-----------------------
Grabe. Ang ganda ganda nya talaga.
Tapos yung mga ngiti nya, parang stars na nagbibigay ng liwanag sa madilim na gabi.
Yung mga tawa nya, parang yung favorite kong music na biglang tumugtog sa radyo.
Magugulat ka sa umpisa tapos mapapangiti ka, minsan mapapasabay ka. Tapos mararamdaman mo na lang, gusto mo ikaw ang makapagpangiti at makapagpatawa sa kanya araw-araw.
Yung mga mata nya na sobrang ganda. Yun ang paborito kong pagmasdan sa mukha nya. Nung una ko syang nakilala, gusto kong magwala. Gusto kong magtantrums. Ganon kasi ako kapag naguguluhan ako.
Bago kasi sa'kin 'yung naramdaman ko eh. Parang hindi ako makahinga kapag nandyan sya, pero mas hindi ako makahinga kapag wala sya. Pero imbis na magtantrums, nakita ko ung mga mata nya. Para kong binuhusan ng malamig na tubig. Tapos naisip ko lang gusto kong makita 'yung mga matang yon sa umaga paggising ko. Pero hindi ko alam kung pano.
Si Mayang ang pinakamagandang pangyayari sa buhay ko.
Mula nang makilala ko sya, marami nang nagbago. Para bang naging prize ko sya. Kailangan kong pagbutihan ang bawat therapy ko non at kailangan kong galingan sa school kasi after therapy, pupuntahan ko sya kapag good boy ako.
Noong umpisa ganon lang. Pero eventually, hindi na lang 'yon eh. Parang naging intense. Naramdaman ko na lang na hindi na lang 'yong pagkatapos ng bawat session ung hinihintay ko. Hinihintay ko na na maging better ako.
Kasi naisip ko na kahit lab ni Mayang si Franco, deserve ni Mayang ng mas mabuting Franco--ng mas mabuting lalaki. At kahit sabihin ng iba na hindi ako 'yung pinakamabuting lalaki, magsisikap na lang ako na maging mas mabuting Franco. Kasi lahat ng mabuting bagay sa mundo, deserve nya.
Hanggang sa dumating na ang araw na sinabi ng psychiatrist ko na I did good and close to normal na 'ko. Siguro nga hindi ko na maa-achieve yung perfectly normal. Pero alam nyo, sobrang bait ni Lord kasi si Mayang, tanggap nya 'ko. Di ko makakalimutan 'yung sinabi nya sa'kin after ng check up na yon.
"Franco, you don't have to be perfectly normal. Because nobody is. You have a perfectly good heart and I am in love with you. And that is all that matters to me. I love you, Franco. Love na love."
Napakasarap marinig nyan.
Paminsan-minsan parang may mga emotions pa rin ako na di ko ma-control. Kapag may ginusto akong bagay, minsan sobrang nafu-frustrate pa rin ako kapag hindi ko nakukuha.
Pero alam nyo ba, isang tingin ko lang sa mga mata ni Mayang, parang hinihila na 'ko pabalik sa kanya. Tapos isang ngiti nya lang, nawawala na yung frustration ko. Kumakalma na 'ko.
Nasabi ko na bang ang ganda ganda nya?
Hindi pa ba?
Ang ganda ganda nya. Sobra.
At nasabi ko na bang mahal ko sya?
Mahal na mahal na mahal ko sya.
Kasalukuyan kong pinipaint yung picture nya. Ito ung isa sa mga paborito kong pictures nya sa cellphone ko.
Her hair was a little wavy. Naka braid sya maghapon sa school kung san sya nagtuturo ng mga kids with special needs. Nung sinundo ko sya nung hapon after class para mag date sa malapit na park, pinatanggal nya sa'kin yung tirintas. Kaya ayon, mejo kulot.
Nung nasa park na kami, nung una, nagkukwentuhan lang kami. Nakita ko, ang ganda ng kulay ng sky. Pa-sunset na kasi. Sabi ko sa kanya, kunwari photoshoot tapos ako yung photographer sya ung model.
Bilang si Mayang sya, at napakakulit nya rin naman talaga, game naman syang tumayo sa harap ko at nagpo-pose ng parang baliw na model. Maya-maya, tumatawa sya. Her head thrown back in laughter, and the light of the setting sun shining like a spotlight on her face, highlighting all her beautiful features.
And right at that moment, I knew, that that woman laughing in front of me is the woman I would fight heaven and hell for just so I could have her forever.
