IKALIMANG KABANATA (THE REVELATION ABOUT THE POWER)

20 0 0
                                    

KEN POV

Dito ako sa kwarto ni kuya ngayon at kinakausap ko sya. Lumipas mga minuto hindi ko maipaliwanag ngunit parang kinakabahan ako. Parang may nararamdaman akong hindi ko maipaliwanag. Hindi ko mawari kong ano ito. Parang napakalakas. Iwan.

"Kuya kent, lalabas lang muna ako. Parang ang sama ng pakiramdam ko eh." Paalam ko sa kanya at lumabas na ako.

Bawat hakbang ko sa hagdan pababa, (hanggang 2nd floor pala bahay namin ha. Hehe) palakas ng palakas ang nararamdaman ko na hindi ko parin maipaliwanag. Kasabay din nito ang napakalakas ng tibok ng puso ko. Parang kinakabahan talaga ako! Nasa sala na ako ngayon at tinawag ko sana sila mama ngunit parang biglang nawala sila dito. Naisip ako baka lumabas lang.

Kalaunan nagulat ako sa mga nakita ko. Si mama at papa, walang malay. Buhat buhat ng....

Ano to? papaanong andito si kuya Kent? Eh naandoon sya sa kwarto niya. Lumingon ako sa taas at nandoon na din ang isa pang Kent? Anong nagyayari? Bakit ang daming Kent? (Dalawang Kent ang kumakarga sa mag-asawa)

"Sino kayo? Sino ang totoo kung kakambal? Bakit tatlo kayo?" Gulong gulo na sunod sunod na tanong ko.

"Ken mamaya ko na sasagutin mga tanong mo. Ang importante, tulungan mo ako dito kina mama." Sagot nito.

Hindi ko na inisip pa kung sino mga kaharap ko ngayon bagkos ay tinulungan ko nalang muna na ilagay panandalian sa sofa ang mga magulang ko.

"Anong nangyari kina mama? Bakit ang daming nilang sugat? At bakit....?" Hindi ko na natuloy sinasabi ko dahil ang tatlong Kent ay sumapi sa iisang Kent at nawala na ang dalawa pang Kent. Hindi ko na alam ang mga nangyayari dito? Panaginip lang ba ang mga ito? Baka nga. Sinampal ko sarili ko baka panaginip nga lang at baka pagmulat ko ay gising na ako. Ngunit wala paring nangyari.

Nakita ko nalang ang kambal ko na lumapit kay papa at parang may ginagawa sya gamit ang tubig na nakapalibot sa mga kamay nya.

Napatayo na lamang ako sa di malaman ang gagawin! Nakita ko na naghihilom ang kanyang mga sugat at unti unting nawawala. Kalaunan doon naman sya kay mama. "Anong bang nangyayari dito? Ikaw ba talaga yan kuya Kent? Bakit nagkaganyan sina mama at papa?" Napapaluha kong saad. At nakita ko unti unti gumagaling ang mga duguang katawan ng mama.

AUTHOR's POV

Lumipas ang mga minuto at naging maayos nadin ang mag asawa sa tulong ng panggagamot ni Kent gamit ang tubig. Sa kabilang dako naman ay gulong gulo parin si Ken sa Mga nangyayari. Noong natapos na ang kanyang kapatid sa panggagamot sa kanilang magulang ay agad nya itong tinanung kung ano nga ba ang mga nangyayari. At bakit nagkaganoon ang magulang nila, at madami pang katanungan na nasa kanyang isipan ang gustong masagot.

Sa una, ayaw sanang sabihin pa ni Kent sa kakambal nya ang mga nalalaman nya. Gusto sana nyang ang magulang nila ang sumagot nito ngunit wala din syang nagawa sa pangungulit ni Ken. Sinabi nya ang mga nalalaman nya lahat.

Hanggang sa isang portal nanaman ang biglang lumabas ng hindi inaasahan at inilabas ang apat na tao... Hindi alam ni Kent ang gagawin dahil alam nyang wala syang laban pa sa mga ito kung sakali mang atakihin sila ng dirikta...

May magagawa kaya siya at kaya nya kayang protektahan ang pamilya nya sa sitwasyon nya ngayon?

.... to be continue....

______________________________

pls comment po mga readers... hehehe...

good or bad comment will be accepted...

THE PROPHECYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon