"Anong ngingiti-ngiti mo dyan? Ang aga-aga." sita sa akin ni Alfred pagkaupo ko.
"Wala naman. Di ba pwedeng masaya lang?"
Kaklase ko si Alfred at thesismate ko rin siya. Nakaupo aiya sa likod ko kasi alphabetical order ang pagkakaupo namin; ako Villaceran at siya naman Villacorta.
"Sus, sino naman yan? Si Marcus na naman?" inis niyang sabi.
Pano naman nasingit si Marcus dito?
"Anong Marcus? Di noh." dahil nairita ako sa kanya ay hinarap ko siya. "Bakit ka ba naiinis kay Marcus?"
"Tsss. Wala naman. Papapel kasi." mahina niyang sabi.
"Ano? Ulitin mo."
"Wala. Tsk." nakabusangot na siya. Nag-away yata sila ni Bianca nadamay pa ako.
Nagvibrate ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang nagtxt.
*Katerina:
May hindi ka sinasabi sa akin. Akala ko ba walang sekreto?Nagvibrate ulit ito.
*PerimPrim:
Hoy! Ano itong nabalitaan ko na magkasama kayo ni Geremy? Seryoso? Kailan lang to nagsimula?Ang bilis naman yata kumalat ng balita. Wala pa ngang 24 hours.
Sabay akong nagreply sa kanila.
*Katerina; *PerimPrim:
Wala akong alam sa mga akusasyon nyo. Pero may isheshare ako soon. Toodles.Ipinasok ko na sa bag ang telepono dahil nandito ang prof namin. Ramdam kong nagvibrate ito ng dalawang beses.
Kasalukuyan kaming nagsasagot sa activity na pinapagawa sa amin ng masagi ang pagsusukat ko dahil may asungot lang naman na pumatid sa upuan ko. Buti nalang at frixion pen gamit ko ngayon. Madali lang maerase.
"Ano?!" iritado kong baling kay Villacorta.
"Di mo naman sinabi na may bago ka palang manliligaw." nakangisi niyang bulong.
"Anong pinagsasasabi mo?" kinunotan ko lang siya ng noo. Lihim niyang pinasa sa akin ang cellphone niya. Kita ko doon ang dalawang litrato na nagpatindig sa balahibo ko.
Wala itong caption. Litrato lang pinost sa wall ng SRLU Stolen Shots na page. Pareho silang kuha sa may Caren46.
Ito yung na abduct ako kahapon. Omg! Issue ito. Ano ba iyan! Malalagot talaga ang Geremy na yun.
Unang litrato ay iyong bumulong siya sa akin. Di nakikita ang buong mukha niya kasi nakatagilid siya sa picture. Kung sino man ang kumuha nito ay siguradong nandoon siya sa Caren46. Kahit side view lang ay makikilala siya kung alam mo kung sino siya.
Ikalawang litrato ay iyong inakay na niya ako papuntang sasakyan niya. Hawak-hawak niya ang pulsuhan. Likod lang niya ang nakikita tapos ako naman ay nakatingin sa likuran ko na para bang naghihingi ng tulong.
"Oh my god! Issue ito." bulong ko sa sarili.
Naramdaman kong nagvibrate ulit ang phone ko. Di ko lang pinansin.
Nagscroll down ako. My god! Ang dami-daming nagcomment. Yung iba inaapreciate na gwapo, parang model, na kilala daw nila. May iba na tumpak pa at kilala nga nila.
"So?" nanunuya niyang bulong.
"Shut up nga! This is all a misunderstanding." inis kong bulong.
"Uhuh?" inis ko siyang tiningnan. Naglalaro ang mga ngiti sa labi niya. Kinunutan ko lang siya ng noo.
Inis ko ring ibinalik ang phone niya sa kanya. Tinawanan lang niya ako. Napabuntong hininga nalang ako.
"Pass your papers. Finish or unfinish." malakas na sabi ng prof.

BINABASA MO ANG
Love At First Beat
RomanceHEARTBEAT: the action or sound of the heart as it pumps blood. -Meriam Websters Ano nga ang tunog ng heartbeat mo kung normal na araw? Kung malungkot ka? Kung inlove? Kung masaya? Papaano ba tumibok ang puso mo kung alam mong siya na iyon? Na siya...