I snapped a photo of that. At ngayon pinepaint ko para ibigay sa kanya sa birthday nya.
Dahil din sa kanya kaya ako naging mas magaling mag paint. Ang daming bumibili ng paintings ko. Yung iba, kino-commission pa 'ko to paint for them. Minsan murals.
Si Mayang nga, niloloko ko minsan na dapat ko na syang singilin. Kasi ang ganda ng classroom nya sa school. Pinapinturahan nya sa'kin ung buong classroom nya!
Nag enjoy naman ako. Ung left side ng room nya, mga characters and scenes mula sa nursery rhymes. Three little kittens, Humpty Dumpty, yung cow na lumipad over the moon, stars, black sheep kasama pa ung madame at little boy who lives down the lane.
Sa right side naman letters and numbers. Tapos ung likod, hinayaan nya akong mag-isip ng design. Kaya ginawa ko, nag paint ako ng sunset over Manila Bay. Tapos may silhouette ng isang family: mommy sa left, daddy sa right tapos dalawang anak sa gitna.
Sya rin ang dahilan kung bakit inspired ako sa mga paintings ko. Naaalala ko kasi lagi kung bakit ko ginagawa yung pagpepaint. Magsisimba kami non, galing kaming Mall of Asia isang Sunday. Tapos dederecho kami sa Shrine of Jesus The Way, The Truth and The Life para magsimba.
Kaso may kasal non. We still went inside to pray. Tapos pag lingon ko sa kanya, nakatingin sya dun sa ikinakasal na kasalukuyan noong nag-e-exchange ng vows. She had an easy smile on her lips. Tapos bigla ko na lang nasabing "Let's get married here."
"Now?" She said without batting her eyes. Hindi man lang sya gulat or what.
"Hindi. Ayoko." Sabi ko. Kaso nalungkot yata sya.
"Ayoko pa. Wala akong pambili ng wedding gown mo. Wala pa kong pampakain ng bisita. Wala pa kong ipapakain sa'yo--"
"Limang piso lang yung isaw sa kanto."
"Hindi isaw ang kakainin ng mga anak ko araw araw. Hindi healthy."
"Hindi rin healthy ang fishballs." Hay, lagi na lang syang may point. At palagi nyang ipaglalaban ang point nya!
"Okay. Basta. Hindi ngayon. Wala akong pera. Wala pa. Hindi pa ngayon. Pero balang araw, Mayang. Balang araw."
"Eh di mag-ipon tayo."
"Walang tatanggap sa'kin na trabaho eh."
"Bakit??"
"Kasi ganito 'ko. Ganito lang ako. Minsan parang mas bata pa 'ko sa mga tinuturuan mo. Minsan parang nagtatantrums pa rin ako. Ang tanda ko na pero ganito pa rin ako. Panong may pipili sa'kin kung--"
"Nakakabastos ka na ah."
"Ha?"
"Pinili kita, Franco. At araw araw, pinipili kita. Don't you ever think less of yourself. Kung ayaw ka nilang piliin, it's their loss."
"Sorry na. Sorry na. Hindi naman 'yon yung ibig kong sabihin eh. Sige. Isip na lang tayo kung paano ako makakaipon."
"Tayo. Tayo ang mag-iipon. Ikaw lang ba ikakasal? Ako rin. Tsaka magpropose ka muna. Aba."
"Hahahahaha okay, okay. So ipon?"
"Hmmm. Why don't you sell your paintings online? Let's make you an IG account tapos post natin paintings mo?"
"Pwede...kaso marami na namang gumagawa non eh."
"Pero you are different. Your paintings speak so much more emotions. I think mas bibilin nila yan. And wala naman mawawala if we try eh."
So that's how I started selling paintings online. Eventually, marami rin ako naging customer. Some pay extraordinarily high amounts. Enough for me to save for us both and for our future family. Now if only I can finish this painting para may maibigay ako sa kanya kasabay nitong munting bilog na pilak na may maliliit na dilaw na bato na nasa maliit na pulang kahon sa bulsa ko.
Malapit na, Mahal ko. Malapit ko nang hingin ang matamis mong oo.
-------------------------------------
Hello, mga mahal! Miss ko na kayo.
YOU ARE READING
ichi-go ichi-e
FanfictionOne time, one meeting Can one meeting of two people with colorful pasts translate into a once in a lifetime love story? Franco, diagnosed with autism, meets Mayang, a former cutpurse. They will form a friendship that may lead to something more... Di...