Chapter 7

15 1 0
                                    

Side

Niyaya akong kumain ni Zee, yeah that lonely boy's name is Zee. Di na ako tumanggi, gutom rin naman ako at kailangan ko rin namang kumain.

Nag luto siya ng hotdog and bacon, again. At may pancake. Umupo ako sa harap niyang upuan at nag palaman na ng hotdog, and bacon sa pancake. Feeling ko talaga nag be breakfast ako ngayon, kahit gabi. Pero hindi na ako nag reklamo, ako na nga yung nakikikain tapos may gana pa akong mag reklamo? Baka mainis lang 'tong kasama ko sa kaartihan ko.

Habang kumakain kami ng tahimik ni Zee narinig ko kaagad ang pag bukas ng pinto. It must be the demon. Who else?

Narinig ko ang munti niyang mga yabag papunta sa pwesto namin. Nang makalapit na siya ay agad siyang huminto at tinignan kaming dalawa ni Zee. Sinuklian ko rin siya ng tingin.

Kumuha siya ng plato at inilagay roon ang pancake, hotdog and bacon. He just shrugged his shoulder, and left.

Nag katinginan kaming dalawa ni Zee. After kong kumain ay tumalikod na agad ako sakanya at pumunta sa kwarto ko. Ang boring dito. Hindi pa ako dinadalaw ng antok ulit, ang haba kasi ng tulog ko kanina.

It's quarter to nine, napag desisyunan kong lumabas muna ng dorm at mag pahangin sa labas. Sinuot ko yung pullover kong panda custome. Actually marami akong ganito. Lumabas ako ng kwarto, nakapatay yung ilaw at buti nalang may dala dala akong flashlight.

Hindi na ako nag abalang buksan yong ilaw, aalis rin naman ako, kaya hindi na kailangan. Pinihit ko pabukas yung pinto. Flashlight lang ang nabubukod tangi kong dala dala. Parang condo minium style yung labas ng dorm namin kaya hindi ko nararamdaman yung lamig sa labas. 

Onti lang yung ilaw sa labas, agad akong pumunta sa elevator at pinindot yung first floor na kung saan ako makakalabas. Habang nag aantay sa paparating na elevator, nakarinig ako ng mga lakad. Napatingin ako sa gilid ko, wala namang tao o kung ano man. Narinig kong huminto siya, sa sobrang tahimik ngayon lahat naririnig ko na. Quarter to nine palang pero parang nasa kalagitnaan na ako ng gabi sa sobrang tahimik.

Ngayon, hindi na mga yabag ang naririnig ko kung hindi takbo na. Biglang tumunog yung elevator at bumukas, pumasok kaagad ako sa pinto sabay pindot ng close sa pinto at first floor, bago pa tuluyan na sumara yung pinto ng elevator, halos mahimatay ako sa gulat ng may biglang lalaki na may hiwa sa noo at pisngi ang nasa harap ko, puro dugo siya sa mukha, may laslas rin siya sa bandang leeg at halos matumba na!

OMG!! Hindi ko alam ang gagawin ko, bigla nalang tuluyang sumara yung pinto ng elevator, napahawak ako sa dibdib ko.

"Oh my fucking shit.. What the hell was that?!" Tanong ko sa sarili ko, mukha siyang tinorture! Kung ako ang nasa kalagayan niya mas gusto ko nalang mamatay kaagad kesa gawin pa sa'kin yon!

Huminga ako ng malalim. Nasa 2nd floor na ako ng building. Huminto ito na hudyat na may papasok. Bumukas ito at tumamba sa'kin ang isang lalaki na ngayon ko palang nakita. Well, kakalipat ko palang naman ng school.

Una kong napansin sakanya ang kaniyang pulang mata sa kanang bahagi nito. Gwapo siya, medyo maputi at matangos ang ilong. Pero yung mata niya talaga, iniisip ko kung natusok ba yun ng matulis na bagay o sadyang ganon na talaga yung kulay ng mata niya.

Tinitigan niya ako ng seryoso atsaka tahimik na pumasok. Hindi ko na ulit siya tinitigan. Tumunog ang elevator, hudyat na nasa tamang palapag na kami. Pero ako lang ang bumaba. Lilingunin ko na sana siya kung bababa ba siya o hindi. Kaso bigla nalang akong tinamad na gawin iyon, ang weird lang. Bakit niya pa pinindot yung down bago siya sumakay ng elevator kung sa taas naman din pala ang tungo niya? Tsk.

