Isang masayang kaharian meron noon ng INCANTARE KINGDOM. Sa kaharian ito pumapaloob ang 4 na kaharian na sumisembolo sa apat na elemento. Ang LANN KINGDOM sa Lupa, AER KINGDOM sa Hangin, WAZZAR KINGDOM sa Tubig at ang FIUR KINGDOM sa Fire. Sa bawat Kaharian ay binabantayan ng apat na guards na pinagkalooban ng mga god ang goddesses. Ngunit isa lamang ang hari at reyna ang namumuno sa lahat ng kaharian.
Isang natatanging hari at reyna ang pinili ng iba't ibang kaharian upang pamunuan sila. Isa na rito ang Mag-asawang Sky at Aeria. Napili sila dahil sa angking kagalingan sa pagpaplano at pakikidigma ni Sky at ang pambihirang lakas na tinataglay ng itinalagang propesiya na si Aeria.
Sa una may pagkakaisa ang bawat kaharian at ang apat na guards ay matalik din na kaibigan ng mga Hari.
Ngunit, isa sa hindi nila alam ay may matinding pagnanais at pagkasuklam at matinding selos ang nakatago sa likod nilang lahat. Dahil sa pag nanais ay nagawa nitong traydorin ang kanyang mga kasamahan at kaibigan. Nagawa nitong gumawa ng napakalaking hukbo upang maisagawa ang maitim n hangarin. Isang hangarin na pamunuan ang lahat ng kaharian at makuha ang kanyang iniibig.
Nagawa nya ang mga bagay na iyon dahil sa isang nakaraan na hindi nya matanggap. Hindi nya matanggap na hindi sya minahal ng taong mahal nya bagkos hindi nya inaasahan ang matalik pa nyang kaibigan ang minahal nito. Kaya matinding selos ang pumaloob sa kanya at nagawa nyang ang mga masamang hangarin.
Dahil sa pag-ibig at matinding selos nawasak ang magandang samahan na meron sa kaharian. At ito ay dahil sa matinding selos ng Hari ng mga Fiur na si Zyter na dating isa sa mga guard ng apat na elemento, ang guard of Fire, na sya ring pumatay sa mga dating kasamahang guard at sumira sa magandang samahan.
Ang umibig sa isang babae na minahal lamang sya bilang kaibigan...
At ang minahal nyang iyon ay ang nag-iisang reyna ng Incantare Kingdom, ang dating propesiya na si Airea.
Isinagawa nya ang lahat kanyang mga plano sa kaarawan ng pagsilang ng kanyang iniibig na kung saan ito ang propesiya na kung kaya ito ay hindi makalaban sa kanya. inisa-isa nya muna ang 4 na kaharian na hindi sya mararamdaman saka ang kaharian na ng Incantare. At nasagawa nga nyas ang lahat ng iyon.
Ngunit bago nya maataki ang Incantare Kingdom ay natunugan sya kaya nakapaghanda ang mga enchater sa Incantare.At marami ang nakatakas at nagtago kasama ang Hari at reynang si Airea at Sky at ang ipinagbubuntis nito na itinalagang bagong propesiya na magpapabalik sa dating kaayusan.At doon din nag umpisang itinalaga ang bagong guards ng bawat elemento.
Nagtago sila sa mundo ng mga mortal at gumawa ng tagong tirahan na hindi makikita ng mga kalaban nila at ng kung sino man kundi sila lamang na mga Enchater. At ng dumating ang oras ng mga kalaban ay nagsagawa na ang hari ng FIUR ng plano upang sirain ang propesiya.
BINABASA MO ANG
THE PROPHECY
Fantasystory ng magkapatid na kambal na sa una walang alam sa buong pagkatao at nasubok ng kapalaran upang malaman lamang ang katotohanan. hope may sumuporta... hehehe... first timer po ako sa mga story making kaya please understand the flow nalang po hehe...