KENT POV
Pagmulat ko nakita ko na may papalapit na nagbabagang apoy sa mga magulang ko. Kahit nasa loob pa ako ng maulap na usok nakikita ko parin sila ng malinaw. Isa nanamang boses ang narinig ko at sinabi ko ang tinuro nya. WATER BUBBLE ADAMAS (isa sa mga malalakas na barrier na kailangan ng malaking porsyento ng kapangyarihan. Isang bubbles na pinatigas at pumapalibot sa gagamitan upang magsilbing BARRIER/SHIELD na lubhang makinang . ADAMAS-from greek word means hardest mineral, diamond)
At isang pagsabog ang ginawa nito sa pagtama. Napatawa ang nagpalabas ng FIRE DRAGON dahil akala nya ay napatay nya ang magulang ko ngunit doon sya nasgkakamali. Mabuti nalang at umabot ang cinast ko. Pagpawi ng usok sa kinaroroonan nagcast agad ako at umataki sa mga kalaban.
"DRAGON BREATH......" atake ko sa kanya ngunit napansin nya ito agad at hindi ko alam ngunit parang hinigop nya lamang ito. Gulat ako sa nakita ko, inataki ko sya ulit pinakawalan ko ang isang FIRE WHEEL ngunit ganun ulit ang ginawa nya. Hindi ko na alam ang gagawin ko hanggang sa nagsalita sya.
"Hahaha, ikaw ba ang sinasabing THE PROPHECY? nakakagulat naman ngunit ang hina mo naman pala.Ano to? Nagpapatawa ka ba sa atake mo? Hahahahaha!" Ang pangit naman ng tawa nitong pangit na to. "Pano ba yan at wala na mga magulang mo?" Tuloy nitong sabi.
Nakita kong natatanggal na ang usok kaya tumawa rin ako sa pangit na kaharap ko. Sa totoo lang di naman sya talaga pangit eh sinabi ko lang kasi iwan. Ok naman mukha nya may pagkasingkit tapos mga mata nito ay kulay pula buhok din nito pula na parang patayo lahat bawat hibla.
"Hoy pangit, anong sinasabi mong patay? Tignan mo nga inataki mo" napalaki ang mata nya ng makita ang ginawa ko.
"Papaanong? Talagang ikaw nga ang Propesiya. Tanging sya lamang ang makakagawa ng ganyang kalakas na BARRIER." Gulat nito at di ko alam ngunit natatanggal na ang BARRIER.
Sabayan ko na lang kaya ito sa pinagsasabi nitong lalaking to. "At hindi mo kami basta basta matatalo kung yun ang pagkakaalam mo. At sino ka sa palagay mo para pumunta dito sa amin?" Walang takot kung sabi.
"Wala akong oras sa tanong mo tanggapin mo ito.... Haaaaaaahh!!!!" Hindi ko alam kung anong klase apoy ang pinakawalan nya. Ngayon palang ako nakakita ng apoy na kulay blue. Hindi ko alam gagawin ko kaya napatakbo nalang ako bigla. Ngunit ano ito bakit sumusunod sa akin.
"Haaaaaah!" Napasigaw nalang ako dahil sa hindi alam ang gagawin.
"Boooooggsss!!!"
AIREA POV
Labis akong nanlumo noong nakita ko na walang magawa ang anak kong si Kent sa pag atake ng kalaban. Nalaman ko nalamang na hindi pala sya makagalaw dahil sa kinokuntrol sya ng anak ng hari ng FIUR KINGDOM. Sya Red Flaume. Hindi ko alam kung anong klasing kapangyarihan iyon na pweding kuntrolin ang isang nilalang. Nakita ko na lamang ng tinamaan sya ng isang FIRE BALL. Wala na akong nagawa sa mga oras na iyon pati si Sky ay napadapa na lang din. Tinanggap namin lahat ng mga ataking pinakawalan ng mga kalaban. Hindi kalaunan ay inataki kami ni Red ng kanyang FIRE DRAGON.
Sa subrang panghihina ay dumudilim ang aking paningin naramdaman ko rin na walang aura akong nararamdaman kay Sky.
RED FLAUME POV
Yan ang napapala ng mga mahihina. Alam kung tinamaan ng kapangyarihan ko sina Sky at Airea. Natawa ako sa mga nangyari dahil wala man lang kahirap hirap na paslangin ang mga ito. Binalak ko na sanang bumalik sa kaharian para ibalita kay ama ang nangyari dito ngunit bigla akong may naramdamang kakaibang aura. Paglingon ko isang DRAGON BREATH. Medyo nagulat ako dahil papaanong mayroong elemental fire caster dito? Agad kung naalala ang Propesiya. Walang kwenta pala itong propesiyang ito. Hinigop ko lang ang kanyang pinakawalang kapangyarihan.