Pag dating ko sa first floor ay madilim na. Nag lakad ako hanggang sa makarating ako sa exit ng lobby. Pinihit ko ang double glass door palabas. Agad na yumakap sa'kin ang lamig na nanggagaling sa labas. Buti nalang at naka costume ako ng panda, at hindi ko masyadong nararamdaman ang ginaw dahil dito.

Pumunta ako sa play ground ng school, nasa likod ito ng school kaya kailangan ko pang lakarin. Kitang kita ko ang liwag ng buwan, para itong isang malaking ilaw na nag bibigay liwanag ngayong hating gabi. Binilisan ko pa ang lakad ko dahil gusto ko ng maupo at makapag muni muni. Niisa wala manlang akong nakakasalubong. But it's better to be lonely.

"Where are you going?" Halos masubsub ako sa sobrang gulat! That voice.. That cold yet killing voice..

Nasa likod ko siya kaya agad akong humarap sakanya. Nang mag tama ang mata namin, halos ganon parin ang naramdaman ko. Tuwing tumitingin ako sa mga mata niya para akong kinakapos ng hinga. Hindi ko alam kung kailan ba ako masasanay. I should train myself, araw araw ko siyang makikita dahil dorm mate kami, hindi naman pwedeng lagi nalang akong ganito.

"Pake mo?" Tanong ko ng nakataas ang kilay.

Seryoso parin siyang nakatingin sa'kin.

"Delikado dito." Mariin na sabi niya.

Oh, may pake pala siya?

"I don't care."

"Bumalik kana sa kwarto mo." He said, sobrang seryoso niya, halos manginig ang buong sistema ko sa lamig ng pag kakasabi niya. Damn this guy!

"Pwede ba? Mind your own business." I said bitterly. Tumalikod ako sakanya atsaka nag patuloy sa pag lalakad papunta sa play groud, narinig kong sumunod siya.

Ugh! Ano bang problema ng isang 'to? Can't he just leave me alone? I want some time for myself!

Nang makarating na ako agad akong umupo sa may swing. Pinag masdan ko ang madilim na kalingitan, wala manlang stars, pero ayos lang dahil kitang kita ko naman ang buong buwan. Ang ganda sa mata lalo na't madilim at tahimik.

I closed my eyes as the cold air filled my face. I immediately open it. Tumingin ako sa katabi ko, he's watching me with those gentle eyes. Napatulala ako sakanya. I can't believe that.... I can't believe that I saw those gentleness in his eyes! Malayong malayo sa mga mata na nakakapag pakaba sa'kin!

Nakita kong pumikit siya ng mariin at sinabing, "Umalis kana, delikado dito." He said softly.

My jaw dropped. I couldn't speak, parang nawalan ako ng karapatan na mag salita dahil sa boses niyang sobrang nakaka panibago.

He stood up, lumapit siya sa'kin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko.

Nakatingin lang ako sakanya habang lumalapit siya sa'akin. Nung nasa harap ko na siya, he stretched out his arm to guide me up. Hindi ko talaga alam kung kukuhanin ko ba yun o hindi. Pero bago pa ako maka palag kinuha niya na ang kamay ko atsaka tinulungan akong tumayo. His soft and warm hand covered my cold hand. Sobrang comfortable. Dang it!

Habang nag lalakad kami papunta sa bukana ng entrance ng dorm ay agad siyang huminto at binitawan ang kamay. May parte sa'kin na gumuho.

"Akyat na." Utos niya, bumalik na sa dati yung boses niya.

Inirapan ko siya, "Fine." At nag martsa na ako papasok.

Pero bago pa ako makapasok sa loob ay agad rin akong napahinto ng bigla siyang mag salita.

"Good night, my panda." Sabi niya, then walked away....


I need some check ups. Madalas na akong makadama ng pag bilis ng tibok ng puso nitong mga nakaraang araw ah? Parang may mali na eh...

Wala na akong nagawa kundi ang umakyat nalang.

Dievel High (ON-GOING)Where stories live. Discover now