S & N 2

1.4K 89 10
                                    




***

"Bilisan mo namang kumilos Ryan!"


"Eto na Ate" yamot na sagot ng kapatid kong sumunod sa akin. Kasunod niya si Ria na humihikab pa. Pitong taon si Ryan at limang taon si Ria.


"A- ate inaantok pa ako eh" ani ni Ria na humiga sa maliit naming sofa.


"Ria!" pagsunod kong pilit siyang kinarga ng magbukas ang pintuan.


"Okay na ba ang mga bata?" si Nate na may dalang plastic. Ibinaba niya iyon sa mesa at inabot kay Ryan.


"Nagdala ako ng pandesal, kumain ka na ba?" aniyang gumawi palapit sa akin. Nakabihis na siyang pampasok, samantalang ako ay nakapambahay pa ngunit nakaligo na.


"Mamya na ako kakain" ani kong pilit na kinakarga si Ria na nakapikit pa.


"Ako na dyan, sabayan mo na si Ryan" aniyang ginigising si Ria. Napaatras ako.


"Baby... gising na" masuyo niyang tapik kay Ria.





Sumunod ako kay Ryan na pinapanood si Nate sa paggising niya kay Ria.


"Gising na..." ani ni Nate na pikit pa rin si Ria.


"Alam kong gising ka na...gising na" masuyo niyang kinikiliti si Ria.


"Aba, aba eh tulog pa nga talaga ang baby namin ah!, gising na" aniyang kiliti sa tagiliran ni Ria, sinilip kong pilit na ngumingiti si Ria ngunit nakapikit pa rin.


"Ayoko na! ayoko na po!" tawa ni Ria na napangiti ako.


" Bangon na para makaligo ka na, mahuhuli na kami ng Ate mo" aniyang tumango si Ria ngunit inamba ang kamay. Yumuko si Nate na kinarga siyang paupo sa maliit naming mesa.


"Ibaba mo na yan, kaya yan mahirap gisingin sa umaga eh, sinasanay mo ng ganyan" ani ko.


Nagtimpla ako ng Milo para kay Ria.


"Ikaw kumain ka na ba?" baling ko kay Nate na tumango habang nasa tabi ni Ria.


"Kanina pa, nagbibihis pa kasi si Neya" aniyang tukoy sa nakababatang kapaitd.


"Anong oras ka pupunta sa Nanay mo?"


"Pagkatapos ng klase sa hapon" sagot kong kumuha sa dala niyang tinapay.


"Sasamahan kita, hintayin mo ako sa paglabas" tugon niya.


"Pwede namang hindi na Nate, saka baka may practice kayo-"


"Wag na wag mong susubukang pumuntang mag isa doon Sara" seryoso niyang tugon.


"Sige... magkita na lang tayo dito sa bahay" suko kong sagot.





Sabay kaming lumabas ng tinutuluyan namin. Medyo masikip ang eskinita palabas, may mga lasing pang nakahara sa daraanan kahit maaga pa, at meron pa ring nagvivideoke na hindi pa rin natatapos magmula kagabi, at ang madalas tanawing may nag aaway na kapit bahay.


Hawak ko si Neya habang hawak ni Nate si Ryan at Ria.


"Hi Nathan" bati ng isang kapitbahay namin kay Nate na tumango naman ang isa.


"Ang dami mong admirer" bulong kong natawa. Nilakad lang namin kung saan pumapasok ang mga kapatid namin. Si Neya na Grade 5 na at si Ryan na nasa grade 1 at kinder si Ria. Binilinan ko si Ryan para sa kapatid namin. Sinusundo ko sa hapon ang dalawa, ganundin si Nate kay Neya. Maswerte nga lang ako sa guro ni Ria na pumayag na manatili si Ria maghapon sa eskwelahan, idinahilan kong wala siyang makakasama sa bahay.


Sara and Nate 1   ( Hold on You )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon