FOURTEEN

261 23 10
                                    

"Flowers for you."

"Franco!!!! Wow! Ang ganda naman nito. Bakit may pabulaklak ka pa? Anong meron?"

"Ganda? Gawa ko yan. Tinuro yan dati nung teacher namin sa arts eh. Tapos sabi ni teacher pag dumawa daw ako ng maraming marami pwede daw pang gift. Parang bouquet."

"O, eh bakit may gift ka sa'kin?"

"Eh kasi diba love kita? Tapos love mo ako. Sabi ni kuya nag ka girlfriend sya noon kasi love nila ang isa't isa. Pero bago daw sya naging boyfriend, nanligaw daw muna sya. Kaya lililigawanan kita para, para, para pwede mo na kong boyfriend. Tapos Sabi ni Tyang, pag nanliligaw daw, may bulaklak, gift tsaka chocolate. Kaya ginawa ko to. Bulaklak na, gift pa!"

"Ah Franco wow ah. Wala ka talagang filter eh no? Ligaw agad wow."

"Ano yon, Mayang?"

"Sabi ko, wow. Wow naman. Ang ganda ng kulay ng bulaklak."

"Wala nga lang chocolate... Kasi 'di ako nakabili eh. Sorry. Di ako nabigyan ni kuya ng pambili kanina eh."

"Ano ka ba, Franco. Salamat sa gift na bulaklak. Ok to."

"Talaga? Happy ka, Mayang?"

"Yes, Franco, happy ako."

"Ay ayon si Kuya!"

"Hi Mayang!"

"Oh Kuya Aldo! Akala ko mag-isa lang si Franco."

"Nako, di ko naman talaga kayang di sundan. Kasi alam mo na, baka pagtripan na naman ng mga bata dun sa kanto."

"Naku, Kuya, di nila gagalawin tong si Franco. Uupakan ko sila tigdodos pag inaway nila 'to! Cute cute ng bibi boy na to eh."

"Franco, ito oh, ibili mo muna pala si Mayang ng chocolate, para kumpleto ung pangligaw mo. Secret lang natin, para masurprise mo sya. Di ko sasabihin, promise."

"Talaga, Kuya? Promise? Secret lang?"

"Oo promise."

"Mayang, bili lang ako ah. Promise babalik ako. Iiwan ko dyan si Kuya ah. Babalikan ko sya promise. Babalikan kita dito ah."

"Hahahaha. OK. Dito lang ako. Hihintayin kita dito Franco."

"Ayan na nga, tumakbo na! Naku, Mayang, pasensya ka na talaga kay Franco ah. Talagang buo ang loob nya. Kahapon sinabi nya sa'kin mahal ka daw nya. Tapos ipinipilit nga din nya na sinabihan mo din daw sya na mahal mo sya Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya yung....yung kalagayan nya nang hindi sya nasasaktan. Kaya sa ngayon, hinahayaan ko muna. Ayos lang ba kung nililigawan ka nya? Mahirap lang talagang pigilan sya sa ngayon. Sabi rin naman ng psychiatrist nya parte daw talaga yon ng pagbibinata nya. Sa totoo lang naman kasi, may part lang ng cognitive development nya yung naapektuhan sa kanya. Kaya natural daw talaga na pagdaanan nya 'to."

"Kuya Aldo, naiintindihan ko po. Tsaka special din naman talaga sa'kin si Franco. Alam nyo naman na kaya Special Education ang course na kinuha ko nang magqualify ako na mag college ay dahil naging mahalaga na rin naman sya sa'kin. Nung makilala ko kayo noon sa Department Store, alam ko na sa sarili kong magiging malaking parte si Franco sa buhay ko. Tsaka totoo naman na sinabi ko sa kanya yon kahapon, Kuya."

"Ibig sabihin ba nito, Mayang, payag ka na seryoso sya sa pangliligaw nya sa'yo?"

"Kuya, malaki na ang inimprove ni Franco. Hindi nga ba't kapag nakakasama ako sa check ups nya eh sinasabi ng doctor na pabuti na ng pabuti ang lagay nya? Tsaka sabi mo nga, bahagi lang ni Franco ang may pagkukulang. Sa ibang bagay ay may pagkukulang din ang lahat ng tao. Kaya kung dahil sa pagkukulang, pagkakaitan natin sya ng magpapasaya sa kanya, ang unfair naman non. Tsaka ako rin, napapasaya rin ako ni Franco. Isa pa, kung may kulang man sa kanya, nahigitan na yon ng puso nya."

"Hindi ka ba natatakot sa sasabihin ng Nanay mo?"

"Kuya, tanggap ng Nanay ko si Franco. Nagkausap na kami."

"Alam mo, Mayang, tama ka. Hindi nagkulang sa puso si Franco. At tama syang magmahal. Tama ang puso nya ng minahal."

"Swerte nga ako, Kuya Aldo. Ang mga kagaya ni Franco, puro at totoo kung magmahal. Hindi naman mahirap mapamahal sa kanya, Kuya Aldo."

"Mayaaaaang!!!! May dala 'kong surprise!!!"

"Franco, ang taas talaga ng energy mo!!! Hahahahaha"

"One. Two. Three. Tatlong​ chocolates para I. love. you! I...love...you, Mayang. Kahit makulit ako lagi, love kita talaga. Promise."

"Ang sweet sweet mo talaga, Franco. Haaay. Halika nga dito!!!"

"Aray! Aray!! Mayang naman eh. Sakit sa cheeks!!"

"Hay naku! Ang cute cute mo kasi!!!! Hug mo nga ako!"

"Hug? Ha-hug kita? Mayang?"

"Hala, oo naman!! Tara dito-- uhm...Franco, wag masyado mahigpit. Hahahahaha wait lang. Wait lang nakikiliti ako. Wait lang! Hahahahahahahaha!"

"Hahahahaha salamat, Mayang."

"Huh? Para saan naman?"

"Kasi pinayagan mo ko i-hug ka."

"Sus! Kung gusto mo ako i-hug, kahit araw-araw pa, okay lang. Okay lang talaga."

"Talaga?"

"Oo naman. Happy ka, Franco?"

"Happy."

----------------------------------------

ichi-go ichi-eWhere stories live. Discover now