6

2 0 0
                                    

"Naaamoy ko na ang diploma! Wohoooo!" sigaw na sabi ni Kat.

"Sus! Kampante ang isang tao diyan. Running for Summa." tukso nila sa akin.

"Ano ba kayo. May final exams pa o saka di pa nga naapprove ang thesis namin."

"Pa-humble pa si ale. I can forsee na chicken lang ang thesis nyo. Mukha palang ng mga kasama mo alams na yan." pahabol pa ni Kiara.

Tinawanan ko nalang. Siguro masasabi ko na we have a high chance na walang revision dahil puro deanslister rin ang mga kasama ko pero di naman perfect ang lahat. I know we'll have flaws sa paper but I can guarantee na little lang yon.

Boastful ba? Pero totoo naman.

Nandito kami ngayon sa forest ng university. Ito ang tambayan naming tatlo pag may vacant kami. Nakakacalma lang kasi wala masyadong tao ang nagagawi dito. Mostly nasa garden sila o kaya sa quad o sa gym o sa wrocklage yard.

"Napapansin ko lang ha." basag ni Kiara sa katahimikan.

"Ano na naman ang napapansin mo?" tanong ni Kat.

"Si Primrose lang yung naiba sa atin eh."

"Ano namang iba?" kuryuso kong tanong.

"Eh K tayong tatlo tapos siya lang yung P. Gawin kaya nating Krimrose yung sa kanya para lahat tayo K." magiliw niya pahayag.

Nagkatinginan kami ni Kat saka sabay na tumawa.

"Ano?!"

"Naadik ka ba? Anong nakain mo ngayon ha?"

"Totoo naman diba? Koreen, Katrina saka Kiara. KKK yun. Eh si Primrose, P."

"O tapos? Ano naman meron doon?" tanong ko sa kanya na di parin mapigilan ang tumawa.

"Wala. Naisip ko lang. Tsss."

Di pa rin tumigil si Kat sa pagtawa. Si Kiara naman ayun nakabusangot na.

"Alam mo-" di ko natapos ang sasabihin kasi umingay iyong cellphone ko.

Umaliwalas ang mukha ng makita kong sino ang nagvivideo chat.

"Krimrose!" magsigla kong bati.

"Krimrose ka diyan."

She's wearing a pink wool jacket na may floral design. Naka scarf rin siya na stripes at bonnet na may malaking check.

Lumalantad ang mapupulang pisngi niya dahil sa ginaw siguro.

"Primrose?" sabay pang sabi nina Kat at Kiara saka pinagitnaan nila ako. Nagsisiksikan na kami sa bench.

"Hoy! Bakit di ka umuwi nong December ha? Sabi mo uuwi ka. Naghintay ako!" madramang sabi ni Kat.

"Oo na. Sorry po. Di ko kasi natapos on time ang thesis ko saka nag revise ako. Di bale after graduation mag vacation tayo dito sa amin."

"Are you serious?! Papapuntahin mo kaming Japan? Like omgeee?!" di makapaniwalang sabi ni Kiara.

Yay! Excited rin naman ako. Gusto kong makita ang mga kapatid ni Primrose saka ang auntie ko. I never met her.

"Hi po tita!" sabay na bati nina Kat.

Napatingin ako sa screen at nakita ang isang babaeng nasa mga 40s na yata na nasa likod ni Primrose. She's wearing a gray wool jacket and pink scarf. She's wearing a bonnet.

"Ma, mga kaibigan ko po. Si Kiara iyong naka headband saka si Kat naman ang naka glasses. Then si Koreen po yung nasa gitna." pagpapakilala ni Primrose sa amin.

Love At First BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon