***"Tulog na sila?"
Tumango itong umupo sa tabi ko.
Katahimikan ang bumalot sa amin, at katulad ng dati ay nasa bubungan kaming tanaw ang maliwanag na kalangitan.
"Ang tatay mo umalis ba uli?" mahinang tanong ko.
"Oo" maikling sagot niya.
"Mabuti naman, saan ka niya tinamaan ngayon?" mahinang tanong kong muli. Narinig ko kanina angg pagtatalo nilang muli. Isang dingding lang nag pagitan ng inuupahan namin sa kanila. Gustuhin ko man siyang takbuhin ay di ko magawa, nakakatakot ang tatay niyang dating pulis na tinanggal sa serbisyo ng nasangkot sa droga.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.
"Hindi naman masakit, sanay na ako sa kanya at kapag ganoong sobrang lasing na lasing siya, hindi naman malakas ang suntok niya" sagot niya. Naramdaman ko ang pag iinit ng sulok ng aking mata, naalala ko nuon na takot na takot akong makita ang dami ng pasa niya, ilang araw ko siyang ginamot nuon, at nagpaturo sa healthcentre ng tamang gagawin sa sugat at pasa niya.
"Nag alala ka ba kanina?" mahinang bulong niya.
"Oo naman" sagot kong humawak sa palad niya. Gusto kong malaman niya na naandito rin ako para sa kanya katulad ng ginagawa niya madalas sa amin ng mga kapatid ko.
Kinuha niya iyong dinala sa dibdib niya at pumikit. Hinayaan ko siya.
"Pagkatapos ng graduation maghahanap ako ng trabaho" aniyang napalingon ako.
"Huh? hindi ka magka college? or kahit vocational? or TESDA?" tanong kong tumagilid na nakaharap sa kanya. Nanatili siyang nakapikit habang ang isang kamay kong hawak pa rin niyang mahigpit.
"...hindi na, kailangan ko ng magtrabaho, ang Tita Mercy ko mukhang may problema sa Saudi, baka uuwi na iyon" aniyang muli.
"Anong problema?"
"Hindi naman niya nabanggit pero sa huling paguusap namin, sinabi niya hindi niya kami pwedeng masuportahan habang buhay" aniyang muli.
Hindi ako umimik. Ilang buwan na lang naman ay graduation na rin namin. Nasa isip ko na rin naman na iyon, gusto ko ring magtrabaho pagkatapos naming magtapos ng highschool, ngunit gusto kong maging working student, sisikapin kong maipagsabay ang pagaaral.
"Nate, pwede mo namang ipagsabay ang pagaaral sa pagtratrabaho" tugon kong hinid siya umimik.
"Saka baka pwede kang humingi ng scholarship, mag try out ka ng basketball, or sa mga innoffer na scholarship na may allowance" dagdag ko pang muli.
Dumilat siyang tumagilid ding humarap sa akin.
"Magtratrabaho muna ako Sara tapos mag iipon, papaano si Neya kapag hindi na kami kayang tustusan ni Tita Mercy?" aniyang nakatingin. Sa amin kaya? madalang magbigay ng pera ang Nanay ko, madalas ay tinitipid ko ng husto iyon, tumatanggap ako ng tutorials or paggawa ng project sa ibang kamag aral ko para mapunan ang pang araw araw namin, at madalas si Nate na nagbibigay sa amin.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.
"Bakit kasi hindi na lang tayo ipinanganak na mayaman?" nguso kong napangiti ito.
"Kung ipinanganak tayong mayaman, ay malamang hindi tayo nagkakilala, at malamang wala tayong moments na ganito" tukso niyang kinurot sa tagiliran.
"Aray ko naman!" reklamo niyang umupo akong hinawi ang tshirt niya. Halos mapakagat ako ng labing makita ang isang malaking pasa doon.
"Nate..."
Mabilis niyang ibinaba iyon.
Tumayo ako.
"Saan ka pupunta?"
"Tumayo ka diyan, gagamutin natin ang sugat mo" matigas kong tugon na pigil ang paghikbi ko. Umiling itong ambang pahigang muli.
"Nate!"
"Tsk! oo na!" aniyang walang nagawa kundi tumayo.
---
Pinunasan ko iyon ng medyo mainit na bimpo.
"Demonyo ang tatay mo" hikbi ko.
Natawa siyang napairap ako, nagagawa pa niyang tumawa na halos nangingiyak na ako.
"Walang nakakatawa Nate" iritadong wika ko. Ginawa na niya na punching bag si Nate mula noon.
"Wala naman talagang nakakatawa" seryosong tugon niyang napaangat ako ng tingin.
Humawak siya sa kamay kong nasa tagiliran niya.
"Alam mo bang kahit gaano kasakit ang mga ito, nawawala kapag nakikita kita kung gaano ka nasasaktan para sa akin? pakiramdam ko mahalaga ako sa iyo" mahinang sambit niya.
"Nate...mahalaga ka naman talaga sa akin"
"Pisikal na sakit Sara, pero kayang gamutin ng pagpapahalaga mo" bulong niyang ramdam ko ang malakas na pintig ng puso ko.
Nakatitig siyang payuko ng kaunti, ramdam ako mainit niyang hininga malapit sa pisngi ko.
"A-ate..." boses sa likuran naming halos sabay kaming natauhan ng taong nasa tabi ko.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig na napatayo. Si Ria na umiiyak na hawak ang maliit na teddy bear na bigay ni Nate sa kanya.
"Ria"
"Bad dreams ako ate" aniyang umamba ng karga. Mabilis ko siyang kinargang pabalik ng kwarto namin na hindi na nilingon si Nate. Ipinahiga ko siyang lutang ang isip ko sa nangyari kanina. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Tumayo akong kailangan kong silipin si Nate kung nakaalis na, kailangan ko ring magsarado ng pinto.
Paghawi ko pa lang ng kurtina ng pinto ay napahawak na ako sa dibdib ko sa gulat. Si Nate na nakasandal sa gilid ng pinto.
"Ginulat mo ako" sambit ko.
"A-aalis na ako" aniyang napatango ako. Sumunod ako sa kanyang inihatid siya pintuan.
"U-uhm, Sara..." aniyang seryoso. Ramdam ko ang init sa aking mukha.
"Goodnight" ngiti niyang sinuklian ko ng isang ngiti.
Ambang pasara ko ang pinto ng humara siyang muli.
Napalunok ako sa pag abante niya. Humawak siya sa magkabilang pisngi kong hindi ako nakakilos.
"Good night" aniyang marahan na gumawad na halik sa noo at tungki ng aking ilong.
***
thanks for reading.
BINABASA MO ANG
Sara and Nate 1 ( Hold on You )
Romantizm*** Sara and Nate (Hold on You). Kahit anong hirap at pagsubok pa 'yan, basta't kasama kita. Panghahawakan ko ang pangako natin sa isa't isa. *pic not mine, nakita ko lang sa IG😁 I super like this couple eh, max and pancho. Sila ang sara and nate k...