SIX

430 44 3
                                    

For the next few months, Franco and Mayang have established a routine after school. Franco would head over to their store and would wait for Mayang to come over after school, some days, he would arrive to Mayang waiting for him with reviewers for him to read.

It was on the third month of the school year when Franco came over excitedly delivering the good news.

"MAYANG! MAYANG! SABI NI TEACHER EXAM DAW AKO TAPOS PWEDE NA KO MAG GRADUATE NGAYONG TAON TAPOS MAGKA-COLLEGE NA KO! PWEDE NA DAW AKO MAG EXAM!"

"Franco, huy. Hahaha. Kalma. Di ko naintindihan eh. Masyadong mabilis. Kalma ka lang tapos ikwento mo sa'min yung nangyari, okay? O sige, inhale, exhale. Ayan. One more. Inhale, exhale. Ok. Slow down ha. Kwento na."

Franco took deep breaths to calm himself down. This usually happens when he's so excited or anxious about anything.

"Mayang! Good news! Sabi ni Teacher kanina, magte-take ako ng qualifying exam para mailipat na ko sa 4th year. Tapos tapos pag nangyari yon, makakagraduate na ko ngayong school year. Pwede na ko mag college next year! Pwede na!!"

In delight, Mayang hugs Franco.

"Wow, Franco!!! Nakakatuwa naman yan! Nakaka-proud ka naman! Alam na ba ni Kuya Aldo yan?"

"Di pa. May nibigay si Teacher sakin na letter eh. Para daw kay Kuya Aldo yon. Para alam nya ung kailangan gawin."

"Okay. Sige. Alamin natin kung kailan yung exam mo ha. Tapos review tayo lagi para kapag nag exam ka na madali na lang ung exam sa'yo. Okay?"

"Okay! Thank you thank you thank you ng madamingdami!!!!! Lagi mo ko nitutulong! Salamat, Mayang!"

"Wala yon, Franco, no! Ano ka ba. Haaay, proud ako sa'yo! Pakurot nga!!!!!"

Mayang pinched his cheeks.

"Araaaay. Mayang!!!"

"Hahahahaha sorry na! Ang cute mo kasi eh. May assignment ka ba?"

"Wala naman. Wala kami pasok bukas!!! Asan kaya si Kuya? Sana punta na sya dito para bukas nya na ung letter."

"Excited ka na?"

"Super!"

"Hahahaha hindi naman masyadong halata, Franco. Gusto mo tawagan natin si Kuya?"

"Wag na. Pupuntahan nya naman ako mamaya dito eh. Kwentuhan mo na lang ako."

"Ano naman ikukwento ko sa'yo, Franco?"

"Si Tita. Kwentuhan mo ko tungkol kay Tita. Lagi ka bang lab ni Nanay mo? Sarap siguro nung may Nanay na niaalagaan ka. Ung klasmeyt ko lagi nya niaaway ung nanay nya. Kinukwento nya na hindi sila bati ng nanay nya. Kung ako ung may nanay, lagi ko yun ihahug tsaka ikikiss tsaka ilalab kagaya nung ginagawa ko kay tyang ko at kuya ko."

For a while, hindi makasagot si Mayang. Nagka-gap sila ng Nanay nya noon pero mahal na mahal nya ito. Sobrang saya nya na ngayon kasama ang nanay nya.

Kaya naman nalulungkot sya para kay Franco na nagkasya na lang sa pag-aalaga ng Tiyahin at pag-aaruga ng kuya.

Hindi naman sa nagkukulang sila, pero sya mismo, alam nya na iba pa rin ang pa-aalaga ng isang ina.

"Si Nanay, mabait yan at mapagmahal, maalaga, malambing, maalalahanin, minsan lang masungit yan kapag may kasalanan kami sa kanya. Pero madali naman syang suyuin."

Mayang was a bit surprised when Franco lied down and settled his head in her lap, but she decided to continue.

"Noong bata pa 'ko, bago matulog, kinukwentohan nya din ako tungkol sa mga nilalaro nila dati nung mga kaibigan nya. Tapos kapag nananaginip ako ng masama at magigising akong umiiyak, kinakantahan ako ni Nanay."

"Anong nikakanta nya sa'yo?"

"Minsan uyayi. Minsan parang iniimbento nya lang."

"Parinig ako."

"Hala."

"Sige na, please?"

Parang nagmamakaawa si Franco kay Mayang. At sobrang naantig si Mayang dahil alam nyang naghahanap pa rin paminsan minsan si Franco ng kalinga ng isang ina.

"Tulog na baby kong mabait
Tulog na baby kong mahal
Tulog na baby kong mabait
Tulog na baby ko,
Tulog na mahal ko"

"Kanta ka pa, please?"

"Ha?"

"Ang ganda ng boses mo, kanta ka pa please?"

"Ibang kanta na lang kakantahin ko."

"Hmmmm sige."

She softly sang a song she used to sing to herself back when she was away from her Nanay. Noong mga panahon na sarili nya lang ang kakampi nya.

"Tulog na mahal ko
Hayaan na muna natin ang mundong ito
Lika na, tulog na tayo.
Tulog na mahal ko
Wag kang lumuha, malambot ang iyong kama
Saka na mamroblema

Tulog na hayaan na muna natin sila
Mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan
Kung matulog, matulog ka na... 

Tulog na mahal ko
Nandito lang akong bahala sa iyo
Sige na, tulog na muna
Tulog na mahal ko
At baka bukas ngingiti ka sa wakas
At sabay natin harapin ang mundo

Tulog na hayaan na muna natin sila
Mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan
Kung matulog, matulog ka na..."

"Hala, nakatulog na nga... Haay Franco. Sige nga. Matulog ka muna. Dito lang ako. Kung may mga nang-iwan sa'yo noon, ako, pangako, dito lang ako. Matulog ka ng mahimbing. Pagkagising mo, nandito pa rin ako."

As if hearing her monologue, Franco slowly smiles and the dimple on his left cheek deepens.

Her heart skips a beat.

ichi-go ichi-eWhere stories live. Discover now