IKAANIM NA KABANATA (The 4 Guards)

21 0 0
                                    

AUTHOR's POV

Gulong gulo parin si Ken sa mga nangyayari. Ipinagtapat man sa kanya ng kapatid ang mga nakita na ngunit hindi parin sya makapaniwala. Hanggang sa isang hindi nanamang inaasahang bagay ang mangyayari. Isang portal nanaman ang lumabas malapit sa kanilang kinaroroonan. Inilabas nito ang 2 babae at 2 lalaki.

Dahil sa biglaang paglabas ng isang portal, agad gumawa ito ng isang Barrier upang protektahan ang magulang at ang kapatid. Nagposesyon itong handang makipaglaban na ano mang oras na umataki ang 4 na inilabas ng portal.

KENT POV

Nasa kalagitnaan ako ngayon sa pagbabantay kila mama at papa dahil sa nanghihina parin sila. Nagamot ko man sila ng panandalian ay hindi parin ako sigurado kung sapat na ba ito dahil bigla din sila ulit nawalan ng malay. At hanggang ngayon ay alam kong naguguluhan parin ang kakambal ko. Hinayaan ko na muna syang lasapin at intindihin ang lahat ng natuklasan nya at sinabi ko.

Papatayo sana ako upang mag isip ng susunod na gagawin dahil baka ay bumalik yung mga umataki sa amin ay bigla na namang may isang portal na lumabas. "Anak ng tilapya! Hindi pa nga ako nakapag iisip kung ano gagawin at ito nanaman sila?" Nasabi ko sa aking isipan. Agad akong gumawa ng isang Barrier upang maprotektahan ang pamilya ko. Ginawa ko ulit ang isang Barrier na ibinulong sa akin na kung sino man, ang WATER BUBBLE ADAMAS.

"Kent, ano nanaman ba iyang lumalabas? Naguguluhan na talaga ako!" Galit na sabi ng kapatid ko.

Pagtinawag ako sa pangalan ng kapatid ko ay subra na talaga ang galit nyan sa akin ngunit hinayaan ko na lamang muna sya at naghanda ako sa pakikipaglaban kung sino man ang lalabas at aataki sa amin. Iniluwa ng portal na ito ang 2 babae at 2 lalaki na sa tingin ko ay malalakas din.

"Kent wag kang aalis dyan sa kinatatayuan mo, wag kang mag alala. Protektado tayo ngayon ng kapangyarihan ko. Naririto nanaman ang mga kalabang umataki sa amin kanina kaya nagkaganito sina mama at papa." Mahabang sabi ko sa kanya. At mabuti naman at nakinig ito dahil sa takot din siguro.

GIRL 1 POV

"Hmmm, ikaw ba ang sinasabing Prophecy? Not bad at all" ngisi kong sabi. Mukhang may ibinatbat naman sya ngayon kahit papoano sa tingin ko. Dahil nga nakagawa sya ng barrier ngayon na tanging malalakas na porsyento ng kapangyarihan ang kakailanganin.

Bumulong naman sakin ang kasamahan kong babae at pagkatapos ay tiningnan ko silang tatlo (3) ng nakangisi sabay sabing "akong ang bahala dito, maghintay lang muna kayo at 'wag na 'wag kayong makikialam kung ayaw nyong masaktan din.

Isang malakas na uri ng kapangyarihan ko ang ibinato ko sa barrier nya which is the power of lightning at sapat naman na takutin sila at natakot nga. "Sino ba kayo talaga? Ano kailangan nyo sa amin?" (KEN) Sigaw ng nasa likoran ng sinasabi kong propesiya. Hmmm. Mukhang walang alam pa ito ha. Umataki naman ang isa sa akin NGUNIT sinangga ko lang ito gamit ang kamay ko ang Apoy na ginamit nya. Kulang pa pala lakas nito. Lumapit pa ko sa kanya at panay sya ataki ngunit wala lang sakin hanggang sa andoodn na ako sa barrier at hinawakan ito at biglang nawala. Napangiti ako sa mukhang nakikita ko sa gumamit ng barrier.

KENT POV

wala na talaga kaming pag asa. Subrang napakalakas ng mga nasa harapan namin ngayon at ramdam ko ito sa kanilang apat. Ngunit itong lumapit sa amin at hinigop ang barrier na ginamit ko ang pinikamalakas sa kanila. Napaupo na lang ako sa kawalan ng pag asa. At tanging nasa isip ko na lamang ay ang tanggapin ang pagkatalo.

Isang nagliliwanag na at naglalagablab na kuryenti ang biglang lumabasa sa kamay nya....

...."tama na yan!" isang boses na namutawi...

....to be continue...

___________________________

author's note:

sinsya sa kung may mali kasi sa tab lang ako gumawa please understand nalang and comment please and if ok lang din please vote nadin ... hehehe

may edited po dito pala. may part ako na tinanggal kasi di pa pala dapat dito un.. hehe cnsya po...

pls comment po kung may gusto kayo iparating sakin... hehe :-)

THE PROPHECYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon