***Balikwas akong napabangon. Tinanghali ako ng gising!
Nagmadali akong lumabas ng kwarto na naririnig ko ang tawanan sa labas. Ang mga kapatid kong nasa mesa habang nag aalmusal kasama si Nate at Neya.
"Hi Ate" bati ni Neya. Napangiti akong nilagpasan ng tingin ang katabi niya. Siya ang dahilan kaya hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.
"Ate! may dalang cheese at ensayamada si Kuya Nate!" ani ni Ryan. Tumango akong dumiretso ng banyo, napatingin ako sa salamin ng ma realize ko ang buhok kong parang kinahig ng manok sa gulo. Kinamay ko iyong sinuklay at nagsepilyo na rin.
Lumabas ako ng banyo na nasa sofa na ang mga kapatid ko at si Neya. Dumiretso ako sa aming maliit na kusina.
"Kain na" baritonong boses na tumabi sa akin sa lababo.
"O-oo"
Umupo ako sa bangko na nagtimpla ng sarili kong kape. Hindi ko tinapunan ng tingin si Nate. Madalas naman ang ganitong tagpo dito sa bahay ngunit ngayon parang hindi ako kumportable. Si Nate lang ang nakakaalam sa eskwelahan kung anong tunay na estado ng aming pamilya at ganundin ako sa kanya, na ako lang din ang nakakaalam ng problema niya sa tatay niya. Maaring siya si Nathaniel na popular at hinahangaan sa eskwelahan ngunit hindi alam ng karamihan ang totoong Nate.
"Wag mo akong titigan, kumakain ako" iritadong sambit ko. Nakikita ko siya sa peripheral vision ko kahit hindi ako nakaharap sa kanya. Isang mahinang halakhak ang itinugon niya.
"Hindi ka ba nakatulog? bakit ansungit mo?" bulong sa tabi kong binalingan siya ng tingin.
"Bakit ikaw nakatulog ka ba?" balik na tanong ko.
"Hindi! pero good mood ako, hindi katulad mo" ngisi niyang halos mapahawak ako sa dibdib ko sa kaba.
"Ate, magsisimba daw tayo mamaya" ani ni Neya na humalo sa amin sa mesa.
"Huh?"
"Sabi kasi ni Kuya, magsisimba daw tayo tapos mamasyal sa park" ani ni Neya na napatingin ako kay Nate na nakangiti pa rin.
"Ha? ano kasi eh..."
"Naku Ate, nasabi na namin sa dalawa, excited nga po eh" aning muli ni Neya na lumapit ang bunso kong kapatid na marahil narinig ang usapan namin. Nagpakarga siya kay Nate na inilagay sa hita niya.
"Ate, gusto ko sa park" untag ni Ria.
"Ako din! ako din!" segunda ni Ryan.
"Pumayag ka na ate" nakangising tukso ni Nate. Umirap ako ng tingin sa kanya. Papaano pa ako makakatanggi ng nakikita kong ganito ka excited ang mga kapatid ko?
---
" Salamat" mahinang sambit ko kay Nate, marahan niyang ibinaba si Ria sa kama namin. Inilagay ko sa tabi niya ang laruang galing sa kinainan naming fastfood chain. Pagkatapos nga naming magsimba ay kumain kami sa Jollibee at naglaro sila sa park pagkatapos. Kahit mabigat ang nagdaang linggo ay kahit papaano ay masaya kaming nakatakas sa sandaling mga problema, ang nakikita ko lang ang mga kapatid kong masaya ay ayos na ako doon.
"Matutulog ka na ba?" aniyang humarap sa akin.
"H-hindi pa naman, mag aayos pa ako ng mga gamit nila para bukas at mag aaral ng kaunti"
"Okay, ako din naman, tuturuan ko lang din ng leksyon si Neya, sumunod ka na lang sa itaas mamaya" aniyang tinanguhan ko. Inihatid ko siya sa labasan.
"U-uhm, Nate" habol ko.
"...uh, salamat nga pala sa araw na ito"
Napangiti siyang lumapit ng bahagya.
"Walang anuman Sara, masaya akong nag enjoy ang mga bata kahit si Neya," aniya.
"...at syempre ang pagkakataon na nakasama kita" dugtong niyang nagpaalam ng bumalik sa sariling bahay.
Napahinga ako ng malalim, pinakalma ko ang bilis ng tibok ng aking puso.
---
"Tigilan mo ako Lester" banta ko.
"Ang sungit mo naman" ngisi niyang nasa tabi ko pa rin. Napasulyap ako ng tingin sa pagdating sa pinto, Si Mikael na nakasunod sa nililigawan niya.
"Hindi ka niya gusto, kasi kung gustong gusto ka niya liligawan ka pa rin niya kahit binasted mo na siya" sambit ni Lester na nasa tabi ko pa rin.
Napairap ako. Hindi ko naman gustong gusto si Mikael, humahanga lang kasi siya ang pinakamatalino sa klase na sinundan ko, pero hanggang doon na lang iyon.
"Ako na lang," panggugulo ni Lester muli.
" Tumigil ka na okay, hindi kita gusto" diretso kong tugon.
"Anong ayaw mo sa akin?" aniyang medyo iritable na.
"Lahat!" ani kong napalakas ang boses. Napatingin ang ibang kaklase namin sa amin.
"Ano?!"
"Please Lester, utang na loob, tantanan mo na ako" mahinang sambit ko. Nasipol ang ilang kaibigan niya.
Iritadong napasandal sa upuan si Lester.
"Ano ba kasi ang tipo mo Sara?" tukso ng isang kaklase ko.
"Unang una, ang babata pa natin okay, hindi pa nga tayo tapos ng highschool" tugon ko.
"...at kung sakali man na magkagusto ako sa isang lalake, gusto ko ay responsable, mapagmahal sa magulang o kapatid, maalahanin, gusto ko yung pakiramdam ko may seguridad ako sa kanya, gusto ko yung may pangarap sa buhay at iniisip ang kinabukasan-" ani kong napahinto. Bakit si Nate ang pumapasok sa isipan ko?
Naalala ko kung gaano siya kabait kay Neya at sa mga kapatid ko. Ang simpleng pag aalala niya kapag hindi nagpapadala ng alawans si Nanay, ang kasama kong natataranta kapag nagkakasakit ang mga kapatid ko, ang pagiging malambing niya kay Ria, ang pagiging protective niya sa tinitirhan namin or kahit sa simpleng pagsakay namin sa dyip, ang lagi niyang tanong sa gabi kapag nagkikita kami sa bubong kung ayos lang ba ako, ang lagi niyang pagplaplano ng kinabukasan.
Napabalik ako sa ulirat ng tumawa ang ilang kaibigan ni Lester.
"Pare, hindi ikaw yun" tukso ng ilan. Natahimik ang klase ng siyang pagdating ng guro namin.
***
thanks for reading.
BINABASA MO ANG
Sara and Nate 1 ( Hold on You )
Romance*** Sara and Nate (Hold on You). Kahit anong hirap at pagsubok pa 'yan, basta't kasama kita. Panghahawakan ko ang pangako natin sa isa't isa. *pic not mine, nakita ko lang sa IG😁 I super like this couple eh, max and pancho. Sila ang sara and nate k...