Kasalukuyan kaming naglalaban ng kapatid ko. Nandito kami ngayon sa isang matarik na bangin. Hindi ko alam kung bakit kami naglalaban. Bigla nya akong inataki ng kanyang apoy na kapangyarihan. Muntikan na akong mahulog mabuti na lamang ay ginamit ko agad ang lupa upang gumawa ng makakapitan.
"Kent, tumigil ka na, alam mong hindi kita masasaktan. Kapatid kita, ayaw kong magkahiwalay tayong muli." Sigaw ko sa kanya, ngunit parang hindi nya ako napapansin bagkos ay ginamit nya ang elemento ng lupa para atakihin ako muli. Isang napakalaking bulang lupa ang ginawa nya, hindi pa nagtatapos roon. Ginamitan pa nya ito ng elemento ng apoy. Pagkatapos nyang magawa ito agad itinera direkta sa kinaroroonan ko at hindi ko alam kung bakit ni hindi man lang ako makagalaw. Sa pagkakataong iyon ay tinamaan ako mabuti na lamang bago lumapit sa akin ang nagbabagang apoy ay nakagawa ako ng water shield sa aking katawan at hindi ako natupok ng nagbabagang lupa ngunit nahulog naman ako sa bangin kung saan kami naglalaban.
"Aray, ang sakit ng pwet ko, ano bayan" pagmulat ko ng aking mga mata at ako ay nasa kwarto. "
"Hahaha! Si kuya nahulog, hahahaha... Aray sakit na ng tiyan ko. Hahaha. Si kuya kent talaga, parati nalang nahuhulog, hahahaha." Tawang-tawa na narinig ko sa aking kapatid na kakambal na si Ken.
Pagtayong pagtayo ko, bigla ko syang binatukan. Nakakainis ba naman. Lagi na lang ako nito pinagtatawanan kapag ako ay nahuhulog. "Ayan, bagay sayo yan. Tatawa-tawa ka pa dyan."
"Aray, si kuya naman eh. Sakit nun ha. Ikaw naman kasi eh, parati kang nahuhulog, hahaha" tawa nya ulit habang hinihimas ang ulo nya na binatukan ko.
Isang batok ulit ang ginanti ko dahil pinagtawanan nanaman ako nitong kambal ko. Ngayon bigla syang nahulog sa higaan namin sa pagbatok ko sa kanya at ako naman ang tumawa. "Oy, ken, maghanda ka na at may pasok pa tayo. haha" tawang sabi ko sa kanya dahil sa itsura nya nang bumagsak. Nauna ba naman ang mukha nito. Haha.
"Kuya namumuro ka na ha. Kanina ka pa nambabatok. Sakit na kaya ulo ko sayo at mukha ko pa naunang bumagsak. Kainis ka!"tampong sagot nya.
"Ikaw naman kasi kambal ko eh, ang kulit mo!hmmmm!" Sabay gulo sa buhok nya. "Sige na, bumaba ka na roon at baka naghihintay na sila nanay para mag almusal. At sabihin mo na maliligo lang muna ako"
Bumaba naman sya agad at ako ay naligo na.
So, bago tayo magpatuloy sa journey ng buhay naming magkapatid. Nais ko munang ipakilala ang mga sarili.
My name is Kent Natsuki, 15 Male, 3rd year highschool. Ang aking kambal naman ay si Ken Natsuki, 15 Male, 3rd year highscool. Kambal nga diba kaya ang magkaiba lang samin ay yung name namin. Meron pa pala, ako medyo matured na mag isip ang kambal ko medyo , may pagkabata pa din. Hehe. At ako ang pumoprotekta sa kanya dahil sabi nga ako ang mas matanda sa kanya ng 25 seconds. Haha. O diba? Astig!
KENT POV
Nandito na kami ngayon sa school at kakapasok palang sa gate. Napalingon ako sa isang dako kung saan ko parati sya nakikita. Napatigil ako sandali at hinanap ng mga mata ko ang presensya nya. Napansin ako ng kakambal ko na tumigil kaya kinalabit nya ako.
"Oy! Tara na kuya!" Tawag nya sakin nginit di ko pinansin. Namangha kasi ako sa kapaligiran na aking natatanaw. Napakaganda nya talaga. Sana mapansin nya ako. Hindi ko man lang namalayan na pinuntahan na pala sya ng kakambal ko. Nagising lamang ako noong nakita ko ang kambal ko na nandoon sa babaeng tinitignan ko. Tinakbo ko sya ngunit huli na ang lahat.
KEN POV
Napansin ko si kuya na napatigil kaya tinawag ko sya.
