Warning: sabaw content 😭 you've been warned.
--------------------------
Hi po! Ako muna po ang magkukwento sa inyo ha!
Alam nyo po ba, nung last week, may good news ako kila Kuya Aldo, Tyang at Mayang! Nakapasa na kasi ako sa test na bigay ni Teacher sakin!
Ibig sabihin, ililipat na ko ni Teacher ko sa fourth year. Ibig sabihin, maggagarduate na ko. Sorry. Maggagraduate pala. Hehehe. Yon.
Ibig sabihin sa susunod na pasukan, college na ko. Ibig sabihin, mabig boy na talaga ko. Di na ko baby boy.
Pero secret lang natin ha? Si Mayang, Baby Boy ang tawag nya sa'kin. Pero siguro ok lang yon. Kasi niaalagaan nya naman ako. Kaya okay lang na Baby Boy nya ko. Basta ako lang ang Baby Boy nya.
Kaya sa susunod na Lunes, papasok na ko sa bago kong mga klasmeyt. Nikakabahan ba ko? Medyo. Konti. Pero sabi naman ni Mayang kaya ko daw yon. Naniniwala ako kay Mayang.
Isa pa, nag promise naman sa'kin si Mayang na ihehelp nya ko kapag mahirap na yung niaaral ko sa school.
Pero mas nagpromise ako na mas gagalingan ko pa sa school. Para makahanap ako ng school ko sa college tapos maiischolar din ako kagaya ni Mayang.
Alam nyo ba yon? Scholar si Mayang. Sabi ni Kuya yung mga matatalino at masisipag daw nagiging scholar. Kaya sisipagan ko din para maischolar ako.
Sabi ni Mayang, ipapakilala nya daw ako dun sa nagbigay sa kanya ng scholarship. Baka daw bigyan din ako ng scholarship.
Nandito ako sa bahay nila Mayang ngayon. Wait ko sya kasi usapan namin ihehelp ko sya mag drawing para sa project nya sa school. Kaso usapan namin, nandito na ko ng 2:00. Kapag yung small hand nasa tapat ng 2 tapos ung big hand nasa tapat ng 12.
Nasa 6 pa lang ung long hand nandito na ko. Nasa 6 na ulit ung long hand. Nasa 3 yung short hand. Wala pa rin si Mayang.
"Tita?"
"Ui, Franco, pasensya na at tinapos ko ang pagsasampay. Nako, wala pa ba si Mayang?"
"Wala pa po eh."
"Sige, tatawagan ko ha."
Pumasok si Tita sa kwarto nya tapos paglabas, hawak nya na ung cellphone nya.
"Hello, Nak? Hello? Opo. Nanay po ito ni Marian. Bakit nasa inyo ang cellphone ng anak ko?"
Hala. Sino yung kausap ni Tita? May nangyari ba kay Mayang?
"Opo. Saan po? Sige po. Pupuntahan ko po. Salamat po. Mga 15 minutes po andyan na ko. Salamat ser. Oho. Salamat."
"Tita?"
"Franco, nako, wala kang kasama. Sumama ka muna sa'kin tsaka ko na lang tatawagan ang Kuya mo. Si Mayang."
"Tita? Anong nangyayari po? Nasan po si Mayang?"
"Ano. Kasi nasa ospital daw sya. Bilisan na natin. Pupuntahan natin sya."
"Po? Anong nangyari?"
"Hindi ko pa alam, anak. Tara. Puntahan na natin."
Lord, please po, ingatan nyo po si Mayang. Please po? Sana po hindi sya nasasaktan ngayon.
Nakarating kami ni Tita sa ospital.
"Marian po. Marian Mendez?"
"Kaano-ano po kayo ng pasyente?"
"Nanay nya po ako."
"Nandito po sya. Dyan po sa may kurtina na green po. Number 7 po."
"Thank you, Nurse."
Naramdaman kong humigpit ang hawak sa akin ni Tita nung palapit na kami sa number 7. Parang nanghihina din yung tuhod ko.
Dahan dahang hinawi ni Tita yung kurtina. Nakita kong nakahiga sa Mayang, may nakabalot na puti paikot sa may noo nya. May sugat sya sa mukha, sa bandang labi nya.
