S & N 9

1.2K 72 47
                                    



***

Hanggang pauwi ay hindi niya ako inimik. Pati ang mga bata ay hindi rin masyadong umimik sa seryosong hitsura ni Nate. Pinapasok ko sila sa loob at sinundan si Nate sa inuupahan nila.

"Nate!"

"May gusto ka ba talaga doon? sa Mikael na yun?" aniyang humarap sa akin.

"Wala!"

"Bakit ka pa yumakap?" aniyang galit pa rin.

"Nagpasalamat lang ako, yun lang!"

"Tsk! ang tagal namang pasalamat yan! kinikilig ka ba at pinagtanggol ka niya?"

"Huh? tayo Nate! tayo ang pinagtanggol niya" paalala ko yun sa kanya.

"Tang'na, may pasabi sabi pang kung naunahan ko lang siyang sumaklolo sayo!" aniyang iritable.

Imbes na mainis ako ay natawa akong napailing.

"Ano ba kasing ikinaiirita mo? nagseselos ka ba?" diretso kong tanong.

"Oo! hindi pa ba halata iyon?!" malakas na boses niya. Umabante pa siyang napatda ako sa kinatatayuan ko.

"Nagseselos ako Sara! noon pa ako nagseselos sa lintik na yun! kailangan ko pang maging bobo sa Math para mapunta sa akin ang atensyon mo!" aniyang hindi ako nakaimik.

"Wala akong laban sa kanya, mas maayos ang buhay niya kaysa sa akin, matalino siya! mabait! at lintik naman oh, hanggang kanina ay nagpapaimpress pa rin siya sayo" aniyang halos naumid ang dila kong hindi ako nakapagsalita.

"Laking pasalamat ko na lang ng iniwasan mo siya, pero nagseselos pa rin ako" aniyang muli.

"H-hindi ko naman s-siya gusto, paghanga lang, hanggang doon lang" buhol buhol na salita ko.

"Tsk! paghanga!" aniyang umiling na iritable pa rin ang mukha.

"Matagal na kitang gusto Sara nuon pa, nang nagkaroon ako ng pagkakataon na mapunta sa akin ang atensyon mo sa pagtututor, pinanindigan kong maging bobo sa Math. Masaya akong tuwing sasapit na ang gabing makakasama kita sa itaas, makakakuwentuhan, mahahawakan ang kamay mo, yung nasosolo kita, yung tayong dalawa lang" aniyang humawak sa kamay ko. Dinala niya iyon sa bibig niya.

"N-Nate..."

"Mahal kita" pabulong niyang sambit.

"Maaring masyado pa tayong bata para masiguro kong isip at puso ko, pero sigurado ako sa nararamdaman ko Sara," aniyang mas mahinang tinig. Prinoseso ng isip ko lahat ang sinasabi niya.

"Gusto kitang alagaan, gusto kitang makasama sa hinaharap... pagsisikapan ko" mahinang tinig niya.

"Pagsisikapan ko ang para sa atin, para sa mga kapatid natin, pangako" aniyang humalik muli sa likuran ng aking palad. Napalunok akong ramdam ko ang kaba sa aking dibdib.

"Mahal kita" pabulong niyang sambit muli na tumitig.

Hindi ko alam ang sasabihin kong napatango na lamang ako.

Humalik siya ng marahan sa aking noo.

"Para akong makakapatay ng tao kanina" mahinang bulong niya.

"...Tang'nang Lester na yun, wag ko lang siyang makitang lalapit pa sa iyong muli" dagdag niyang kumalas ako sa hawak niyang yumakap.

"Tama na, wag mo ng patulan uli" ani ko.

Yumakap siya pabalik na napanhinga ng malalim.

Sara and Nate 1   ( Hold on You )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon