***Nakasunod ako sa kanyang hindi niya alam. Halos kabisado ko na ang kanyang likod. Magmula sa mahaba niyang buhok, manipis niyang pangangatawan, kung papaano siya maglakad. Sa unang tingin ay hindi mo mababatid ang tunay na Sara. Mukha siyang mahina sa pisikal niyang hitsura ngunit sa reyalidad ay nakakahanga ang pagiging malakas niyang personalidad.
Natawa ako ng makitang napahinto siya, naglabas siya ng pitaka niyang lumuhod sa isang batang namamalimos. Tipikal na Sara, maawain. Naglabas siya ng skyflakes niyang inabot din iyon sa bata.
Papaano ako hindi hahanga sa isang katulad niya? Matalino, mapagmahal sa mga kapatid. Siya ang tumatayong nanay at tatay ng dalawa niyang nakakababatang kapatid. Masyadong maalahanin, kahit sa amin ni Neya, kapag napagbuhuhatan ako ng kamay ni Tatay ay siya ang unang sumasaklolo upang gamutin ako at sa kanya rin ako tumatakbo kapag nagkakasakit si Neya, matanda ang pagiisip niya sa edad niya. Hindi siya katulad ng ibang kaedaran namin. Ako ang higit na nakakilala kay Sara at ganundin ako sa kanya.
Marahil sa eskwela ay hindi kami masyadong malapit, dahil yun ang gusto niya, ngunit may sarili kaming mundo kapag nasa bahay na kami.
Araw araw ko itong ginagawa maliban lang kung may practice ako sa basketball, ang sundan siya pauwi, ang masigurong ligtas siya pauwi. Kilala naman kami sa tinutuluyan namin ngunit hindi pa rin iyon kasiguruhan para sa akin.
Hapon pa lang ngunit normal na ang tanawin sa bungad ng barangay namin ang nag iinuman. Nagmadali akong habulin siya.
"Ginulat mo ako!" aniyang napahinto. Inakbayan ko siyang sinabayan ng lakad.
"Napakanerbiyosa mo naman" tukso ko.
Sumimangot siyang napairap sa akin.
"Hi Sara!gumaganda ka lalo ah" tukso ng isa sa nalagpasan naming mesa.
"Taken na ako Kuya Ador" angkla niyang biro pabalik.
"Napakaswerte naman ni Nathaniel" ngisi ni Kuya Ador.
"Sus! Magbrebreak din yan!" tukso ng ilan.
Hindi ako umimik na hinila siya ng mabilisan.
"Sandali naman!" reklamo niya.
"Bakit kailangan ming makipagbiruan pa doon?" sermon ko.
"Nate, araw araw tayong dumadaan doon, kapag sinupladahan ko sila baka lalo silang mapikon, mabuti na yong ganoon lang, hindi naman sila nambabastos" paliwanag niyang napahinga ako ng malalim. Ayaw ko sa lugar na ito, kapag nagkaroon ng pagkakataon ay ililipat ko sila.
"Basta wag na wag kang lalapit sa mga iyon" ani ko pang muli.
"Oo na po, ang sungit mo" buro niya pabalik.
"Gusto mong mag fishball?" tanong kong kinuha ang hawak niya.
"Wag na, magaaksaya ka na naman ng pera" sagot niya.
"May pera ako, nanalo ako sa pustahan namin nina Ruel" tukoy ko sa finals ng liga sa basketball sa TV.
"Itabi mo na lang Nate" sagot niyang bara sa akin, gusto ko lang naman siyang makasama bago namin sunduin ang mga kapatid namin.
BINABASA MO ANG
Sara and Nate 1 ( Hold on You )
Romantik*** Sara and Nate (Hold on You). Kahit anong hirap at pagsubok pa 'yan, basta't kasama kita. Panghahawakan ko ang pangako natin sa isa't isa. *pic not mine, nakita ko lang sa IG😁 I super like this couple eh, max and pancho. Sila ang sara and nate k...