AUTHOR's POV
...at biglang....
"Jhean tama na yan" sabi ng isang matanda sa babaeng may kuryenting kapangyarihan.
"Sabi ko na nga ba tanda pupunta kayo eh para sunduin sila" saad ni jhean na nakangisi.
Napaharap na din ang kambal sa nagsalita at pumigil sa pag ataki. Ngunit wala paring planong naiisip si Kent para makatakas sa mga dumating. Bagkos ay humanda na lamang sya ulit sa kung sakali mang may mangyaring bakbakan.
"Master" sabay sabay ang tatlong kasamahan ni jhean na nagbow sa kararating na matanda.
"At no ang ginagawa mo sa itinakda? Bakit mo sila inaataki?"
"Wag kang mag alala, wala naman akong balak na patayin sila sinusubukan ko lamang kung gano kalakas ang Propesiya" Sabay harap kay Kent na takang taka sa ngayon.
"Sino ba kayo? At ano ang sinasabi nyong susunduin nyo kami? "Hindi kami sasama sa inyo." Si Kent.
"Wag kayong mag alala. Ligtas kayo sa lugar na pupuntahan natin at doon kayo nabibilang." Sabat ng isang babae na kasamahan ni Jhean.
"At pano kami makakasigurado na ligtas kami? e hindi ko nga alam kung ano kayong klasing nilalang eh! At kanikanina nga lang ay muntikan pa kaming mamatay dahil sa babaeng yan" Galit na tugon ni Ken sabay turo harap kay Jhean. "Kung ligtas kamindoon eh mukhang hindi nga dahil dito palang ay katapusan na namin sana" dugtong pa nito.
"Wag kang mag alala Ken, Malalaman mo din sa takdang panahon Ken ang lahat-lahat at Kent kailangan natin magamot ang magulang nyo dahil hinang hina pa sila." Sabi ng matanda.
"Pano nyo nalaman pangalan namin eh hindi pa naman kami nagpapakilala? " takang tanong ni Kent
"Master Shido, kailangan na po natin umalis. Paparating na po sila" siryusong sabi ng isang lalaki na kasamahan ni Jhean.
"Alam ko Edward."
Sa oras na iyon ay may ginawa ang matandang nagngangalang Shido na ipinagtaka lalo ni Kent. Hindi maipinta ang reaksyong mayroon si Kent habang kaharap ang matanda. Tiningnan nya ang kanyang mga magulang at si Ken. Ngayon ay nakapag disesyon na sya. At alam nya na tama ang lahat ng ito.
"Ken, 'wag kang mag alala, mababait na nilalang sila. Tutulungan nila tayong maibalik sina mama. Ang kailangan lang nating gawin ay ang magtiwala. At alam ko ang ginagawa ko kaya sumunod na lang tayo sa kanila." Mahabang litanya ni Kent sa kapatid.
"Anong sinasabi mong mababait e kani-kanina lang ay muntikan na tayong patayin ng babaeng yan eh" sabay turo kay Jhean. "At isa pa, pano ako magtitiwala e, sarili ko ngang kapatid ay hindi ko alam kung ikaw nga ba yun. Hindi ko nga alam kung sino pa ang paniniwalaan ko." Dugtong pa nito. "Dahil ang tanging...." Putol na sabi nito dahil bigla syang nahimatay.
"Pasensya na ha, masyadong madaldal eh. Baka abutan tayo ng mga yun at hindi mamapasaatin ang itinakda pa. Baka makuha pa nila ito. Kaya kailangan na nating magmadali." Seryusong sabi ni Jhean. Napailing nalang ang mga kasamahan nya sa ginawa at naghanda na sa paglisan.
"Maghanda na kayong lahat sa pagbabalik..."
Ilang sigundo lang ay nakarating na sila sa lugar na pinagdalhan ng mga kasama ni Kent gamit ang isang portal.
KEN POV
"Ohhm. Aray sakit ng batok ko! Hah? Asan ako!" Takang sabi ko. Sinusuri ko ang kwartong kinaroroonan ko dahil hindi ito pamilyar ngunit mukhang hindi naman ito kulungan kung sakali mang ikinulong kami ng mga kumuha samin. Iniisip ko din kung saan na kaya ang mga magulang ko at ang kapatid ko ng biglang may narinig ako sa labas ng kakinaroroonan ko.
"Wahahahaha! Wala na silang magagawa dahil nasa atin na ang hinahanap nila! Hahahaha!" Tawang narinig ko mula sa labas ng kinaroroonan kong silid. Nakilala ko ang boses at sigurado akong ang pangalan nito ay si Jhean batay narin sa narinig ko noong nasa bahay palang kami. Lumapit ako kung saan naroroon ang boses. Alam kung may mali sa mga dito sa mga sinabi nya.
"Wag ka ngang maingay baka marinig ka nila!" sabi pa ng isang boaes na hindi ko kilala.
"Wag kang mag alala dahil...." Naputol na sabi ni Jhean dahil bigla akong lumabas at hinarap sila.
"Anong sinasabi nyong wala na silang magagawa? Anong nasa inyo? Kami ba ang tinutukoy nyo? Siguro mga masasamang tao kayo no? At bakit ako naririto?" Sunod sunod na tanong ko at sa oras na ito ay may daladala akong stick para kung sakaling may gawin sila sa akin ay madepensahan ko ang sarili ko. May alam din naman akong pano depensahan ang sarili ko dahil mayroon kaming subject sa 3rd year na Arnes. Nakita ko sa mga expression nila ang pagkagulat kaya nasisigurado kung may itinatago silang hindi namin alam nga pamilya ko.
At kailangan kong alamin ang lahat ng ito...
...to be continue...
______________________________________
Author's Note:
ano kaya ang matutuklasan nya? nasa tamang lugar kaya sila?
hmmm... pati ako hindi ko alam pa ha... hahaha... joke...
abangan nalang po natin ang susunod
And pls comment po if may mga gustong suggestion for the improvement of the story and not only the story and also to me na din... hehehe...
thanks po...
BINABASA MO ANG
THE PROPHECY
Fantasystory ng magkapatid na kambal na sa una walang alam sa buong pagkatao at nasubok ng kapalaran upang malaman lamang ang katotohanan. hope may sumuporta... hehehe... first timer po ako sa mga story making kaya please understand the flow nalang po hehe...