***Isang malakas na katok ang nakapagpagising sa akin.
"Sara!"
Kusot mata kong binuksan ang pinto. Si Nate na hawak si Neya medyo namumula ang mata.
"O, bakit?" mabilis kong tanong. Naalarma ako sa mukha ni Nate na parang balisa.
"Okay ka lang ba Neya?" ani kong pansin ang pamumula ng tungki ng ilong niya. Pinapasok ko sila at pinaupo sa sala. Kumuha ako ng tubig para kay Neya. Hikain si Neya ngunit sa hitsura niya para naman siyang maayos ngunit halatang galing sa pag iyak.
Palakad lakad si Nate.
"Anong problema Nate?" balisa kong tanong. Parang nawala ang antok ko.
"A- ano kasi" kamot ulong hindi mapakaling sagot ni Nate.
Lumuhod ako kay Neya na nakatungo lang.
"Okay ka lang ba? anong nangyari?" mahinahon kong tanong.
"Kasi ate..." namumulang pisngi niyang bumaling akong muli ng tingin kay nate.
"Nate!"
"A- ano eh..." kamot ulo niyang hindi mapakali pa rin. Sumenyas siya sa bandang mesa namin. Napakunot ako ng noo. Nakatungo pa rin si Neya na nakatingin sa sahig.
Sumunod ako kay Nate.
"Anong problema?" bulong ko.
"A-ano eh, h-hindi ko kasi alam ang gagawin ko" aniyang aligaga.
"Huh?"
"Si Neya kasi, m- may...may ano" aniyang lumapit sa aking bumulong.
"...dinatnan na yata ang kapatid ko" bulong niyang napabuntong hininga.
Napangiti ako.
"Okay lang yan, ikaw talaga, hayst! pinakaba mo ako!" ani kong nilagpasan siya. Tumungo ako sa gawi ni Neya.
"Neya..."
"Ate..." nahihiya niyang tugon.
"Halika, tuturuan kita ng ilang bagay" ani ko.
"...hindi ka pwedeng sumama" baling ko kay Nate na tumango lang.
Dinala ko siya sa banyo.
"Malakas ba?" tanong kong umiling siya.
"Ano po, eh hindi naman po, natakot po kasi ako kanina" aniyang napatango ako.
"Saglit dito ka lang" ani kong lumabas.
"Ano na?" aligagang tanong ni Nate na natawa ako.
"Ang OA mo, wag kang maligalig nahihilo ako sa iyo" irap kong sumunod siya.
"Nag panic ako eh" aniyang muli.
"Wag kang OA, normal lang iyon, nagdadalaga na ang kapatid mo" sagot kong kinuha ang thermos namin.
"Anong gagawin mo dyan?"
"Pampapaligo ni Neya, hindi siya pwede sa malamig na tubig" sagot ko.
"G-Ganun ba? may mainit kaming tubig sa bahay" aniyang palabas. Bumalik din siya ng agaran.
"Kailangan ni Neya ng napkin, bumili ka sa tindahan at dalahan mo na rin ako ng bihisan niya, tuturuan ko siya ng paglalagay nun" ani kong mabilis naman siyang sumunod.
"Anong klaseng napkin?"
"Yung Modess kamo" sagot kong nagmadali naman itong lumabas.
Tinuruan ko si Neya kung papaano maglinis ng katawan at kung papano na rin ang tamang paglalagay ng napkin at kung kelan dapat palitan iyon.
"Hindi ba masakit ang puson mo?" tanong kong umiling ito.
Natapos siyang naligo ng sinuklayan ko.
"Dalaga ka na Neya, hindi na katulad ng dati na pwede lang makipaglaro sa ibang mga batang lalake sa school mo" ani kong tumango ito,
"...at higit sa lahat, iingatan mo ang sarili mo, wag na wag mong ipapahawak sa kahit sino ang kahit anong parte ng katawan mo sa isang lalake, maliwanag?" ani ko pang muli.
"Opo" sagot niya ng marinig namin ang pinto. Si Nate na pawisan at may dalang supot.
"Tapos na siya?" aniyang napatingin s akapatid.
"Ang tagal mo" puna ko.
"Ang hirap hanapin ng napkin na ito sa pangatlong kanto pa ako nakabili" aniyang halos hangos.
"May ibang brand yan Nate"
"Tsk! yun nga sinabi ng tindera kaso ang sabi mo Modess kaya yun ang hinanap ko" aniyang natawa ako.
"Ang kuya mo ang OA talaga" ani kong tinapos ang pagsusuklay kay Neya.
"Okay na ako Kuya" ngiti ni Neya na mas maaliwalas na ang mukha. Tumango naman si Nate na sinenyasan akong lumapit.
"Binilinan ko na siya sa pwede at hindi niya pwedeng gawin at kainin kapag meron siya" wika ko.
"Salamat" maluwag na paghinga niya.
"Dalaga na ang kapatid mo Nate-" ani kong sumabad ito ng agaran.
"Alam ko, iingatan ko siya". sabad niyang yumakap.
"Salamat Sara, salamat at naandyan ka" aniyang yumakap.
"Sus, ikaw talaga, parang kapatid ko na iyan si Neya saka ikaw din naman ang bait mo sa mga kapatid ko" tugon ko.
"Salamat pa rin, iingatan ko si Neya... ikaw, at ang mga kapatid mo" aniyang muli bago kumalas. Rinig ko ang malakas na pintig ng kanyang puso, ngunit bakit parang sumasabay ang pintig ng puso ko?
***
thanks for reading.
BINABASA MO ANG
Sara and Nate 1 ( Hold on You )
Romance*** Sara and Nate (Hold on You). Kahit anong hirap at pagsubok pa 'yan, basta't kasama kita. Panghahawakan ko ang pangako natin sa isa't isa. *pic not mine, nakita ko lang sa IG😁 I super like this couple eh, max and pancho. Sila ang sara and nate k...