Eight

454 45 19
                                    

"Nay? Franco?"

"Anak, an--"

"Mayang! Grabe ka. Nipakaba mo naman kami! May masakit ba sayo? Tatawag ako ng doktor! Doc Cee! Teka. Tatawag ako."

Patayo na ko para tawagin si Doc Cee pero hinila ko ni Mayang.

"Huy. Franco. Hahahaha okay lang ako."

"Anong ok? Tingin mo ok ka? May balot pa yang noo mo oh. May dugo! Ano ba kasi?"

"Huy, kalma ka lang. Promise walang masakit."

"Totoo? Walang lie?"

"Uhm. Meron konti."

"Naku, anak. Sabi mo kay Franco no lies diba?"

"Itong si Nanay o, kay Franco na naman kumampi."

"Hindi ko sya kinakampihan. Gusto ko lang sabihin mo sa'min kung may masakit sa'yo."

"Meron po. Ung ulo ko. Tsaka katawan ko. Pero di naman masyado. Kaya ko po."

"Tatawagin ko si Doc."

"Wag na. Ok lang ako."

"Sabi nya tawagin sya pag nagising ka."

"Huy, Franco. Wag ka nang magalit. Away mo ko? Bati na tayooooo."

"Hindi naman ako galit. Wait lang, Mayang. Tawagin ko lang si Doc."

"Ako na, Franco. Wag mo iiwan si Mayang ah?"

"Ok po."

Paglabas ni Tita, nagsalita si Mayang.

"HALA!!!!"

"Bakit? May masakit ba? Super sakit ba? Tita!"

"Hindi hindi. Wait lang. Homayghad. Bakit ako nandito?"

"Ano?!?!? Wala kang maalala? May ano ka? Am...ab...an....anme..."

Ano kasi yon?!?! Ung sa TV?! Kapag nauuntog ung artista tapos paggising nga wala syang maalala????

"Amnesia?"

"Ayon. Amnesia. May amnesia ka?????"

"Hahahahaha anuba, Franco! Wala akong amnesia. Hahahahahaha"

"Eh bakit tinatanong mo kung bakit ka nandito?"

"Eh kasi, nakita mo ba 'tong kwarto na 'to? Baka hindi lang 30,000 pesos isang araw dito! Nako. Wala kaming ipangbabayad dito!"

Sasabihin ko pa lang na libre daw nila Sir Thirdy ang lahat, bumukas na ang pinto at pumasok sina Tita at Doc Cee kasunod sina Tita Maine at Sir Alden.

"Nay? Oh my goodness. Ano? Ha? Wait. Nahihilo ako."

"Mayang? Mayang? Anong nangyayari? May masakit ba?"

"Hi, Mayang. I'm Dr. Celestine Mendoza Faulkerson, your attending physician here at Rio Faulkerson Memorial Medical Center."

"Uhm, Doc Celestine,"

"Doc Cee na lang."

"Ayon, Doc Cee, sorry po pero I don't think I'll be staying here for long. I think uuwi na kami kasi ano, uhm, magiging honest po ako sa inyo ha? Baka po kasi hindi namin kayanin ung bill dito. Grabe ho ung kwarto nyo dito akala ko nasa hotel ako. Tsaka po wala po bang ward dito? Susmaryosep."

"Hahahahaha. Mayang, I love your humor. You sound like my mom. Anyway, no. Hindi ka lalabas dito unless cleared ka sa lahat ng results. Mapapagalitan ako ni Kuya Thirdy kapag pinauwi kita ng hindi ok. Besides, don't worry about the bill. Everything's on us."

ichi-go ichi-eWhere stories live. Discover now