"Hahaha, ikaw ba ang sinasabing THE PROPHECY? nakakagulat naman ngunit ang hina mo naman pala.Ano to? Nagpapatawa ka ba sa atake mo? Hahahahaha!" Tawang sabi ko. "Pano ba yan at wala na mga magulang mo?" pahabol na sabi ko para mas lalong magalit at matakot narin.
Nainis ako dahil tumawa rin ito. Baliw rin pala ito eh. Sabi ng isip ko.
"Hoy pangit, anong sinasabi mong patay? Tignan mo nga inataki mo" Panlalait nito. Pangit pala, mas hamak naman na gwapo ako sa kanya. Binaliwala ko nalang panlalait nito. Nilingon ko ang sinasabi nya...
"Papaanong? Talagang ikaw nga ang Propesiya. Tanging sya lamang ang makakagawa ng ganyang kalakas na BARRIER." sabi dahil nakita ko ang isang barrier na tanging ang sinasabing mga propesiya lamang ang makakagawa. Ngunit hindi nila alam na may kakayahan na kaming sirain ang mga ganitong klasing barrier. Napangiti nalang ako. Agad syang nagsalita at nagtanong pa sa akin. Hindi ko sinagot pa dahil gusto ko naring patayin ang mga ito para wala ng balakid pa sa aming pagsakop.
Inataki ko sya ng aking kapangyarihan na kayang habulin ang gustong patamaan nito. Isang apoy na kulay blue ang pinakawalan ko sa sinasabing propesiya.
"Haaaaah!!!" Pagpapakawala ko sa BLĀOFLAMMA CAPTARE (blāo-old german blue, flamma-from Latin flammula, diminutive of flamma flame, from Vulgar Latin *captiare, alteration of Latin captare to chase.)
Natawa ako sa nakita ko dahil wala palang binatbat ang propesiyang ito. "HahahHa!" Pagtawa ko dahil sa tumama ang pinakawalan kong kapangyarihan. Pagkapawi ng usok na nanggagaling sa pagsabog ay nagulat ako. Isa nanamang barrier. Nakita kong gimagawa ng pwersa ng kapangyarihan si AIREA. May natitira pa palang lakas sa kanya. Naramdaman kong napakalakas ng ginagawa nya at itinutok nito sa akin.
AIREA POV
Hindi na tama ang mga nangyayari. Kaya ginawa ko na ang lahat sa isang ataki na alam ko hindi na nya matatakasan. Alam ko kung ano ang mangyayari sa akin ngunit kailangan ko ng gawin ito maprotektahan lang mga anak ko.
"By the power....given to me....by the god and godesses... Give me light... To vanish darkness..." Hina kong pagsambit. Isang liwanag na puno ang nabuo sa aking mga kamay at ibinato ko agad sa anak ng hari ng FIUR. "HAAAAAA!" pagkatapos nito ay nawalan na ako ng ulirat.
SKY POV
Hindi ito maaari. Ibinuhas na lahat ni Airea ang natitira nyang kapangyarihan. Wala na rin akong magawa dahil sa panghihina. Sa pagtama ng liwanag kay Red na nanggaling kay Airea ay alam ko na ang kahihinatnan. Sinubukan kong pagalingin ang sarili ko ngunit dahil sa natamo kong mga atake ay wala akong nagawa bagkos ay nandilim na ang aking paningin.
KENT POV
Prenotektahan ako ni mama sa atake ng lalaking kinakalaban namin at nagpakawala sya ng isang hindi ko malamang kapangyarihan. pagpawi ng liwanag ay sabay ng pagkawala ng barrier sa akin. At wala ng bakas ng mga kalaban sa aming harapan. Hindi ko alam kung patay na sila o hindi pa. Hindi ko na inisip kung andito pa ba sila bagkos ay nilapitan ko na agad sina mama at papa. At lumabas na kami sa kwartong pinanggalingan namin.
... to be continue...
__________________________________
to readers pls comment po tungkol sa story if ok o hindi... or kahit ano i susuggest for the improvement po...
thnx so much. hope somebody will you know... hehehe...
lovemuch...
firsttimer lang po ako... hehehe
BINABASA MO ANG
THE PROPHECY
Fantasystory ng magkapatid na kambal na sa una walang alam sa buong pagkatao at nasubok ng kapalaran upang malaman lamang ang katotohanan. hope may sumuporta... hehehe... first timer po ako sa mga story making kaya please understand the flow nalang po hehe...