Oy! Tara na kuya!" Tawag ko sa kanya ngunit dedma lang ako. Tinignan ko kung ano ang tinitignan nya at hindi ako pinapansin. Ngunit hindi pala ANO kundi SINO ang nagpatigil sakanya. Nakaisip ako ng plano. Isang babae na may hugis pusong mukha, na pinagpalaan ng mapilantik na mga pilik mata at nagtataglay na malabughaw na mga mata, pinarisan ng katamtaman na ilong at mala rosas na mga labi na sa tuwing ngumingiti at makikita ang pantay-pantay na mga ipin.
"Ah ganon ha, ayaw akong pansinin ha." Sa isip ko.
Naglakad ako papunta sa kinaroroonan ng tinitignan ng kambal ko. Ayon hindi parin ako napansin ng kuya sa pag alis ko. Naalimpungatan sya siguro noong nakita nya na kinausap ko agad yung babae at tumakbo sya para pigilan sana ako. ngunit huli na sya at nag usap na kmi. Nang ako ay nasa harapan nya saka ko napansin ang mala dagat na kulay ng mata nya. Napakagandang pagmasdan nito.
"Hi, pwede mag pakilala? Im Ken Natsuki, 15 yrs old, 3rd year." Sunod-sunod na sabi ko sabay lahad ng kamay ko sa kanya at sya naman pag abot ng kuya ko sa tabi namin.
"Im Hyana (HiYana)" at kinuha kamay ko.
"And this is my twin brother Kent" at nagkamayan silang dalawa.
Nagkatitigan lang silang dalawa at tanging mga mata lamang nila ang nag uusap ata. Nahihiya siguro tong dalawang to kaya minabuti kong magpalusot na may gagawin muna ako. Kaya nagpaalam ako sa kanilang dalawa.
KENT POV
Namalayan ko na lamang na nasa tabi na ng babae ang kapatid ko kaya bigla akong napatakbo, pagdating ko saka ako pinakilala ng makulit kong kakambal sa babae. Sa totoo lang ay kilala ko na sya, sino ba naman ang hindi makakakilala sa kanya eh sya lang naman ang pinakamagandang babae dito sa school na lahat ng mga kalalakihan dito ay napapanganga sa tuwing sya ay mapapadaan. Kilala ko din sya dahil sa ibang kong subject ay magkaklase kami. Ibang subject ko ay hindi kami magklasmit ng kapatid ko kasi sya mukhang seryuso ako, haaay, nakakapagod mag aral. So, yun nga, kilala ko na sya iwan ko lang kung kilala nya ako. Nahinto ako sa kakaisip ng kung anu-ano nung magsalita sya.
"Diba magklasmit tayo sa ibang subject?" Tanong nya
"Ah, oo, minsan na rin kita nakikita sa klase"
"Ahh! So tinitignan mo pala ako ha?" :-)
"Ah- h-hindi na-naman sagunon, napapansin lang talaga kita parati, i m-mean sa klase, hehe" ano ba yan, nabubulol pa ako.
"Ano, malapit ng magtime tara pasok na tayo?" At pumunta na nga kami sa klase.
Pagkatapos ng klase ay umuwi kaagad kami ni Ken. Ayon kinukulit ako kung musta daw kami ni Hyana. Kulit talaga, oo. Andito ako ngayon sa kwarto, inaalala ang nangyari sa amin kanina sa pagpasok sa klase.
Short FLASHBACK
Habang naglalakad kami ni Hyana ay panay din ang kwentuhan namin ng kung anu-ano. Nasa field palang kami noon at tumatawa sa mga pinagkekwento namin. Hindi inaasahan, bigla syang natapilok at natumba. Mabuti nalang at agad ko syang nasalo ngunit na out of balance din ako kaya bumagsak kaming dalawa. Sa pagkabagsak namin isang hindi nanaman inaasahang nangyari. Nasa ilalim ako at nasa taas naman sya ngunit...
.... Nagkadikit ang aming mga labi ng di sinasadya. Agad syang tumayo at ako naman ay humingi ng tawad. Pagkatapos ng nangyari ay naglakad nalang kami papunta sa room ng walang kibuan. Hanggang sa pag uwi, hindi kami nagkausap.
END OF FLASHBACK
Hanggang ngayon, inaalala ko parin ang lambot ng kanyang mga labi. Parang magkadikit parin ang amin. Napatawa nalamang ako sa aking iniisip at dinaan ko na lang sa pagligo. pumunta ako sa CR daladala ang ngiti sa aking mga labi.
.....to be continue
BINABASA MO ANG
THE PROPHECY
Fantasystory ng magkapatid na kambal na sa una walang alam sa buong pagkatao at nasubok ng kapalaran upang malaman lamang ang katotohanan. hope may sumuporta... hehehe... first timer po ako sa mga story making kaya please understand the flow nalang po hehe...