KEN POV
Ilang araw narin ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay wala paring malay sina mama. Marami na ang mga nangyari at marami na rin akong nalalaman. Tungkol sa mga kapangyarihan na sa una ay pawang mga nababasa ko lamang sa mga komiks na sa akala ko ay emahinasyon lamang. Mga nilalang na hindi mo malaman kong totoo nga ba ito o hindi hanggat hindi mo pa nakikita sa personal at marami pang ibang mga hindi maipaliwanag ng siyensa sa mga panahong ito.
Nalaman ko ang lahat ng mga ito noong sinundo kami ng mga sinasabi nilang taga Incantare Kingdom. Ito yung oras na hindin ko pa alam ang mga nangyayari noong nakita kong sugatan ang mga magulang ko at noong madaming Kent ang nakita ko na naging isa.
Sa una ay kabado ako sa mga nakikita ko noong araw na nasa bahay pa lamang kami at biglang may lumitaw na isang bilog na liwanag at sa pagkakaalam ko basi sa mga naikwento ng kambal ko ay isa itong portal o lagusan mula sa ibang mundo papunta sa mga mortal na tao. At doon ako lubos na kinabahan. Sa oras na iyon ay nakipag sagutan muna kami at ilang minuto ang lumipas ay bigla akong nawalan ng malay dahil may naramdaman akong tumama sa batok ko. Nagsing na lang ako na sa isang kwarto at may narinig sa labas na nag uuusap.
FLASHBACK
"Wag ka ngang maingay baka marinig ka nila!" sabi pa ng isang boaes na hindi ko kilala.
"Wag kang mag alala dahil...." Naputol na sabi ni Jhean dahil bigla akong lumabas at hinarap sila.
"Anong sinasabi nyong wala na silang magagawa? Anong nasa inyo? Kami ba ang tinutukoy nyo? Siguro mga masasamang tao kayo no? At bakit ako naririto?" Sunod sunod na tanong ko at sa oras na ito ay may daladala akong stick para kung sakaling may gawin sila sa akin ay madepensahan ko ang sarili ko. May alam din naman akong pano depensahan ang sarili ko dahil mayroon kaming subject sa 3rd year na Arnes. Nakita ko sa mga expression nila ang pagkagulat kaya nasisigurado kung may itinatago silang hindi namin alam ng pamilya ko.
Napatigil sila sa pag-uusap nila doon na ako lubos na naghinala. Bigla nila akong hinigit ulit papasok sa kwartong pinanggalingan ko. "Wag ka ngang maingay. Haizt pagmarinig kami at malaman ng iba malilintikan ka talaga sa akin.!" inis na sabi ng Jhean na to sa akin. "Ano ba talaga kailangan nyo sa amin. Bakit ako naririto at asan ang kapatid at mga magulang ko? Pag may nangyaring masama sa kanila ako mismo ang gaganti sa inyo!" galit na pahayag ko at tinanggal ko ang pagkakahawak nila sa akin. Hawak ko parin ang stick ngayon kaya itinutok ko ito sa kanila. "Subukan nyong lumapit at hindi ako magkakamaling gamitan kayo ng marahas" banta ko sa kanila.
"Ano bang pinagsasabi mo dyan ha? At pwede ba wag kang sumigaw baka marinig tayo. Hoy , Patahimikin mo nga ito baka ano pang magawa ko dito eh!" sabi ng isa. "Sabi ko na nga ba at hindi kayo mabubuting tao eh." sabi ko na.
"haizt! Mukhang narinig nila tayo at papunta sila sa direksyon na to. Inis naman kasi eh!" inis na hayag ni Jhean. Nakasilip sya sa may pintuan at mukhang may itinatago sila. hindi kaya ako yung itinatago nila na hindi dapat makita?
"Tulong, tulungan nyo ako." sigaw kong bigla at nagulat silang dalawa sa sigaw ko. Nilapitan nila ako at may gagawin sana ngunit biglang bumukas ang pinto at agad kung nakita kung sino ang mga ito. "Kuya Kent?" takang tanong ko dahil mukhang malaya namn syang kumilos at mukhang masaya pa syang tignan. "kuya kent, tulungan mo ako, balak akong saktan ng dalawang ito. sumbong ko na lamang sa kanya. "Hoy,isip bata, no bang pinagsasabi mo dyan ha? Wala kaming balak saktan ka at wag kang gumagawa ng kwento kundi di akong magkakamaling saktan ka talaga!" inis na sabini Jhean. "Hahaha. Ken, hindi sila masasamang tao. Halika dito at may sasabihin ako sayo."
At pinaliwanag na nya sa akin ang lahat. Ipinakilala nya ako sa mga kilala na nya rito sa sinasabing Incantare Kingdom. At lalo na sa sinasabing apat na guard. Sila ang natatanging nilalang dito na pinagkatiwalaan ng mga god and goddess sa apat na elemento. Ngunit sa apat na elemento ay isa lamang sa kanila ang kayang kuntrolin ito kaysa sa Propesiya ay lahat ay kayang kuntrolin. Si Jhean ay isang guard na kayang kontrolin ang Lighting at Lupa. Maganda syang babae, pero mapurma at purmang lalaki. nagtataglay ng berdeng mga mata na sumisimbolo sa lupa at ang buhok nya ay kulay lavander. yung kasama naman nyang babae si Larah ay kayang kumontrol ang Hangin at kayang mag Invisible gamit ang hangin. Salungat naman ito sa kay Jhean kung pumorma babaeng babae at may mga lightblue na mata at mala rosas na kulay ng buhok, at napakaganda rin nito At ang kasama nilang dalawang lalaki noong sinondo kami mula sa mundo ng mga tao ay sina Fleon na kayang kuntrolin ang Apoy at nagtataglay ng mga pulang mga mata na sumisimbolo sa apoy at may pulang mga buhok rin na. ang huling guard ay si Hydor na kaya namang kuntrolin ang Tubig at mayroong mga darkblue na mata sinisimboolo din ng tubig. Darkblu din ang kulay ng buhok nito.
BINABASA MO ANG
THE PROPHECY
Fantasystory ng magkapatid na kambal na sa una walang alam sa buong pagkatao at nasubok ng kapalaran upang malaman lamang ang katotohanan. hope may sumuporta... hehehe... first timer po ako sa mga story making kaya please understand the flow nalang po hehe...