Hawak ni Mayang ang cellphone nya at namimili sya ng patutugtugin nyang music sa school supplies and gift shop na pag-aari nila ng kanyang Nanay. Dalawang taon na rin mula nang umuwi sya sa kanila at nakipagbati sa ina.
Natapos ang madilim na yugto sa kanyang buhay at ngayon ay unti-unti nyang pinupulot ang mga piraso ng dati nyang buhay at isinasaayos na ito.
Matapos makipagayos sa ina ay sinubukan agad ni Mayang maghanap ng maayos na pagkakakitaan. Kumuha ang Nanay nya ng maliit na pwesto sa palengke at sya naman ay namasukan bilang sales lady sa isang department store.
Kasabay nito, nanghiram sya ng mga libro sa mga kasamahan sa trabaho na nag-aaral o nakapag-aral ng kolehiyo.Nagtanong tanong kung paano makakapagtapos ng pag-aaral.
Nakahanap sya ng isang organization na nagbibigay ng scholarship sa mga nagnanais na makabalik sa pag-aaral. Pinakuha sya ng exam para sa scholarship at naipasa naman nya ito. Maraming kurso syang pinagpilian ngunit tila ba may humihila sa kanya sa pag-aaral ng Special Education.
Naipasa ni Mayang ang admission exam at ang scholarship exam kaya naman nakahabol pa sya sa pasukan. Ngayon ay nasa ikalawang taon na sya ng kolehiyo. Wala syang pasok sa hapon kaya naman sya muna ang tumao sa kanilang tindahan habang may binibili ang kanyang Nanay.
Maya-maya ay may pumasok sa tindahan.
"Magandang umaga! Tuloy po kayo!" Masayang bati ni Mayang.
Sino nga ba ito? Ang gwapo! Ang puti pa! Nakita ko na 'to dati eh.
"Magandang umaga po!" She was a bit surprised to hear that excited voice from a grown man.
Ang ganda nya naman. Ang ganda ganda nya.
"Hi! Anong hinahanap mo?" Bilang Special Education ang kurso nya, alam nya nang sa tono ng boses ng kausap ay isa itong special child. Kaya magiliw na tono ang ginamit nito.
Ang lambing pa ng boses nya. Naku, kinakausap nya ko! Sabi ni Kuya kapag may kumakausap sa akin, dapat akong sumagot ng maayos. Ano nga bang hinahanap ko?
"Ahh. Bertdey kasi ng Kuya Aldo ko. Nihahanapan ko siya ng gift. Nag-ipon ako kasi gusto ko sya bili ng gift eh. May gift kayo dito? Kasi nibasa ko, School Supplies and Gift Shop dito eh. Mabilis na kong magbasa eh."
Haaay. Mabilis na kong magbasa. Ang galing ko 'di ba, Ateng Maganda?
Ahehe ang cute ng bibiboy!!!!
"Naku, maraming pang gift dito. Ano bang hinahanap mong pang gift? May naiisip ka na ba?" Tanong niya. Naku, may dimple sya! Ang cute nya talaga. His brows furrowed. Halatang pinag-iisipan nito ng husto kung ano ang ireregalo niya sa Kuya Aldo nya.
Ano ba? Dapat makasagot ako ng dapat igift kay Kuya. Tinatanong ako ni Ateng Maganda. Pero ang dami namang tinda dito. Nahihirapan na 'ko!!!! Wag ka mag-cry. Bawal mag-cry. Nakakahiya kay Ateng Maganda.
"Mahehelp mo ba ako? Kasi nihihirapan na ko eh. Madamidami naman kayo nititinda. Nihihilo ko. Tapos di ko pa alam gusto ni Kuya na gift. Madamidami kasi yon gift sakin nung bertdey ko eh," the cute boy blabbered and she noticed that he's close to crying out of frustration.
"Oo naman, ihehelp kita. Ano bang hilig ni Kuya mo?"
Ihehelp nya ko! Grabe. Si Ateng Maganda na may magandang eyes, ihe-help nya ko hanapan ng gift si Kuya.
"Mahilig si Kuya mag drawing. Tapos favorite nyang idrawing yung ay--ayf-- ano nga ba yon??? Basta yung mataas yun eh. Sabi ni Kuya sa malayong malayong lugar daw yon. Yung tower? Ayun, tower. aymen tower?"
"Hahahahahaha! Eiffel Tower yon."
"Ayun! Eiffel Tower!"
Ano ba yan, Eiffel Tower pala yon.
So she helped him look for the perfect birthday gift for his Kuya.
Bakit ang bilis naman naming nakahanap ng gift? Tapos na tuloy akong kausapin ni Ateng Maganda. Ano kayang pangalan nya? Paano ko kaya malalaman ang name nya? Ahhh! Magpapakilala na lang ako...
"Hi! Ako si Franco."
"Mayang."
"Mayang? Tenkyu Mayang!!! Tenkyu madamidami!!!"
And then he ran to her and kissed her on her cheek. He already stormed out of the shop before she could react.
Hala! Kiniss ko sya sa! Nakakahiya!!
Ang cute. Hahaha haay Franco. Minsan minsan lang magka-cute na customer, di mo pa pwedeng maging babe. Hahaha baby boy cute cute. Tsaka saan ko nga ba ulit sya nakita? Nagkita na kami nito dati eh.
----------------------------------------------------------
A/N: Hi guys! If you've read this story sa kabilang book, you'll recognize this part pero I tweaked it. To clarify things. Tsaka if you noticed, nilagyan ko na ng POV si Franco. It's interesting din kasi to know kung anong tumatakbo sa isip ni Franco. Disclaimer, though, is that I don't know kung paano tumakbo ang isip ng isang person with autism/aspergers. So go easy on me please hahahaha
Again, leave comments po. I just want to know what you think about this. Thank you so much! Much Love!
Tweet me: @FayeTolosa ♥
YOU ARE READING
ichi-go ichi-e
FanfictionOne time, one meeting Can one meeting of two people with colorful pasts translate into a once in a lifetime love story? Franco, diagnosed with autism, meets Mayang, a former cutpurse. They will form a friendship that may lead to something more... Di...