***"Kuya" amba ni Ria.
Bago pa siya nakasagot ay nakalapit na ang mga kapatid namin.
Sumakay kami ng dyip pauwi.
Katabi ko siyang karga niya Ria na nakatulog, kasunod si Neya na nasa dulo naman si Ryan.
Humawak siya sa palad kong napabaling ako ng tingin.
"Galit ka pa ba?" mahinang bulong niya.
Umiling ako.
"Sorry na,"
"Nagkukunwari ka lang diba?" diretso kong tanong. Wala ng masyadong pasahero sa loob ng dyip.
"Hindi, yung ibang subjects talaga nahihirapan ako. Pero sa Math at Chemistry hindi" tugon niya.
"...yung mga nililikom mong study notes at outlines tuwing exams bago tayo mag exams, malaking tulong talaga iyon" paliwanag niya.
Tinitigan ko siyang pumisil sa kamay ko.
"Sorry na" suyo niya.
"Bakit kapag tinuturuan kita sa Chem, parang wala kang alam?" diretso kong tanong muli.
Napakamot siya sa batok na napahinga ng malalim.
"Ma, para po!" malakas na boses ni Ryan at Neya. Napatingin ako sa labasan, halos hindi namin namalayan na dapat dito kami bababa.
"Ma, saglit lang po, may bata po kaming kasama" ani ni Nate na ipinauna akong bumaba na sinundan ni Ryan at Neya, inabot niya sa akin si Ria.
Kinuha niyang muli si Ria sa akin pagkababa niya.
"Mag usap tayo mamya sa taas" bulong niya sa akin ng papasok kami ng eskinita sa tinutuluyan namin.
---
"Nathaniel"
Napalingon kami pareho sa pagbukas ng pinto ng kanilang kwarto.
"Tita" ngiti ni Nate, madali namang nagmano si Neya.
Sumulyap siya ng tingin sa amin, hindi ko na halos nakilala ang tiyahin ni Nate, bata pa ako ng huli ko siyang nakita.
"Magandang gabi po" bati kong ngumiti siya.
"Tita, si Sara po" pakilala ni Nate.
"Kilala ko siya" maikling sagot ng tiyahin niya.
"U-uhm, Nate papasok na kami" bulong kong kinuha si Ria, ipinauna ko na si Ryan sa loob.
"Ate sino po yun?" tanong ni Ryan ng tinulungan ko siyang magbihis.
Sinenyasan kong hinaan ang boses nila.
"Tita nila Kuya Nate mo yun" mahinang sagot ko.
"Dito na po siya titira kina Kuya?" maligalig na tanong ni Ryan muli.
"Hindi ko alam, psst... hinaan ang boses mo" sensyas kong muli.
Marahan naman itong tumango.
"S-si Nanay po ba, hindi na titira dito?" aniyang napabuntong hininga ako.
"Busy kasi si Nanay Rye"
BINABASA MO ANG
Sara and Nate 1 ( Hold on You )
Roman d'amour*** Sara and Nate (Hold on You). Kahit anong hirap at pagsubok pa 'yan, basta't kasama kita. Panghahawakan ko ang pangako natin sa isa't isa. *pic not mine, nakita ko lang sa IG😁 I super like this couple eh, max and pancho. Sila ang sara and nate k...