***"Nag away ba kayo ni Kuya Ate?" tanong ni Neya. Nasa kusina akong nagluluto, nanood naman sa tabi ko si Neya at nasa sala si Nate kasama ang mga kapatid ko.
"Me sumpong ang Kuya mo" sagot ko. Hindi rin niya ako kinakausap hanggang pag uwi namin.
"Bakit anong ginawa mo Ate?" kunot noong tanong ni Neya muli.
"Wala" depensa ko.
"Baka naman po pinagselos mo" ngisi niya.
"Huh?"
"Joke lang po" aniyang napailing ako. Tinanaw ko ng tingin si Nate sa sala, hindi naman ako manhid para hindi maramdaman iyon. Napalingon siya sa gawi kong napaiwas ako ng tingin.
---
"Hintayin mo ako sa pag uwi" bilin niya ng inihatid ako sa klase ko.
"Nate"
"Sabay tayong uuwi okay" bulong niyang muli.
Napatango na lamang ako.
Hindi niya ako masyadong kinikibo mula kagabi.
Inignora ko ang irap sa aking ng ilang kaklase ko, hindi ko naman kailangang magpaliwanag sa kanila.
Isang malalim na titig ang iginawad ni Lester sa akin. Nakaramdam akong sandaling kaba.
Umupo ako sa usual kong bangko ng tumabi ito.
"Sa akin ayaw mong magpaligaw at sa Nathan na iyon pwede?!" bulong niyang may galit. Nakahawak siya sa braso ko. Kinalas ko iyon.
"Bitawan mo ako" iritang sagot ko.
Akmang lalapit pa siya ng padating ang guro namin.
Lumabas ng walang pakundangan si Lester. Tinawag pa siya ng guro namin ngunit hindi siya lumingon. Nakahinga ako ng maluwag ngunit may kaba sa dibdib.
Natapos ang klase namin na medyo lutang ako. Hindi ako makapokus ng ayos sa dami ng sumasagi sa aking isipan. Patayo ako ng muntik akong mabuwal sa pagkakabangga naman ng grupo nina Janine sa akin. Napangisi si Louise. Tsk! at nagsama pa silang dalawa.
---
Dumiretso ako ng lakad papunta sa pagiintayan ko kay Nate ng masalubong ko si Lester. Matalim ang titig niyang papunta sa gawi ko. Nakaramdam ako ng sandaling pagkaba ngunit hindi ko ipinahalata iyon.
Umiwas akong humara siya.
"Padaanin mo ako Lester" iritang sagot ko.
Napangisi siyang nakakaloko.
"Lester!" ani ko ng para akong nakikipagpatintero sa kanya. Nasa dulo kami ng classrooms, wala na ring masyadong estudyante doon.
Hinila niya akong iniamba sa isang dingding doon. Inihara niya ang isang kamay niya.
"L-Lester ano ba!"
"Ang tagal ko ng nagtitiis sayo Sara" bulong niyang lumebel ng tingin sa akin.
"L-lester..."
"...tang'na, ang Nathan na iyon nakakalapit sayo ng ganun ganon lang? at ako hindi pwede?!" galit na turan niya.
"Lester" iwas ko.
BINABASA MO ANG
Sara and Nate 1 ( Hold on You )
Romance*** Sara and Nate (Hold on You). Kahit anong hirap at pagsubok pa 'yan, basta't kasama kita. Panghahawakan ko ang pangako natin sa isa't isa. *pic not mine, nakita ko lang sa IG😁 I super like this couple eh, max and pancho. Sila ang sara and nate k...