Sabi nila, masarap daw magkaroon ng BESTFRIEND. May taong poprotekta sayo, magaalaga sayo. Pero, handa mo bang ipagpalit ang PAGKAKAIBIGAN para sa hinahangad mong... PAGMAMAHALAN?
-
(CHAPTER 1: Bestfriend Forever <3)
"Nad! Nadine!"
"Oh Jad? Problema mo?"
"Sungit naman. -.-"
"Hindi ah? Hahaha."
"Hmmp. Okay."
"Bakit mo ko tinawag?"
"Wala lang! ^_____^"
Naknang.. Makatawag ng pangngalan ko kanina e? Parang akala mo may nasusunugan. -.-
Andito nga pala kami sa school. Papunta ako sa library ibabalik ko tong book na hiniram ko. E bigla nga akong tinawag ni Jad.
"San ka pupunta?"
"Sa library. Ibabalik ko tong libro."
"Ah sige. Sama ako :)"
At ayun nga, sumama siya. Btw, Jad is my bestfriend. Preschool palang magbestfriends na kami hanggang ngayong highschool na kami. Close din kasi yung mga magulang namin kaya ganun. ^____^
Nandito na pala kami sa library.
Sinabi ko kay Jad na ibabalik ko muna tong libro. Maghahanap daw sya ng seats tapos hanapin ko nalang daw sya.
"Ah.. Ms.Sanchez, Eto po yung libro."
"Okay thanks. Here's your card."
Kinuha ko na yung card ko at agad na hinanap si Jad. Andun pala siya sa 3rd row. Umupo ako sa tabi niya..
"Nad. Gawa tayo ng lettering ng Bestfriend Forever." Pagaaya nya sakin.
"Lettering? Kabadingan mo naman Jad. -.-"
"Ako? Bading? Asa naman. Sa kapogian ko na'to?" Nag-pogi sign pa sya. Tss!
I just gave him a glare. Pero, to be honest. Pogi naman talaga siya. (Nakakasuka!) Joke! xD Di. Pogi talaga siya :)
Kumuha sya ng papel at pentelpen sa bag niya. Nagsulat siya ng lettering ng BESTFRIENDS FOREVER tapos nilagyan ng mga kung anu-anong designs.
Yung totoo? Bading ata to e. May pa-heart heart pa kasing nalalaman.
"Jad. Bakit may heart?" Tanong ko.
"Wala lang. (Sabay smirk) Akala mo sigu--"
"Lalalala. ~" Di ko sya pinatapos sa sasabihin niya. Baka mabadtrip lang ako e.
Maya-maya.. Natapos niya na yung lettering thingy. Nakalagay:
"BESTFRIENDS FOREVER ❤ Jadine :')"
Jadine? Kailan nya pa yan inimbento? May pa Jadine-Jadine pang nalalaman. Pero, aaminin ko... Kinilig ako dun. :>
"Maganda ba?"
"Sino?"
"Anong sino? Sabi ko. Kung maganda ba yung gawa ko." Pahiya-konti. :3
"A-ay sorry naman. Akala ko kasi may nakita ka na namang chix. Ah-eh, oo maganda nga to." Nauutal kong sabi.
"Psh. Sinabing--"
"Oo na! Na sila yung kusang lumalapit sayo at hindi ikaw. Kasi pogi ka, mabait, astig, cool--"
"Wow ah? Memorize?"
"E baliw ka pala e. Sa isang araw, sampung beses mo ata inuulit-ulit yan e."
