Siopao 2

621 29 6
                                    

Papa-out na ako dahil magga-gabi na rin naman. Nauna nang umuwi sa'kin si Bomi dahil may family gathering daw sila. Uuwi tuloy akong mag-isa.

Paglabas na paglabas ko ng restaurant, nakita ko si Minseok na nakaupo sa may gilid, naka-facepalm lang at halatang problemado. Napahinto ako sa paglalakad. Nung una nga, akala ko holdaper eh.

"U-uy sir. Ano pong ginagawa n'yo d'yan? Gabi na po ah." sabi ko kaya naman napalingon s'ya sakin. Halata ko ang lungkot sa mga mata nyang singkit kahit na hindi pa s'ya umiyak.

"Wala naman, nagmumuni-muni lang. Hm, tara." hinatak nya na lang ako bigla at jdsjdkjfkhdfjdsf~ Kinikilig po ako! 

Isinakay n'ya ako sa motor na dala nya. 

"Majesty, kumapit ka." bago nya ini-start ang motor n'ya, kinuha nya ang mga kamay ko at ikinapit iyon sa bewang nya. aadasafsfgdfhghfjghjjdhsjf. Ano ba Minseok! Bakit kahit kinikilig ako, hindi ako makatili o makasigaw! HUHU. Feeling ko sasabog na ang ovaries ko dahil sa sobrang kilig pero mamaya na puhleaaase? 

"Anong ginagawa natin dito?" kahit kinikilig ako, natatakot pa rin ako syempre. Baka mamaya, gahasain ako nito. Pero jusko jugigo! Bata pa po ako, madami pa akong pangarap sa buhay!

Bumaba kami sa may eskinita matapos nyang i-chanyeolpark yung motor nya sa kung saan. Pagpasok namin ng eskinitang yun, m-may...

ICE CREAM PARLOR. O_O Seryoso, favorite ko ang ice cream. Ngayon ko lang din na-discover 'tong ice cream parlor na 'to ah! 

"Favorite mo ang ice cream diba?" sabi nya bigla noong pinagbuksan nya ako ng pinto papasok nung ice cream parlor. 

"Paano mo naman nalaman?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Hm, dahil kay Bomi. Hahaha. Actually, pinagplanuhan namin 'to. Hindi talaga 'yun pupunta ng family gathering. Nagpatiuna lang yun umuwi para hindi kayo sabay." di na ako nakasagot dun sa sinabi nya. Ano pa bang sasabihin ko eh naipaliwanag na nya? Saka... speechless ako noh! Hindi ko naman akalain na gagawin ni Minseok 'to.

Umorder na s'ya ng ice cream, treat nya daw eh. Pagbalik pa lang nya dala yung ice cream namin saka ako naka-compose ng topic sa utak ko.

"Sir Minseok, may itatanong po ako sa inyo."

"Minseok na lang o kaya Xiu. Masyado ka namang formal." he giggled.

"Okay Sir--- I mean, Xiu. Yan na lang itatawag ko sa'yo ah?"

"Oo, sure Majesty. Ano na yung tanong mo?"

"Bakit n'yo po ito ginagawa? I mean, curious lang..." 

"Wala, to know you more kasi sa lahat ng crew ng restaurant nyo, ikaw lang ang hindi pumapansin sa'kin." sabi nya tapos medyo tumawa pa sya. Ang cute mo naman Xiu, napaka-masayahin. 

"Ah. Okay po. Eh uhm, Xiu!" tawag ko muli habang kumakain sya. Bastos eh. Sorry. Hahaha. Kaya naman nagtaas lang sya ng dalawang kilay bilang respond.

"Bakit sa tingin mo naka-aircon 'tong ice cream parlor?" tanong ko sa kanya. Ang nonsense po diba? Diba? HAHAHA!

"Bakit?" 

"Para hindi malusaw kaagad yung ice cream tuwing mainit yung panahon? HAHAHA." Hindi ko alam kung dahil ba sa boom panes kong joke kaya s'ya tumatawa pero basta, tawa rin sya ng tawa.

"Ang cute mo Majesty, nakakatuwa ka!" ah, so ako yung nakakatawa, hindi yung joke ko? 

Hindi na kami masyadong nagtagal dahil nga gabi na. Hinatid nya rin ako pauwi para daw safe ako. Naisip ko nga, grabe talaga, napaka-thoughful nitong lalaki na 'to. 

Pero nako, yari talaga sa'kin si Bomi bukas! 

--

Simula noong gabi na 'yun, madalas na kaming nagbabatian ni Xiu sa restaurant tuwing bibili sya ng baozi. Inaasar ko nga s'ya na mukha s'yang baozi. Paano naman kasi ang taba taba ng cheeks nya! Ang sarap sarap pisilin. 

Hindi lang kami nagbabatian. Basta close kami, 'wag kayong kumontra. Pero hindi naman dahil close kami, libre na s'ya dito. Aba hindi naman pwede yun. Baka mamaya, ako pa masisante. Sige ka Xiu, hindi na tayo magkikita kapag nangyari yun!

"Maaaaaj!" tawag ni Xiu pagkapasok na pagkapaok nya ng restaurant tapos nag-lean sya sa may counter. Ayos talaga 'to dahil walang amsyadong customer kapag dumadating sya.

"Ano na naman Xiu? Ligalig mo ah." sabi ko nang natatawa-tawa.

"Ahm, mamaya ah! Punta ka sa ice cream parlor, pagka-out mo. May sasabihin ako sa'yo. :) Dalawa ngang baozi please. Take out nalang."  napa-okay na lang ako dahil hindi ko naman matatangggihan itong taong ito. Matapos namin mag-usap saglit, ikinuha ko na sya ng baozi at ibinalot tapos nagpaalam na sya paalis.

-

Pagka-out na pagka-out ko, hindi na sumabay sa'kin si Bomi dahil alam nyang dadaanan ko pa sa ice cream parlor si Xiu. Nadatnan ko naman si Xiu doon sa labas ng ice cream parlor na tila nag-aantay sa'kin. Mukha syang... masaya. Kaya naman napangiti ako at nilapitan ko kaagad sya.

"Xiu! Blooming ka ah!" bati ko sa kanya.

"Majesty! Tara dali, libre mo ako!" Ayos 'to ah. Sya nag-aya, ako manlilibre? Nice one pre.

Hinatak nya ako papasok sa ice cream parlor kaya naman go with the flow na lang ako at dahil madalas naman nya ako ilibre dito, sya naman ang nilibre ko ngayon.

"Maj, may itatanong ako sa'yo." sabi nya habang nilalamon ang banana split nya.

"Ano 'yun, Xiu?" respond ko. Tinignan muna nya ako ng deretso sa mata. DUBDUB. Langya yung puso at utak ko, pumaparty party! 

"Paano ba manligaw ng babae?" 

Frozen Baozi (Xiumin FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon