"Franco, uwi na tayo."
Yaya ni Kuya Aldo kay Franco.
"Ehe... Kuya, dito lang tayo."
"Hindi pwede. Kailangan nating umuwi."
"Kuya, sige na. Dito lang tayo..."
PAANO KUNG DUMATING YUNG SIR THIRDY DITO? DAPAT ANDITO LANG AKO!
"Hindi nga pwede, Franco. Mag-isa lang si Tyang sa bahay."
"Edi ikaw. Uwi ka na. Iwan mo 'ko dito. Dito lang ako kay Mayang. Baka kailangan nya ko dito o. Kawawa naman sya may sakit sya dapat andito 'ko."
"Franco, okay lang po ako dito. Andito po si Nanay. Hindi naman sya aalis dito."
"Kahit na. Tsaka pano kung mag-CR si Tita? Eh di wala kang kasama dito? Tsaka paano kukuha ng gamit mo si Tita? Uuwi pa sya para kukuha ng mga damit mo eh diba? Tsaka sya. Kailangan nya ng damit. Aalis sya. Tingnan mo nga wala sya ngayon. Iiwan ka namin dito?"
"Pinakuha na ni Tita kanina. Dinaanan ko na sa bahay nila. Dala ko na ung mga gamit nila."
"Eh kahit na. Paano kung magpapabili ng gamot ung doktor tapos aalis si Tita tapos walang kasama si Mayang tapos may sumakit sa kanya bigla? Paano matatawag yung nurse???"
"Haay, Franco, ang kulit mo po. Sabi nang okay lang ako. Uwi ka na. Tsaka wala kang tutulugan, kawawa ka naman."
Ang laki laki ng kwarto ni Mayang. Kahit sa sofa kasya pa kaming lahat nila Tyang eh!
"May higaan doon kaya para sa bantay. Tsaka dito ako oh, uupo ako dito sa chair sa tabi mo tapos dito ako magsleep sa tabi mo. Para kapag may kailangan ka, kakalabitin mo lang ako tapos ako na yung bahala. Parang yung sa TV kapag nibabantayan ung pasyente."
"Nandyan naman si Nanay, Franco. Umuwi ka na."
"Kuya, dito lang akooooo. Sige naaaaaa. Please please please please???"
"Ganito, babalik na lang tayo ng maaga dito."
"Ayoko ngaaaa. Dito lang ako."
Bakit nyo ba 'ko pinauuwi!? Paano kung dumalaw yung Sir Thirdy dito, ha???
"Wag matigas ang ulo, Franco."
Ako dapat mag-alaga kay Mayang!
"Kuya naman eh. Kaya nandyan si Mayang dahil sa surprise nya sa'kin. Kaya dapat ako ang mag-alaga sa kanya. Dito lang ako."
"Mabaho ka na. Di ka pa naliligo."
Hala, mabaho na ba 'ko? Inamoy ko yung sarili ko. Madyo amoy pawis na yata ako?
"May CR naman dito kuya eh. Tapos may damit ako sa bag. May pamalit ako."
Buti na lang, lagi akong may dalang pamalit. Sabi kasi ni Mayang dati dapat ready ako kasi minsan natatapunan ako ng toyo o kaya ng chocolate.
"Hay nako, Franco. Gumagaling ka nang mangatwiran ha! Sige, maglinis ka ng katawan. Magbihis ka. Dadalhan na lang kita ng damit bukas. Pero uuwi tayo bukas ha. May pasok ka sa Lunes. Bawal umabsent!"
Ayan! Sabi ko na, mapapapayag ko din si Kuya eh! Favorite kaya akong kapatid nyan!
"Ok po, Kuya. Promise uuwi na tayo bukas! Tsaka 'di po ako a-absent para makuha ko 'yung scholarship ko! Diba Mayang?"
"Oo, Franco. Bawal umabsent."
Bago makalabas si Kuya Aldo ay agad na naligo si Franco.
"Osige. Mayang, mauuna na ko ha. Pasensya ka na. Ayaw talagang umuwi nung isa. Alam mo naman talagang mahirap kumbinsihin 'yon."
"Oo nga, Kuya. Salamat din sa pagdalaw ha. Pati sa pagkuha ng mga gamit sa bahay. Nakakahiya naman."
YOU ARE READING
ichi-go ichi-e
FanfictionOne time, one meeting Can one meeting of two people with colorful pasts translate into a once in a lifetime love story? Franco, diagnosed with autism, meets Mayang, a former cutpurse. They will form a friendship that may lead to something more... Di...