakin ako."
Palibhasa paborito kaya siya nagsusumbong. Tiningnan ko nalang siya ng masama at pinuntahan ang mesa kung saan nakalagay doon ang projector.
"Inaasar mo na naman Lurenz? Baka may gusto ka sa kanya niyan." sabi ni Sir Rams.
"Nako sir wag kang ganyan. Choosy ako at ayaw ko sa mga pangit." sabi ng bruho at nakipag high five pa sa ibang mga ka batch kong nasa room.
Nasira na ang araw ko dahil sa kanya kaya sinamaan ko silang lahat ng tingin at lumabas na para ma set-up na itong projector set sa stage. Tumatawa pa rin sila pagkalabas ko kaya binilisan kong lumakad dahil sa inis. Pansin kong sumunod si Lurenz kaya di ko nalang pinasin dahil naiinis talaga ako sa kanya.
"Koreen sandali lang. Hintayin mo ako."
Tawag niya pero di ko pa rin pinapansin. Bigla naman akong nahinto dahil nahawan niya ang braso ko.
"Ano ba?" inisin kong sabi.
Sinukbit niya iyong bag ng projector sa balikat ko at nilagay niya sa dalawang kamay ko ang screen.
"May iniwan akong game sa lab kaya di ko mahatid to." sabi niya sabay kindat at tumakbo pabalik sa comp lab.
Ang bruho walang hiya talaga kahit kailan! Nakatanga ko nalang siyang sinundan ng tingin at sa inis ko ay pinatid ko ang isang empty bottle ng Nature's Spring.
"Ouch!"
Masama kong napalingon sa gilid ko kung saan nanggaling ang boses.
"Woah! Chill! Why are you angry?"
Galing sa pagkainis ay napalitan ng pagkagulat ang nararamdaman ko. Na-estatwa ako sa kinalalagyan ko at muntik ko nang mabitiwan ang mga dala ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman at dahil doon bigla akong nanghina. Buti nalang at mabalis niya akong nahawakan.
"I got you." sabi niya sa isang malamyos na tinig na nagpatibok sa puso ko.
BINABASA MO ANG
Love At First Beat
RomanceHEARTBEAT: the action or sound of the heart as it pumps blood. -Meriam Websters Ano nga ang tunog ng heartbeat mo kung normal na araw? Kung malungkot ka? Kung inlove? Kung masaya? Papaano ba tumibok ang puso mo kung alam mong siya na iyon? Na siya...