***Bakit hindi mo ako hinintay kanina?"
Gulat akong napalingon. Mahinay ang apak niya sa bubong na halos hindi ko naramdaman ang pagtabi niya sa akin.
" Eh, alam ko namang may practice kayo" sagot kong tinanaw ang kalangitan. Pumunta ako sa gym kanina para sana daanan siya ngunit nakita kong abala siya at maraming mga babaeng nakaaligid sa kanya doon habang nagprapractice.
"Sinabi ko naman diba? daanan mo ako" irita niyang sagot na hindi rin ako tinapunan ng tingin.
Hindi ako umimik.
"Dumaan ako kaso nakita kong busy ka," matapat kong tugon.
"Sara..."
"Siyanga pala," pag iiba ko ng usapan.
"...may pumunta kanina dito, hinahanap ang tatay mo" ani ko.
"Ha? bakit hindi nabanggit ni Neya?" aniyang napabaling ako ng tingin.
"Uh, ano kasi eh, pinapasok ko si Neya sa amin, nakatakot kasi ang mga hitsura ng naghahanap kay Tito Egay" ani ko pang muli.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.
"Mga pinagkakautangan siguro iyon ni Tatay, maraming bisyo si Tatay," aniyang parang wala sa sarili.
"...kung may pagkakataon ay gusto ko ng lumisan sa lugar na ito" aniyang seryosong muli.
Inayunan ko iyon. Hindi ligtas ang lugar namin, hindi rin magandang tanawin o paligid para sa mga kapatid ko.
"Ako din naman, gusto kong lumaki sina Ryan sa mas maayos na lugar, yung hindi ganitong kagulo" ayon ko.
"Isang araw, makakaalis din tayo dito" aniyang humiga. Sinundan ko iyon.
"...saan naman tayo pupunta? eh ito na yata ang pinakamurang renta ng kwarto?" wala sa sarili kong tanong.
"Tsaka papaano ang Tatay mo?" lingon ko. At sa amin naman, ay dito kami iniwan ni Nanay.
" Minsan gusto ko ng magsumbong sa pulis sa mga gawa ni Tatay," aniyang may lungkot at galit sa mata.
"...kaya lang umaasa kang magbabago siya hindi ba?" dugtong kong marahan siyang tumango.
Alam ko iyon, ang nangako siya sa Nanay niya bago pumanaw na hindi niya pababayaan ang Tatay niya. Magmula ng nagkasakit hanggang nawala ang Nanay niya ay nagbago si Tito Egay. Ang alam ko lamang ay dating maalwan ang buhay nila, sa kanila ang pinapaupahan bahay sa tapat namin noon hanggang naibenta iyon at hanggang lumipat sila sa tabi naming kwarto. Namatay sa kanser ang Nanay niya, at kasabay ng pagpanaw niya ay nawala na rin ang dating tatay nila. Nawala sa serbisyo at ngayon nama'y lulong sa kung anu anong bisyo.
"Nate..." hawak ko sa palad niya ng siya'y matahimik.
"Kaya ko pa naman" aniyang ngiting hindi umabot sa tenga. Madalas kapag naka high o lasing ang tatay niya ay siya ang ginagawang punching bag ni Tito Egay.
"...ikaw, hindi pa rin ba dumadalaw ang Nanay mo?" aniyang humarap sa akin. Umiling ako, tinitipid ko ang ibinigay niyang huli. Kahit nasa disi siete pa lang ako ay mulat na ako sa ilang bagay. Maaga kong natutunan ang halaga ng bawat sentimo at kung papaano magtipid. Maagang iniaatang ni Nanay ang responsibilidad sa akin bilang magulang sa mga kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Sara and Nate 1 ( Hold on You )
Romansa*** Sara and Nate (Hold on You). Kahit anong hirap at pagsubok pa 'yan, basta't kasama kita. Panghahawakan ko ang pangako natin sa isa't isa. *pic not mine, nakita ko lang sa IG😁 I super like this couple eh, max and pancho. Sila ang sara and nate k...