Naiiyak ako pero naisip ko na magtanong sa doktor. Takot ako sa doktor pero parang mas natakot ako sa nangyayari kay Mayang.
"Dok? Ano...dok ano po yung...si Mayang po? Dok? Anong nangyari?"
Hindi ko masabi yung sasabihin ko. Hirap na hirap akong magisip at magsalita.
"Kayo po ang kaanak ni Marian Mendez?"
"Opo. Nanay nya po si Tita."
"Misis. Dinala ho dito kanina si Miss Mendez. Ayon sa nagdala sa kanya dito, patawid po sya sa labas ng school nila nang may nakamotor na humablot sa bag nya. Pero dahil hindi nya ko binitawan ang bag nya, nakaladkad sya ng motor. Malayo-layo din ang narating bago sumuko yung snatcher at binitiwan lang yung bag ni Marian. Nakatayo pa daw po sya pero hinimatay na matapos makatatlong hakbang."
"Dyos ko ang anak ko. Kumusta na po sya? Sino pong nagdala sa kanya dito?"
"Nagkataon ho na napadaan yung kapatid ng may-ari ng ospital nang mahimatay ang anak nyo. Sya ho ang naghatid sa kanya dito at wala na ho kayong aalalahanin sa bayarin dahil sagot na ho ng ospital ang lahat ng gastusin. Bilin lang ho nila eh wag palabasin ng hindi nakasisigurong maayos na maayos sya."
"Sino ho? Nasaan ho sya? Kailangan ko pong magpasalamat."
"Si Sir Thirdy Faulkerson po. Umalis din po sya agad dahil may flight pa po sya."
"Kumusta po si Mayang? Hindi pa po ba sya gigising?" Hindi ko na napigil magtanong.
"Nagising na ho sya kanina pero nakatulog po ulit dahil sa gamot."
"Bakit daw po pala inilibre sya ni Sir Thirdy?" Tanong ni Tita. Gusto ko din ngang malaman. Gwapo kaya ung mayaman na Thirdy na yon?!
"Hindi ko ho sigurado, Misis, pero hinala ko po ay dahil kamukhang kamukha po ni Miss Marian si Mam Maine, nanay nila Sir Thirdy."
"Doc, ready na po ung room for patient Mendez."
"Ok. Paki-assist na lang sila. Priority patient ito ha. Tapos i-ensure mo na maayos na mafilloutan ung forms."
Hinatid kami sa kwarto na gagamitin ni Mayang dito sa ospital. Grabe! Mas malaki pa yata kesa sa kwarto namin sa bahay eh. Kahit idugtong mo ung kwarto ng tyang ko! Sobrang laki at ang ganda! Ung kama ni Mayang parang hindi pang ospital.
Tapos may sofa bed pa para sa bantay. Sobrang pang mayaman ng ospital na to.
"Nurse? Sigurado ho ba kayong dito kami dapat? Kasi ho wala kaming ipangbabayad dito."
"Mommy, wala ho kayong dapat ipag-alala. Sagot ho kayo ng ospital. Kamukhang kamukha po kasi ni Mam Maine yung pasyente. Namiss lang po siguro ni Sir Thirdy yung Nanay nya. Anak nyo rin po ba sya?"
Akala ni Nurse anak ako ni Tita.
"Naku, kaibigan ni Mayang ito, si Franco."
"Hello po."
"Naku, dapat makita ka ni Doc Cee."
"Po? Bakit po?"
"Kamukha mo yung Tatay nila."
Kamukha ni Mayang ung Nanay ni Thirdy. Kamukha ko ung Tatay ni Doc Cee?
Magtatanong sana ko nang bumukas yung pinto.
"Hi--oh my goodness. Did Dad have an affair? Anak nya ba to sa labas?"
Ako? Anak sa labas? Nasa loob naman ako madalas ah!!!!
YOU ARE READING
ichi-go ichi-e
FanfictionOne time, one meeting Can one meeting of two people with colorful pasts translate into a once in a lifetime love story? Franco, diagnosed with autism, meets Mayang, a former cutpurse. They will form a friendship that may lead to something more... Di...