IKALAWANG KABANATA (The truth about me and The Prophecy)

36 1 0
                                    

KENT POV

Busy ako sa pagsasabon habang naliligo at pakanta kanta dahil sa sayang nararamdaman ko. Narinig kong may pumasok sa kwarto at alam ko kung sino ito. Malamang si Ken nanaman yun. Bigla bigla parati tong kapatid ko na pumasok sa kwarto na wala man lang katok katok. Pasaway talaga.

"Kuya!" Tawag nya sakin. "Asaan ka?"

"Dito ako sa CR naliligo, bakit?" Balik kong sigaw.

"Gusto lang kitang kumustahin about kanina. Hehe! Anong nangyari? Ano ginawa nyo? Bat nagtagal kayo pumasok? Ano pinag usapan nyo? at bakit di mo ako hinintay kanina pag uwi?" Sunod sunod na tanong nya.

"Wala!" Tipid kung sagot ngunit inaalala parin ang nangyari kanina.

"Tipid mo naman sumagot, imposible na wala, kasi tagal nyo kaya sa field. Pero di bali na, di na ko makikialam, ngunit isang tanong isang sagot na lang, nagkakamabutihan na ba kayo? Hehe:-)"

"Ikaw talaga kahit ano nasa isip mo, ngayon palang kami nagkakilala ok? Kaya wag ka mag isip ng kung anu-ano" ngiti kong sagot.

Narinigi kung nagsasalita pa kapatid ko ngunit binabaliwala ko na lang sya. Dami kasi pinagtatanong. Dami sinasabi nang kung anu-ano. Ngunit hindi parin nawawala sa isipan ko ang nangyari. Hahaha. Sa subrang pag eenjoy, parang may naramdaman ako na lumulutan. Iwan kung guni-guni ko lang. Hindi ko nalang pinansin ito. Nakangiti parin ako habang nagsashampoo hanggang sa napunoo na ng shampoo ang ulo ko at nalagyan pa ang mata ko ng bulâ kaya wala akong makita. Kinapa ko ang tabo kung nasaan ngunit hito nanaman at may naramdaman ako. Pagkuha ko sa tabo ibinuhos ko agad yung tubig sa ulo ko at pagmulat ng mga mata ko napanganga ako sa nakita ko...

"Pa-papaanong? Ibig sabihin totoo talaga ang nangyari noon? Woooh!" Mangha kong sabi nalang.

Medyo hindi na ako natakot sa nakita ko dahil naalala ko noong 8 taong gulang palang ako. At nalaman ko na totoo pala ang nagyari.

FLASHBACK

Nasa bahay ako ngayon naglalaro ng bola. Parang may narinig ako sa labas na nag aaway. Narinig ko yung boses ng kapatid ko na umiiyak. Napatakbo ako bigla palabas at nakita ko na sinasaktan yung kapatid ko ng 3 kalalakihan. Sa subrang galit sinugod ko agad yung nanakit. Ngunit masyado silang madami kaya nasuntok parin ako. Bumagsak ako dahil natamaan ako sa ulo. Biglang nag init yung ulo ko at di inaasahan na inaataki sila ng tumig. Naramdaman ko na ang isip ko ang kumukontrol nito ngunit hindi ko mapigilan.

Gamit ang tubig, parang latigo itong umataki sa nanakit ng kapatid ko. Lahat sila bumagsak at pagkakataon na yun dumating ang mga magulang namin at bigla na rin akong nahimatay.

Nagising ako na nasa kwarto namin. At mukha agad ng mama ko ang nakita ko.

"Anak ok ka lang ba?" Tanong agad ng mama ko.

"Opo ma parang masakit lang yung ulo ko." Saad ko sa kanya.

"Mukhang may lagnat ka kasi anak kaya baka sumasakit ulo mo. Magpahinga ka lang dyan at kukuhaan kita ng gamot" sabay alis at nandoon din pala si papa at bigla syang kinausap ni mama.

"Mabuti at natanggal ko sa kanyang alaala ang nangyari" sabi ni mama na sapat naman na marinig ko ang sabi nya at sabay na silang lumabas.

Biglang may naalala ako. Napatawa nalang ako dahil kanina raw ay nanaginip ako na nakokontrol ko daw ang tubig. Sinasaktan kasi kambal ko kaya sa subrang galit ayon nagamit ko ang tubig. Bigla naman bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok si mama para painumin ako ng gamot. Ikinwento ko sa kanya ang panaginip ko ngunit hindi ko maintindihan ang reaksyon ni mama. Pinagpahinga na lamang nya ako ulit pagkatapos kong magkwento at lumabas syang muli.

THE PROPHECYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon