"Ate puntahan ko muna mga batchmates ko ha." pabulong na sabi ni Gillian.
"Sige, sige. Pupuntahan ko na rin yung akin. See you around" bulong ko pabalik.
Hinanap ko ang mga batchmates ko sa dagat ng mga tao. Kulang ng height si me kaya talon ng talon.
I tried going over sa mga nagkapit-bisig na ngunit wala pa rin. Hinintay ko nalang na tuluyan ng mabuo ang isang malaking bilog to start the community singing. Medj madilim rin kasi kaya mahirap hanapin.
Nang mabuo iyon ay nakita ko na kung saang banda ang mga batchmates ko kaya pinuntahan ko agad at nakisingit sa kapit-bisig nila.
"O bakit ngayon ka lang? Saan ka galing?" bati sa akin ni Kiara.
"Nagkita kami ni Gillian kaya ayun catch-up catch-up." paliwanag ko minus sa katotohanang nasa labas lang ako.
"Sus, nakipagkita ka lang kay Geremy eh." singit ni JD sa usapan.
"Nakipagkita mukha mo. Tumahimik ka nga!" sita ni Kiara sa kanya.
"Di ko talaga alam JD kung sino ang pinapanigan mo. Kaibigan ba talaga kita?" panunuya ko sa kanya.
"Bros before hoes ako. Pero kaibigan pa rin naman kita. Masarap kang magluto eh" nakangito niyang sabi.
Gago lang. "Lasunin kita sa susunod" banta ko.
"Ay wag naman ganyan. Mahihinto ang generasyon ko. Di yata maganda." inismiran ko lang siya bilang sagot.
Napalingon naman ako sa kanan ko dahil may kumalabit sa akin.
"Tito! Hello po." bati ko sa kumalabit sa akin at nag mano. Si Tito Raim ay batchmate ng tita ko na kapatid ng mama ko. Batch 1987 yata sila, di ako sigurado.
"Ngayon lang kita nakita. Ngayon ka lang ba dumating?" tanong niya.
"Hindi po. Kaninang umaga pa po ako. Nasa backstage lang, assistant ni Sir." paliwanag ko.
"Kaya naman pala. Ba't nga pala wala ang tita mo ngayon?" usisa niya.
"Nakauwi po si Tito Landy kaya nasa syudad silang pamilya ngayon." paliwag ko
"Kaya naman. By the way, umuwi nga pala ngayon si Rael. We decided na dito na sa probinsya mag Christmas."
"Di po kami nagkita tito. Baka mamaya sa after party magkita kami."
Naging mahaba pa ang usapan namin hanggang sa magsimula na ang kanta. Flashlight ni Jessy J ang kinanta namin.
Candles man o flashlights, nagningning ang quadrangle. The atmosphere looked so solemn kumbaga and unity prevailed dahil sa kapit-bisig and the one big circle.
Afterward, the song ended by offering the candles to the Blessed Mother and the after party started. Nagkanya-kanyang diskarte na sa pagsayaw.
In honor of the oldies, ChaCha ang unang tugtog at sinundan pa ng mga dekadang tugtog pero click rin naman sa millennials.
Nagpares pares na kami nung nag ChaCha na kahit di marunong ay sumasayaw pa rin. May nag showdown pa na mga oldies.
Nang tumugtog na ang live band ay doon na nagsimula ang lahat. Nakakarelate na ang mga millennials kaya todo hataw na. I'm not sure pero bigla yatang dumami ang tao sa quadrangle.
"Sabi ko eh, ito ang the best part ng program." malakas na sabi ni Kevin.
"Sus, pinaglalandakan mo talaga ang pagka partygoer mo." sabi naman ni Lurenz.
"WOOOOAH! Party people!" sigaw ng vocalist. Naghiyawan lahat nagtatalon-talon na dahil naging upbeat ang musika.
Ang saya lang. Sa mga ganitong events lang ako nakakapag party. Siguro everyone will think na partygoer ako sa inasta ko ngayon. If only they know.
BINABASA MO ANG
Love At First Beat
RomanceHEARTBEAT: the action or sound of the heart as it pumps blood. -Meriam Websters Ano nga ang tunog ng heartbeat mo kung normal na araw? Kung malungkot ka? Kung inlove? Kung masaya? Papaano ba tumibok ang puso mo kung alam mong siya na iyon? Na siya...